chapter 17 - birthday surprises part 2
today is my birthday... mamayang gabi pa yung celebration pero ngayon pa lang ramdam mo na yung mangyayari mamaya.
yung mga friends ko naman, nagkayayaan na maligo sa dagat since tommorrow kelangan na din nilang bumalik sa manila..
si ate Darlyn kasama si tito Dante sa kabisera picking up her gown, si Hans nasa kubo niya ata. hindi na din naman kame nakapag usap kagabi dahil sa nangyari eh. tulala akong umuwi sa bahay.
si Arlan tumutulong din sa pag aayos, para ngang iniiwasan niya ako na hindi ko maintindihan eh.
at ako? hmmm.. kinakabahan? para kaseng may mangyayaring hindi kanais nais mamaya eh. hindi ako mapakali. lakad lang ako ng lakad. niyayaya ako nila Kimi sa dagat pero hindi ako sumama, i don't feel like going.
nakahiga ako sa may duyan nung tinawag ako ni Lola Aura.
"Rhoanne, apo.. pakisamahan naman si Arlan sa kabisera.. may kailangan kase siyang kunin eh, walang magbubuhat.
strange. dapat ngayon masayang masaya ako kase makakasama ko siya pero hindi parin nawawala yung kabang nararamdaman ko eh. birthday jitters? nah..sa kasal lang yun eh.
"si-sige po lola. magpapalit lang ako." naka racerback sando lang kase ako saka summer shoets na maikli nung oras na yun eh.
"wag na apo.. saglit lang naman kayo eh." tinignan ko si Arlan na nasa tabi lang ni Lola Aura, he was looking at me in disbelief. ayaw niya kaseng naka short lang ako kapag wala ako sa mansyon eh. bakit, kasalanan ko kung wag na daw akong magpalit ha?! kasalanan ko? kasalanan ko?!
ahahahaha.. drama lang, atsaka kasama ko naman siya diba? okay na siguro yung suot ko.
nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako. nagulat pa ako nung nagpunta kami sa may garahe. may big bike na luma kase dun na alam ko si tito Dante ang may ari.
"diyan tayo sasakay?" i gulped twice nung nakita kong tinatanggal niya yung lona na nakatakip dun. so that answer my question.
inabot niya pa sakin yung isang helmet saka niya isinuot yung isa.
okay.. what the fuck am i gonna do with this? nakatitig lang ako sa helmet at hindi ko alam kung anung gagawin ko dun kaya nilapitan niya ako at ipinatong niya sa ulo ko yung helmet. hinila niya pa yung belt para mag adjust sak niya yun nilock.
sumakay na siya saka pinaandar yung motor niya. sumakay naman ako at iniyakap yung mga braso ko sa bewang niya.
"humawak kang mabuti ha." tumango lang ako habang nakahilig yung ulo ko sa may balikat niya.
pagkalabas namin sa kalsada saka niya pinaharurot ng mabilis yung big bike.
PUSANG GALA!!!! mamamatay ako sa nerbyos dito sa ginagawa naming to eh. pakiramdam ko naiiwan yung puso ko sa pinanggalingan namin. napakapit ako ng mahigpit sa kanya kaya naman binagalan niya ng konti yung andar namin. nakapikit lang ako hanggang sa dumating na ata kami sa pupuntahan namin.
"andito na tayo." kahit sinabi niya na yun, hindi pa din ako umalis sa pagkakayakap ko sa kanya. umiling lang ako saka mas hinigpitan yung pagkakayakap sa kanya. pilit niyag tinanggal yung mga kamay niya saka siya humarap sa akin. siya na din yung nagtanggal nung helmet ko dahil nanginginig ako. pakiramdam ko naubos yung lakas ko sa kanya.
"hey.." he wiped my tears away. nun ko lang din narealize na umiiyak na pala ako. "Rhoanne tumingin ka sakin." tumingin naman ako sa kanya pero walang tigil parin yung pagpatak ng mga luha ko.
"i'm sorry Ann..madami lang akong iniisip kaya---"
"at hindi ako kasama sa mga iniisip mo kaya okay lang kahit sobrang takot na ako ganun?!" sorry o.a ako magreact. pero hindi niya kasi alam yung feeling ko eh. "tapos.. tapos.. dsumating lang si ate Darlyn parang hangin na naman lang ako sa paningin mo." lalo lang sumagana yung mga luha ko nung naalala ko yung mga nangyari kagabe.
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
General Fictionunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?