chapter 26 - letting go
kanina ko pa siya tinitignan habang natutulog. it's past midnight pero gising na gising pa rin ako. hinawi ko yung ilang hibla ng buhok na nakatabing sa gwapo niyang mukha. napaka peaceful niyang tignan habang tulog parang wala siyang iniisip na problema.
yung mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko na parang ayaw niya akong pakawalan na nagsasabing sa kanya lang ako.
sana pwedeng habang buhay tayong ganito noh?
kaso lang hindi pwede eh.
naalala ko pa yung sinabi niya sakin kagabe..
I love you Rhoanne.
ang sarap sanang pakinggan eh. ang sarap sana kung akin ka. kung tayong dalawa.. kaso Hindi eh. mamaya pag gising mo, reyalidad na ulit ang haharapin mo. reyalidad na walang tayo. na Hindi kailanman magiging tayo.
dahan dahan kong inangat yung mga braso niya sa bewang ko. mabuti nalang tulog mantika siya kaya kahit pasabugan mo siya ng bomba hindi magigising yan. sinamsam ko yung mga nagkalat kong gamit sa kwarto bago ako lumabas. saktong umaandar parin yung player niya sa kantang
"it must have been love , but its over now. it was all that I wanted. now I'm living without."
bagay na bagay sa mararamdaman ko yung kanta.
it must have been love, but it's over now.
isinuot ko yung mga damit ko and bumalik ako sa kwarto ni Arlan. hinalikan ko siya sa pisngi.
goodbye Arlan. mahal na mahal parin kita.. till we meet again..
patuloy na umaagos yung luha galing sa mga mata ko. nahihirapan ako pero kailangan kong gawin to. I take a last look at his suite bago ako tuluyang lumabas. whatever happened in Europe stays in Europe.
------------------
magang maga yung mga mata ko nung nag land yung eroplanong sinasakyan ko sa NAIA. it was a long way back home at Wala akong ibang ginawa nun kundi umiyak. sinuot ko yung rayban ko bago ako lumabas ng arrival area.
"Rhoanne.." tumawag ako kay Lawrence overseas para magpasundo. napaaga kase yung flight ko. actually sinadya ko yun para hindi na kami mag abot ni Arlan. mabuti nalang may nakuha akong change passenger.
"Enz.. ang gwapo natin ah.." pinilit kong maging cheerful yung boses ko kahit halatang halata naman sa pamumula ng ilong ko na bagong iyak ako.
"matagal na akong gwapo nuh." sabi niya pero nakatingin naman sakin.
"Love.." lumingon ako sa nagsalita. nakita kong tumatakbo si Pam palapit samin, may dala siyang frappuccino from Seattle's best.
at nagkiss pa talaga sila sa harapan ko. talk about public display of affection. punyeta lang diba?! broken hearted ako hoy!
"really pam? it's what? three a.m and you're here with Lawrence? Siya lang naman ang nakakaalam na uuwi ako ah. what are you doing here?" taas kilay na sabi ko sa kanya kahit hindi naman niya makikita.
"bawal ka bang ma miss Rhoanne?! at saka..." umiwas silang dalawa ng tingin sakin bago lumunok.
alam ko na 'to eh.. ganitong ganito si Iñigo eh.
"are you two living together while i'm away?!" nanlaki ang mga matang napatingin sakin si Pam.
"OF COURSE NOT!! WE'RE NOT LIVING TOGETHER! WELL, NOT YET! WERE JUST SLEEPING TOGETHER!" nagtakip naman agad ng bibig si Pam habang si Lawrence pigil na pigil ang pagtawa. bunganga talaga ni Pam minsan mahirap pigilan.
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
General Fictionunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?