chapter 11- si Ann-ann at Lan-lan parin
Summer, nine years ago
"Boyfriend mo na ba yung Arlan na yun?" tanong sakin ni Ate Camille isang araw.
"Huh?! Hindi ah.. Kahit naman pinapayagan ako nila nanay na maaga kumerengkeng, bawal pa akong mag boyfriend hanggat hindi pa ako eighteen."
Si Ate Camille yung pinsan ko sa father side, matanda na yan. Hahahaha twenty five na siya ngayon at may dalawa ng anak.
"Hindi mo pa boyfriend, eh ano pala kayo?"
"MOMOL lang ate Cams--ARAY!!" binatukan ba naman nya ako.
"Momol ka diyan! isumbong kaya kita kay Tita Erin! Ikaw na babae ka! Mamaya mabuntis ka ng maaga niyan." si Ate Cams talaga daig pa niyan si nanay kung manermon. Ayaw niya daw kaseng magaya ako sa kanya. Yung dalawang anak niya kase magkaiba yung tatay. Yung na ano lang ba?
"Momol nga lang mabubuntis agad?! ang advance ng utak mo ha."
Hindi kami nakauwi ng sta. Catalina ngayong bakasyon dahil may inaasikasong bussiness sila nanay at tatay sa Manila. Malungkot ako dahil hindi ko man lang mabibisita si Lola Aura at the same time, okay lang din naman kase wala dun si Hans. and speaking of the devil, Nag aaral na ulit siya. B.S Philosophy pa ang kinuha niya. Sosyal ang loko! lagi naman kaming nag uusap sa skype kaya parang hindi naman talaga kami nagkalayo eh.
So ayun nga, since hindi kami nakauwi sa Sta. Catalina, Si Lola Aura yung lumuwas dito. Nagulat nalang ako na kasama niya sa pagluwas si Arlan at ayun naging okay na kami agad.
"Basta baby Ann, wag munang isusuko ang bataan okay?" sabi pa ni Ate Cams. Istorbo sa pagpa flashback ko.
"Oo naman noh! Saka bata pa ako para diyan." sabi ko nalang saka kumuha ng apple sa lamesa.
---------------------------------------------------------------------------
"Lan, saan mo gustong pumunta?" kumakain kame sa greenwich. May date kami ngayon, yun nga lang may asungot kaming kasama. hehehe kasama namin si Pam saka yung panganay na anak ni Ate Cams na si Janelle.
"Ate, nood tayong movie." sabad ni Pam.
"Kelan pa naging Pam ang Lan-lan?" tinawanan naman kami ni Arlan.
"nag susuggest lang eh. tse!"
"manood nalang nga tayo ng movie para malibang yang dalawang bata." nakangiting sabi ni Arlan.
tinignan naman siya ni Pam. "Hindi na ako bata noh! nung ganito yung age ni Ate Rhoanne dati, wala na siyang ibang ginawa kundi kausapin yung picture mo na nakadikit sa kwarto niya.
0_________0
tumawa naman ng malakas si Arlan.
"ANG DALDAL MO NAMAN PAM! KUMAIN KA NA NGA LANG!!!" nakakainis! binuking pa ako sa harap ni Arlan!! urgh!!
Napasin ko nalang na nakatingin si Arlan sakin habang nakangiti.
"nginingiti ngiti mo dyan! kumain ka na nga lang!"
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
General Fictionunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?