Laneaven..
"Ma.. binabalik ko na po ang singsing niyo. Masaya po ako dahil pinagkatiwala niyo po sa akin yan. Kahit medyo nagsisisi ako pumunta sa mundo ng mga normal dahil nasaktan na naman ako .. Siguro ganun lang talaga ang buhay. Minsan masaya minsan naman sobrang hirap."
"Okay lang yan anak. Gaya nga ng sabi nila when one door was closed it is because windows are supposed to open." kinuha na ni Atenah ang singsing.
"Magbihis kana.. magsisimula na ang labanan ng mga suitors mo."
"labanan po?"
"Oo. Nakalimutan ko sabihin sayo since hindi mo sinisipot mga suitors mo kami nalang namili ng mga kalahok."
"Naalala ko na. Mom bakit po kailangan idaan sa labanan? Hindi ba pwedeng ako nalang mamili sa kanila?"
"Anak ang daming pumila sayo. Pero hindi sila qualified. Pinili lang namin lahat ng lalaki na nagsisimula ang pangalan na meron sa name mo"
"Po?"
"Oo. Since wala ka. "
"SOPHIE. S, O, P, H, I, E, ? Lahat ng kalahok nagsstart ang pangalan sa letra ng pangalan ko."
"Yes. Kaya tara na."
BATTLEFIELD
Marami ang dumalo upang makinood ng laban.
Sa laban na ito hindi susukatin kung gaano kalakas ang kapangyarihan mo. Susukatin nito kung gaano ka madiskarte at matatag kahit hindi mo ginagamit ang taglay mong kapangyarihan.
May anim na rounds. dapat sa lahat ng rounds makapuntos ka. kapag may mga tabla may extra rounds ang magaganap.
Sa buong round lahat ng kalahok ay laging nakataklob ang mukha upang hindi maging batayan ang physical na anyo sa pagpili ng mga audience kung sino ang susuportahan nila.
Sa unang round: susubukan ang kanilang pagkaka-isa.
Nakabilog ang anim na kalahok. Dapat nilang protektahan ang babae sa loob. At ang baabeng yon ay walang iba kundi si Sophie.
Kala ko ba nasa taas lang ako at manonood lang. Kinakabahan tuloy ako dito. Nakagapos ang kamay ko. Hindi ako maaaring tumulong sa kanila.. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari. Hindi ko alam sino o ano kalaban nila. Pero nakakahilo.. dahan dahan kasing naikot tong upuan ko. Ang lalaki ng mga katawan ng mga kalahok pero hindi ko makita mukha nila dahil naka-helmet sila and armor.
May mga sandata sila na bitbit. Nagka-usok ang buong paligid.
"Hindi ka namin pababayaan. Wag ka mag-alala"- Olan nakalagay sa panyo na nakatali sa kamay niya.
"Humanda na kayo..." naghintay kami ng ilang segundo para mag-abang ng kalaban. Pero mali kami ng akala. Walang lumabas na kalaban. Pero ang hangin unti unting lumalakas. -I
"Walang lumalabas na kalaban."- S
"Lumalakas ang hangin. Matatangay tayo nito!"-P
"Bitawan natin ang mga armas natin! Kailangan natin maghawak kamay."-E
"Pero matatangay ang mga armas natin."-H
"Kailangan natin magsakripisyo. Kailangan natin magtulungan."-O
BINABASA MO ANG
War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)
Novela JuvenilTo be nothing is what I had thought of myself. But it changed into something I had never imagined or let me say it turned into something really GREAT ! ! ! But never expect that life will always be that great you wanted... Life is full of twists a...