chapter 7 - Hans Christian Pag ibig & Darlyn Canaria part 2/edited

7.1K 161 0
                                    

Chapter 7 - Hans Christian Pag ibig & Darlyn Canaria part 2

Kinaumagahan, wala ako sa mood.. sino ba namang gaganahan? yung swimming na dapat inenjoy mo, kinainisan mo pa ng todo. hayyy

Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang inis! nakailang close open na yung mga mata ko ni hindi man lang ako dinalaw ng antok eh. Kada ipipikit ko ba naman kase yung mga mata ko, yung paglalandian nila Arlan at Ate Darlyn yung nakikita ko. Yun namang lalaking yon mukhang nag eenjoy pa walanghiya!

Idagdag pa yung si Hans na walang ibang ginawa kundi asarin ako. Mabuti nalang kasama namin si Pam, siya nalang yung inatupag ko. Gumawa kami ng madaming sand castle. Hindi ko nalang sila pinansin. Hindi kame bate.

Pag uwi namin ine expect kong mag sosorry at magpapaliwanag man lang si Arlan pero wala! NGANGA ako! sawi.durog.basag.

"Nanay Minda nasaan po sila?" tanong ko kay Nanay. siya lang kase yung nakita ko sa paligid eh.

"Kuhh.. nasa taniman na sila.. maaga umalis, anong gusto mong kainin, ipaghahanda kita?"

"yung masarap mong tapsilog na may sawsawang suka at bawang nanay!!! yummy!" sabi ko kay Nanay Minda sabay yakap. Oh bakit?! close nga kame diba? magiging nanay ko naman din siya in the near future.

"Napaka lambing mo talagang bata ka.. O siya, halika sa kusina para maipag luto kita." sumunod ako sa kanya hanggang sa kusina. nagkwentuhan din kame habang nagluluto siya.

"Nay, si Ate Darlyn po pala?"

"Maaga umalis nak, mamamasyal daw siya." ah okay, hindi man lang ako niyaya? sabagay, kung niyaya ba niya ako sasama ba ako eh tinotopak nga ako sa kanya.

"sino pong kasama nay?" bigla nalang lumabas sa bibig ko yan, instinct baga..

"Mag isa lang siya kanina nak, sinabay nung Daddy niya pag alis." tignan mo tong si Nanay Minda, sabi mag isa lang daw, tapos sinabay nung Daddy niya pag alis. kuh! kung hindi ko lang mahal ang anak niya (pati na din siya) nabara ko na siya. hihihi

Pero okay na din.. atleast, hindi niya pala kasama si Arlan mahal. Kaso lang hindi ko parin nakikita eh. Baka nasa palayan na din yun.

Pagka pananghalian naboring na naman ako sa bahay kaya, dala yung sketch pad ko saka pang meryenda, sa may tulay na naman ang destinasyon ko. ang ganda ganda talaga nang lugar na to, kahit pa masyado ng na vandalize yung mga pader sa ilalim ng tulay, yung ilog sa dulo tapos yung mini falls sa kabilang dulo yung nakakapag parelax sakin kapag andito ako.

Nilapag ko yung mga gamit ko sa tuwalyang dala ko. Magpi picnic akong mag isa. Alone ang peg ko hihihi, nag drawing ulit ako tapos nagtampisaw ako dun sa may sapa pero hindi na dun sa madulas na part. ang lamig ng tubig! sarap maligo.

Lumingon lingon ako sa paligid. hmmm wala namang taong napapadaan dito sa may ilalim ng tulay kaya wala naman sigurong makakakita sakin..

Hinubad ko yung t-shirt at saka shorts ko. buti nalang terno yung color pink na panty at bra na suot ko. bumaba ako sa may falls saka nahiga sa may batuhan. ahehehe nag su sun bathing ako ng walang sun. Medyo matagal tagal na din akong nandun nung biglang may pumito, yung pang sexy na pito.

That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon