chapter 3 - it's nice to see you again, SIR. or NOT. / edited

10.1K 234 3
                                    

Chapter 3 - nice to see you again, SIR. Or NOT

"Lola Aura!!!" pagdating na pagkadating nung sasakyang sumundo samin sa airport, agad na nanakbo papasok si Pam. I took time to look around, sure dati ng malaki 'tong bahay ni lola pero mas naging maganda yun ngayon. Bagong pintura ang buong bahay, no. Scratch it. Mansyon ang tamang term dito.

Kulay cream na yung dating kulay brown na haligi ng mansyon. Nagkaroon na din ng fountain sa may tapat ng grand staircase at napuno na ng mga tanim na rose sa paligid.

"Ma'am Rhoanne, pasok na po kayo." tinawag ako nung isang kasama dito sa bahay na hindi ko napansing nakalapit na pala sakin. Nasa edad bente pa lang siguro siya at maaliwalas yung mukha niya. naipasok na din yung iba naming gamit ni Pam.

"Ah salamat po. si Lola Aura ho?"

Nag umpisa na kaming maglakad.

"Nasa sala po, kausap yung kapatid nyo."

"Lola Aura, i miss you." niyakap ko siya agad at hinalikan nung nakapasok ako sa mansyon.

"Ang ganda ganda talaga ng mga apo ko. Namiss ko din kayo mga apo.. kamusta na kayo? Ang nanay at tatay nyo?" gumanti din ng yakap sakin si Lola. naluluha naman ako nung tinignan ko siya ulit.

Close kami ni lola Aura, malandi din kase siya eh. kaya nung mga panahong nahumaling ako kay Arlan, siya pa talaga yung gumagawa ng paraan para makasama ko si Arlan.

Kaya naging mahirap din para sakin yung desisyon kong lumayo. Gustong gusto ko man na makita si Lola aura pinipigilan ko nalang yung sarili ko dahil ayoko ng maalala yung sakit. Yung tipong lahat ng lugar na makikita mo dun, magpapaalala sayo ng lahat ng saya at sakit. Magpapaalala sayo ng tungkol sa kanya.

"Okay naman po sila Lola Au, medyo busy lang sa negosyo tapos kami ni Pam may trabaho na kaya naging madalang na din po yung pagpunta namin dito."

Nung bata pa ako, i always look forward for summer vacation. Yung ibang bata na kaedad ko n0n gusto nila ang summer dahil puro paglalaro at paglalakwatsa ang pwede nilang atupagin, samantalang ako? Gusto ko ang summer dahil sa wakas, after ten months makikita ko na ulit si Arlan.

Bata pa lang ako, naiset ko na sa utak ko na siya lang ang gusto ko, na magpapakasal ako sa kanya sa tamang panahon. pero sa tingin ko, hindi na mangyayari yun.

"Apo naman, ang nanay at tatay mo pati si Pam dumadalaw pa rin dito kahit paano samantalang ikaw, halos walong taon mo akong tiniis. Hanggang ngayon ba?"

Napakagat labi nalang ako. nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa sofa. ayoko sa tono ng pag uusap namin, walong taon na nga yung nakalipas pero ganun padin yung impact. ayoko pa ding pag usapan. ayokong bigla nalang mag burst out yung emosyon ko kaya iniba ko na yung usapan.

"ang laki na ng pagbabago ng bahay Lola ah. Pang sosyal na talaga." pilit ang ngiti at sayang pinapakita ko sa kanya. Nakita ko ng mangyayari to pero hindi ko inasahang ganito padin yung impact sakin.

That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon