chapter 9 - EH, NAGPANG ABOT/Edited

6.3K 161 5
                                    

Chapter 9 - eh, nag pang abot

NAKAKAKABA

Yan yung nararamdaman ko sa mga oras na ito., Hinahalikan ako ni Hans pero hindi ko maramdaman yung pakiramdam pag hinahalikan ako ni Arlan. Wala yung pamilyar na kilig sa tuwing maglalapat yung mga labi namin ni Arlan.

Gusto ko siyang itulak, pero may isang parte sa pagkatao ko na naeexcite sa pwedeng mangyari. Sa mga susunod pang mangyayari. Unti unting gumagalaw yung mga labi niya.

BAGO. sobrang bago sa pakiramdam. Hindi pa ako nahahalikan ni Arlan ng ganito. NAKAKADALA. NAKAKALIYO. NAKAKAPANGHINA. I was about to close my eyes and feel the moment nung biglang may humila sakin palayo kay Hans.

SI ARLAN...

Nakita ko nung sinuntok ni Arlan si Hans. Nakita ko kung pano siya napahiga sa buhangin. Nakita ko kung paano bumangon at gumanti si Hans. Kung paano sila nagpambuno at kung paano silang dalawa napahiga sa buhangin pero wala akong nagawa. I was stunned. Hindi ako sanay makakita ng mga ganitong bagay. Hindi ako sanay na makitang ganito si Arlan. Masyadong mabilis yung mga pangyayari.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO HANS!!!ANONG KARAPATAN MONG HALIKAN SI ANN?!" Galit na galit na sabi ni Arlan habang sinusuntok niya si Hans.

"BAKIT?! IKAW LANG BA ANG MAY KARAPATAN SA KANYA? WALA KANG KWENTA ARLAN! ILANG BESES NA BANG UMIYAK SI RHOANNE NG DAHIL SA KAGAGUHAN MO PERO ANONG GINAGAWA MO?! NASASAKTAN NA SIYA PERO TINUTULOY MO PA DIN!" Gumanti naman ng suntok si Arlan.

"Hey guys! stop it! Ano ba kayo?!" Sigaw ni Ate Darlyn na nasa likod ko na pala nun pero hindi siya pinansin nung dalawa.

"Stop..." Bulong ko na alam ko namang hindi nila narinig. "Tumigil na kayong dalawa. please! tama na!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanila. Tumigil sila pero hindi sila naghiwalay, parehas nilang hawak yung kwelyo ng isa't isa habang nakatingin sila sakin.

Lumapit ako kay Hans saka ko siya hinawakan sa braso para mapalayo. Gusto ko sanang si arlan yung lapitan pero naisip ko din na andito si Ate Darlyn para tulungan siya samantalang walang mag aasikaso kay Hans. Nakatingin lang sakin si Arlan na lalong nag dilim yung aura.

"Really guys?! what's going on here ? Am i missing something?" Nagpalipat lipat yung tingin ni Ate Darlyn sa aming tatlo pero para talagang wala siya sa mundo namin, Wala ding pumansin sa kanya.

"Wala kang alam sa nangyayari Hans. kaya kung pwede lang wag kang makialam." Masama yung tingin na sabi ni Arlan.

"Wala nga siguro akong alam sa mga nangyayari kaya hindi ko maintindihan yan mga ginagawa mo, pero fuck you Arlan! Kung ako yung nasa kalagayan mo hindi ko gagawin 'to! Hindi ko hahayaang masaktan ng husto yung taong mahal ko dahil lang sa wala akong bayag para lang ipaglaban siya." Yun lang ang huling sinabi ni Hans saka niya ako hinila palayo.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? interesado ka sa kanya?!" sigaw ulit ni Arlan. Tumigil si Hans sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Oo, interesado ako sa kanya. At kung hindi mo siya kayang piliin.. Ako ang gagawa nun para sa kanya." Tuluyan na kaming umalis dun.

That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon