Chapter 10 - babye Hans

6K 173 4
                                    

Chapter 10 - babye Hans

Summer, Ten years ago. Fourth year graduation

Dalawang taon na din nung huli kaming nagpansinan ni Ate Darlyn. Pagkatapos kase nung nangyari sa may dagat nagbago yung pakikitungo niya sakin. Dalawang summer na ding hindi siya umuuwi sa Sta. Catalina, dalawang summer ng umiiwas ako kay Arlan at dalawang summer ko na ding kasa kasama si Hans.

Nangako kase siya sakin na sa Manila siya mag co college kaya ngayon pagkatapos ng bakasyon , kasama na namin siya pagbalik.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo hoy?" sabi ko kay Hans. Andito kami ngayon sa bahay niya. Tinutulungan ko siyang mag empake.

"Oo nga.. Nag promise ako sayo diba?" Hinawakan niya yung kamay ko saka niya pinisil.

*RING RING*

Kinuha niya yung phone sa bulsa niya. Napasimangot naman siya nung nakita niya sa screen kung sino yung tumatawag. Kinancel niya yun saka ibinalik yun sa bulsa niya. Maya maya nag ring ulit yun, hindi niya nalang pinansin yun saka itinuloy na namin yung pag eempake.

"Hindi mo ba sasagutin yan? baka importante yan.." Bumuntong hininga nalang siya saka pinindot yung answer button.

"Hello ma.. Ayoko nga.. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na.. Opo nga-- he-hello daddy! uhmm, yes.. Alright dad.. See you soon.. Bye." bumuntong hininga pa siya bago tuluyang ibinaba yung cellphone niya.

"Mama mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo eh.. Pinipilit niya na akong pumunta ng Canada.." tumingin ako sa kanya.

"Ayos na yung mga papeles mo?"

"Yap.. last year pa.."

"Oh? bat hindi ka pa sumunod sa kanila?"

"Susunod ako dun, edi maiiwan ko dito yung puso ko." sabi niya habang nakatitig sakin. Umiwas naman ako ng tingin dahil biglang nag init yung mga pisngi ko.

Yung dalawang taon na nakalipas naging vocal si Hans sa pagsasabing mahal niya ako. Hanggang ngayon nga, naiging topic padin namin yung kung hindi daw kami magkatuluyan, if ever makapag asawa na ako ng iba, willing pa rin siyang maging kabit ko.

Pero he's always been a good friend to me at hanggang dun lang yun. Alam na alam ko parin naman kung sino talaga yung mahal ko eh.


"Asus.. Edi dalhin mo yung puso mo para hindi mo maiwan.." tinitiklop ko na yung mga pants niya.

"Nasayo nga diba?" tinigil ko muna yung ginagawa ko saka ako naglakad papunta sa kanya.

"Yun lang ba?! edi ibabalik ko na sayo." nagpout naman siya

"Hindi mo talaga ako mahal noh?" tinap ko yung balikat niya.

"Mahal kita noh! friend kaya kita!" sabi ko saka ko kinurot yung pisngi niya.

"Aray naman ha! ang sakit nun!! tagos!"

"Ang o.a naman neto! magsi sixteen palang ako next month tapos love love na yang pinagsasasabi mo." hindi niya ako pinansin saka tumalikod sakin. Niyakap ko naman siya patalikod "Iintayin ko naman yung pagbabalik mo eh. Saka as if naman magtatagal ka dun eh if i know mamimiss mo ako."


Humarap siya sakin ng nakangiti. "Talaga?"

"Oo naman noh! ikaw nga dyan baka may makita ka lang ng sexyng blondie makalimutan mo na ako."

"Asa ka naman.. Kahit ilang sexying blondie pa dumikit sakin dun, iba pa rin ang karisma at sex appeal mo." sabi niya ng nakangisi na ngayon.

hinampas ko siya sa balikat. "Gago! ang bastos mo talaga!"


"Totoo naman eh! ang lakas kaya ng dating sakin nyang mala santol mong----"

"BLAH!BLAH!BLAH! WALA AKONG NARIRINIG!!!" tinakpan ko yung tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya.

"HAHAHAHAH!" tinanggal niya yung kamay ko sa tenga ko saka niya hinawakan ng mahigpit. "Hindi kita ipagpapalit noh. Mahal kaya kita." sabi niya saka hinalikan ako sa noo. Hindi na namin inulit yung kiss na muntikan ng makapagpawala sa katinuan ko. Mahirap na, hindi ko pinangarap maging kagaya ni Erich Gonzaga sa katorse.

"Sus! dami mong sinasabi.. ipagpatuloy na nga natin 'to!" humiwalay na ako sa kanya saka tumalikod.

"Anong ipagpapatuloy natin ha?" niyakap niya ako patalikod saka niya ipinatong yung baba niya sa balikat ko.


"Siraulo ka talaga!! Alam ko yang iniisip mo! ibig kong sabihin. Ituloy na natin yung pag eempake ng gamit mo." bumitaw naman na siya sakin saka umupo sa kama. "kelan ka ba pupunta sa Canada?"


"Next week.. susunduin daw nila ako dito.." ngumuso na naman siya.

 

"Okay lang yan.. para mamiss mo ko.."

"Yun ngang kasama kita, namimiss padin kita eh."

"sus! bolero.."


Pagkatapos ng ilang oras na paglalandian at pag aayos ng gamit niya, nakatapos din kame.. yun nga lang, lahat na ng gamit niya yung niligpit namin.


----------------------------------------------------------------------

"Ingat ka dun ha.. Yung promise mo, wag kang titingin sa mga sexyng blondie, puputulan talaga kita!" Andito kami ngayon sa NAIA. Ihahatid namin ni nanaysi Hans, nakilala ko na din yung parents nya. close na nga kami eh.

"Sabi ko naman sayo diba, walang panama yang mga sexying blondie na yan sa chubbyng brunette dito." nag wink pa siya


"Ang sama mo talaga! Pag ako sumexy who you ka talaga sakin!"

"HAAHAHAHA!" nagulat naman ako nung bigla nalang niyang hawakan yung magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa lips.

0___________________0

 

"i love you tabs.. tandaan mo yan ha. hintayin mo ako, babalikan kita."

"Hans tara na.."

"Alis na kami Tabs.. bye." nakalayo na sila bago ako nakabalik sa katawang lupa ko.

"Anak, tara na." nagulat nalang ako nung nasa tabi ko na si nanay.

"Na-nay!" andyan ka pala.. nakakahiya nakita pa niya yung kiss.

"Wala akong nakita Ann." sabi niya saka ako nginitian. niyakap ko na lang siya

"Thank you nanay."

That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon