" Grabe ganito pala dito! Nakakamangha! Kahit na may similarities din sa greenland pero dito kasi maraming bago na ngayon ko lamang nakita sa tanan ng buhay ko."
"Heaven po ba ang kinokompare niyo dito?"
"Ha? Hindi. Yung dati kong mundo. Syempre mas malupet pa rin sa Heaven a.k.a. Laneaven samin. Pagpasensiyahan muna ako, baliw lang talaga ako kapag may mga bagay akong nakikita sa unang pagkakataon."
Naglalakad nalang kami ngayon ni Nono. Pinagsisitinginan kami nung mga tao este ako lang pala, hindi nga pala nila nakikita yung duwendeng nasa ulo ko. Minsan nasa balikat ko siya ewan ko ba sa kanya maya't maya siya palipat lipat ng pwesto. Napapansin marahil ng mga taong to na kakaiba yung suot ko.
"Uy, saan na tayo nito magsisimulang maghanap?""Sa totoo lang, kailangan natin libutin ang buong lugar para mas lumaki ang chance natin na mahanap ang mga hinahanap natin."
" Pero kung kumpara sayo mas madali mong mahahanap yung kapatid na kaibigan mo dahil sa pendant mo. "
"Wag po kayo mawalan ng pag-asa! Mahahanap niyo din si Erry." nakwento ko na rin sa kanya si Erry kanina nung nasa himpapawid kami.
"May hindi pa pala ako nasasabi sa inyo."
"Ha? ANo yun?"
"Pa-umaga na kasi at tulog kaming mga umaga pag-umaga."
"We? di nga?"
"Totoo nga pero sa lahat naming duwende ako lang yung ganun!"
" E di iiwanan nalang kita kung hindi kita mapapakinabangan."
"Ay ang bad. Nangako ka sa mga kasamahan ko at pati na rin sa akin na tutulungan mo kami!"
"Pero nilihim mo sa akin yung tungkol sa pagiging tulog mo pag-umaga."
"Napilitan na kasi kami eh"
"Na magsinungaling?"
"Hindi kami nagsinungaling. Nilihim lang namin to at kaya nga sinabi ko sayo ngayon ang tungkol doon para hindi kana magtaka mamaya"
"Basta paggising mo, wala na ako sa tabi mo."
"Ang bad mo talaga... "
"Medyo lang..."
"Ganito nalang, aalagaan mo ko kapag tulog ako sa umaga .. "
"whhaaattt?"
"Hephep... wag muna magreklamo!"
"Then continue talking. "
"Kung sa umaga inaalagaan mo ko. Sa gabi naman gagawin ko ang trabaho ko na hanapin ang kasintahan mo kahit mag-isa lang."
"At paano mo gagawin yun? Invisible ka."
"Wag kang ganyan, mas mabilis maghanap kung hindi ka nakikita ng mga tao sa paligid mo, ni hindi mo kailangan magpaalam kung bawal man pumasok sa isang lugar at ang higit sa lahat matatakot sila sa akin. hahahaha"
"Haha.. nakakatawa, grabe. Pero may point ka pero siguraduhin mo lang na gagawin mo talaga trabaho mo. "
"Oo naman..." sabay ngiti niya sa akin!Lumipas ang ilang oras kakalakad, yung duwendeng kasama ko tulog na. Kaya naman sobrang nangangalay na ang balikat ko kakabuhat sa kanya. Ang taba pa naman niya!
"Pagod na ako. " lagaslas na ang pawis ko sa noo ko.
Napaupo ako sa may isang tabi. Hinayaan ko na lamang pagsitinginan ako nung mga tao na dumadaan sa harap ko.
Maya maya pa'y bigla nalang ako napatingin sa langit. Ang ganda! Nakakamiss tuloy ang Laneaven. Yung mga pagkain dun, si butt at si ina. I miss them!Lord Help me to find Erry here in this world.
Sabay buntong hininga ko.
Nilibot ko ang mga mata ko banda sa kanan..Alam na kaya ni mama ang ginawa ko? Papagalitan niya kaya ako. Sana maintindihan niya kugn bakit ginawa ko to!.Nang bigla kong mapansin ang mga nagsisilakihang mga building. Ibababa ko na sana ang tingin ko nang bigla may napansin akong pamilyar kaya binalik ko ang tingin ko doon sa malaking litrato na nakasabit sa may gusali ... Nang mapagtanto ko kung sino yung nasa litrato .. Napatayo ako agad. Nalaglag yung duwende sa may balikat ko dahil nagsisitalon ako!!!
"Thank you, Lord!!!!! Thank you Lord!!!!"
Nang bigla kong mapansin si Nono na nakahiga sa sahig habang natutulog kaya naman napahinto ako at nang dadamputin ko na sana siya.. Napansin ko yung mga tao sa paligid ko ang sasama ng tingin sa akin. Ang akala siguro nila sa akin hindi ko naririnig mga pinag-uusapan nila... Nakakahiya daw ako, baliw daw ako, sira-ulo daw at walang pinag-aralan.. Pero may bagay ako na sinabi sila na kinatuwa ko .. sayang daw beauty ko!!! hahaha wala lang .. inamin kasi nila na maganda ako and I feel glad about it!!! Dinamput ko na agad si Nono na matabang duwende at para maasar sila sa akin lalo.. Nagpanggap ako na sumasayaw.. Inaangat ko minsan at binababa si Nono. Hahah Nakakahiya nga tong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
War In Love (Lee Min Ho and Suzy Bae)
Teen FictionTo be nothing is what I had thought of myself. But it changed into something I had never imagined or let me say it turned into something really GREAT ! ! ! But never expect that life will always be that great you wanted... Life is full of twists a...