Kahit ayaw ko sa utos ni Prof. Sebastian na samahan si Erry papunta sa Mt. ill wala na akong nagawa. Ginawa kong dahilan na hindi ako makakapagtraining kapag sumama ako pero ang sabi sa akin ni Prof. marami daw akong matututunan kapag sumama ako kay Erry. Minsan inisip ko na pang~uto niya lang yun para sumama ako. Kumuha lang ng kaunting damit si Erry sa loob ng palasyo kaya ngayon hinihintay ko siya. Umalis na si Prof. Sebastian may mahalagang bagay daw siyang dapat puntahan kaya kailangan niya kaming iwan.
"Kailangan kong maging mabait lalo na't kasama ko si Erry na nagpapahighblood sa akin." nakaupo ako sa may tulay ngayon habang hinahantay si Erry. "Buti nalang may pera akong nadala kanina pambili ng damit ko kundi ~~" napahinto ako sa pagsasalita nang dumating na si Erry.
"HOY tara na !!" maka~hoy lang, grabehan lang! Tumayo na ako at lumapit papalapit kay Erry.
"HUh?! Wag mong sabihin dadalhin mo ang mga iyan?!" may dalawang kalahating sako kasi ang naroroon.
"Ang sabi ni Prof. kailangan natin yan baka sakaling humingi ng kapalit ang mga loko lokong witchers na iyon!"
"Eh sino pagbubuhatin mo ng mga iyan?!" tanong ko sa kanya. "Syempre tutulungan mo ko!"
"AN~~!!" magtatanong pa sana ako ng pagalit nang maalala kong bawal akong magalit.
"Anong tinatayo tayo mo diyan, magbuhat kana.!"
"Maglalakad lang ba tayo?!" tanong ko. "Hindi." nang biglang siya naglabas ng bell. "Para saan iyan?!" hindi niya ako sinagot at pinatunog nalang yung bell ng tatlong beses..
Nagulat ako sa malakas na ungol ng isang malaking... Agilax! Lumapag na yung malaking agilax sa harap namin. [Agilax=Agila]
Sumakay na si Erry."sakay na!" sabi niya sa akin.
Parang may trauma na ako sumakay sa mga hayop na nalipad ng dahil kay Prof. Sebastian nung pinasakay niya ako sa Jorses.
"ayoko sumakay diyan!" sigaw ko. "Anong gusto mo maglakad?!" ano ba yan, wala akong choice.
"Hoy panget, ano na!"
"wag mo nga akong matawag tawag na pangit!" tumakbo ako papalapit, pasakay na sana ako nang pigilan niya ako.
"sasakay kana agad eh hindi mo pa nga inaangat yung mga sakong yun?!" napatingin ako sa may sahig na kung saan yung mga sako. "ako!? akala ko ba tulungan?!"
"Ako nagbuhat ng mga iyan papunta dito kaya ikaw magbuhat niyan pa-angat dito!" rrr... kaasar!! "sabi ko nga!" binuhat ko yung mga mabigat na sako pasakay dun sa Agilax. Putik na erry na yan! Ni hindi man lang ako tinulungan!! Ayoko nalang magsalita baka dumami pa yung nunal ko. "oh tapos kana pala, umakyat kana.! Wag ka nga tumingin sa akin ng ganyan! Lalo kang pumapanget!""ewa~" magsasalita pa sana kaso hindi ko na tinuloy.
~~~~----------------------
Kaasar, buti pa yung isa dun natutulog sa may likuran habang ako nagbabantay kung may bayan kaming madadaanan.
"pero buti nalang nawala yung takot na naramdaman ko kanina sa pagsakay sa mga hayop na lumilipad kagaya nito." nakita ko ang paglubog ng araw sa may silangan.
"Maggagabi na nga pala." napapikit ako habang nilalanghap ang simoy ng hangin. Dama ko ang kaginhawaan na nagpapangiti sa akin. Ilang segundo rin ako na nakaganun. Sa pagmulat ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)
TeenfikceTo be nothing is what I had thought of myself. But it changed into something I had never imagined or let me say it turned into something really GREAT ! ! ! But never expect that life will always be that great you wanted... Life is full of twists a...