special chapter 1
After five years:
"tabs bilisan mo naman!"
"abah! teka sandali lang pwede?! ang hirap kaya kumilos na may malaking bola sa tiyan? akala mo madali?" naiinis na ako. hirap na hirap na nga akong isuot tong maternity dress na to, pinagmamadali ka pa.
"ang taba taba kase. kala mo kabuwanan na sa sobrang laki ng tiyan eh pitong buwan pa lang naman. lakas kase lumamon." bulong niya na narinig ko naman.
"ANONG SINABI MO?! AKO MATABA? GUSTO MONG HINDI KO ILABAS TONG ANAK MO?!"
"JO-joke lang tabs.. ikaw naman."
"KUNG MATABA NA AKO HINDI MO NA AKO MAHAL GANUN?!" naiis stress ako. kelangan kong makita si Iñigo.
"tabs naman.. joke nga lang eh.. kahit maging forty five pa ang waist line mo, kahit namamanas pa yung mga binti mo at kahit puro stretch marks pa yung tiyan mo. love parin kita.. halika nga pahug." my ever loving Hans..
dalawang taon pa lang kaming kasal mula nung nagkita kami sa La villa asking me if he can be my right one way back then, hindi pa kase siya tapos ng practice niya kaya kami yung pinaka huling couple na ikinasal.
sa unang tingin Hindi mo iisiping lawyer tong kumag na to eh. pwede pa siyang maging comedian, o kaya goon. wala sa itsura niya ung pagiging lawyer.
huli man daw pero its all worth the wait. gusto niyo bang malaman kung paano siya nag propose? urgh! wag nyo ng alamin maiirita lang din kayo.
(wag daw alamin sinasabi din naman. haha)
nagbakasyon kami sa Canada, actually graduation niya yun pero nagpa extend siya na magsama pa kami.
ako naman na eenjoy ang snow kaya gora lang! :)
pinasyal niya ako sa mount royal park sa montreal.
habang abalang abala ako sa pagkuha ng mga pictures dahil hindi naman ako marunong mag Ice skating, pagtingin ko sa likuran ko wala na siya.
edi nag panick ako. baka mawala siya dito kaya hinanap ko siya.
paikot ikot lang ako sa lugar hanggang sa mapagod ako at maluha luhang napaupo dun sa may bench. pag hindi ko siya makita.. lagot ako sa parents niya. sabagay paano ako malalagot kung hindi ko din naman alam ung daan pauwi?
maya maya may lumapit sakin na cute na batang blondie na may hawak na sampaguita.
seriously?! sampaguita sa canada? ano to lokohan?!
binigay niya sakin yung sampaguita saka niya ako hinila patayo. papunta sa...
ewan ko. basta naglakad lang kami habang hila hila niya ako.
nakarating kami dun sa kumpulan ng mga taong nakasout ng makakapal na jacket. (malamang malamig eh.) sa gitna nung crowd may nag umpisang kumanta.
ohmygod! alam mo yun si Michael Bubble kumakanta ng BABY NOW THAT I FOUND YOU?'!
define kinikilig :))
sa likuran niya biglang sumulpot yung pinaka panget na nilalang na nakilala ko. nag pout ako at kunwari nakataas yung kilay ko habang naka cross yung arms sa may tapat ng dibdib ko.
nag li lipsync siya habang kumakanta si Michael Bubble habang kinikilig ako. :))
lumapit siya sakin sabay bigay nung isang bugkos na sampaguita. so sa kanya pala galing yun?
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
Fiksi Umumunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?