W.I.L. - number 9. Hindi ko nga alam!

1.4K 44 7
                                    

HI there, ikli po ng update ko hahaha... 

Makalipas rin ng ilang oras na paglalakad sa wakas natunton na rin namin ang toritoryo ng mga witchers kaso mukhang Malabo kaming makapasok ni Erry dahil may malaking gate ang sumalubong sa amin na tila ba’y nagpapahiwatig na hindi kami maaaring pumasok.

“Tao po ! !!!!!”sigaw ko habang tinutulungan pa rin si Erry sa pagtayo.

“Sa tingin mo may makakarinig sa pacute mong boses?” hindi na talaga siguro magbabago ang pagiging topakin niya. Minsan mabait medyo at madalas MASUNGIT o kaya naman ubod ng kayabangan.

“Malay mo may makarinig.” Mahinahon kong sambit.

“Ssh, sana nga lang.”

“Pero sure ka ba talaga na ito na yung tirahan ng mga witchers?”

“Tignan mo kaya ang paligid hindi yung tanong ka ng tanong.” Sinunod ko ang utos niya, sa bagay panghunted house yung lugar. Maraming kakaibang bagay ang nakakatakot na nakadisenyo sa pader tulad na lamang ng bungo, patay na mga hayop at iba pa.

“aamp, parang alam ko na ibig mong sabihin.” Nang biglang bumukas yung malaking gate.

“Huh? Bumubukas na yung gate!” nakangiting sabi ko kaso panira lagi si Erry sabihan ba naman ako ng “Ou, alam ko!” sungit niya talaga.

“Ano ang kailangan niyo?” may duwendeng matanda ang sumulpot at tinanong kami.

“May sadya kami sa mga witchers” ani Erry.

“Pero hindi maaaring pumasok ang dalawang tao, isa lamang ang pwedeng pumasok.”

“Huh? Bakit isa lang? Nagpakahirap rin ako pumunta dito tapos hindi pala ako makakapasok!?”

“Manahimik ka na nga diyan, ang drama mo!” huh? Pero ang totoo niyan siya lang din naman ang iniisip ko baka kasi mapano siya sa loob malala pa rin pa naman ang mga sugat niya. Kinuha ni Erry ang dalawang sako na nakalagay kay Agilax.

Papasok na sana si Erry nang magsalita ako.

“Sure ka kaya mong mag-isa?” nag-aalalang tanong ko kay Erry pero tiningnan niya lang ako ng masama bago tuluyan pumasok sa loob. Sumara na muli yung gate.

“Huh? Bahala siya!” inis na sabi ko nang bigla may narinig akong sitsit.

“huh? Sino yun?” tumingin ako sa paligid pero wala naman ibang tao.

“Agilax ? Narinig mo rin yun, diba ?” tinanong ko si Agilax nang sa ganun mabawasan ang kaba ko nang biglang may nakita akong batang nakaputi na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin kaya tumaas ang mga balahibo ko.

“Multo?!!!!!!”

“Nakikita mo ko?” lumulutang siyang lumapit sa akin.

“WAHHHHHh….. wag ka lalapit.”

“Pero imposibleng Makita mo ko?”

“ANong imposible? Eh kitang kita nga kita ngayon eh…”

“Bakit ganun? Pero hindi ka mukhang ghost hunter para katakutan.”

“Ha? E-ewan ko sayo. Ba’t mo ba ako kinakausap?”

“Ang totoo niyan tatakutin sana kita kaso sa kasamaang palad nakikita mo pala ako, guguluhin ko pa sana yang kulot mong buhok ..” may sira ba siya? Ako pa naisipan niyang pagtripan .

War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon