Sekreto

86 0 0
                                    

Unang story ko to sa wattpad. Sana magustuhan nyo. Comment and vote lng kayo pag nagustuhan niyo. Pasensya na pag na bitin kayo.. on progress pa kasi ito eh.

BASED ON A TRUE STORY

Naranasan nyo na bang umibig sa isang tao na patago?? O kayay nag kagusto ka sa isang tao pero hindi mo masabi sabi dahil takot ka na ba ka iwasan ka nya o kaya naman dahil sa isang rason na ipinipilit mong itago ang tunay mong nararamdaman mo para sa kanya?? Ako, oo.

Ako si John Christopher Jamlang. Isang grade 7 student ng University of San Carlos. Ako ang tipong lalaki na mabait, maalaga at mapagmahal. At wag niyong kalimutan.. adik din ako sa DOTA hahaha. Pero nagbago ang lahat nung umibig ako sa isang babae na akala ko hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya.

Nagsimula ito nung una kaming nag kita sa paaralan. Araw nun ng unang periodical test namin, hindi ko nga inaakala na magiging mag ka test mate kami eh. Kasi sa paaralan namin kapag may mga periodical test lahat ng mga highschool students ay ilalagay sa iba't-ibang mga classroom kasama ng mga iba't-ibang grade levels. Kailangan sa isang classroom dapat may grade 7,8,9 at 10. Kaya non nag kita kami... THE END

Hahahaha biro lng.. hindi pa nga tapos eh. Ganito kasi yung nangyari. Nag checking of attendance na si miss tinawag nya yung mga pangalan ng mga estudyante sa classroom, nang umabot siya sa pangalang Mari Danielle Caballero nag taka siya kung bakit walang nag taas ng kamay "Ahh parang nakita ko yata si Mari Danielle sa labas ah." agad-agad siyang lumabas para papasukin ito sa classroom. Nang pumasok na si Mari, bigla akong kinabahan, tapos pinagpapawisan na ako. Yung feeling na hindi mo maeexplain kahit gustong gusto mo na. Na parang ayaw mo na yatang tanggalin ang mga mata mo sa kanya dahil ang ganda ganda niya.  Pag pasok nya, dumeretso siya sa black board para tingnan kung saan siya uupo, nasa harapan pa naman ako. Paglapit nya sa black board pinawisan ako nang husto pero hindi ko pinahalata sa iba na gusto ko siya. Mahirap na baka mag ka issue pa hehehe. Pagkatapos nyang malaman kung saan siya uupo hindi ko muna siya tiningnan baka malaman nya na gusto ko siya at baka sabihin niya na stalker ako. Hahahaha Grabe ko noh! Pagkatapos nang checking of attendance nagsimula na kaming sumagot sa test. Makalipas ang 45 minutes natapos na ako. Namalayan ko na hindi pa tapos ang iba kaya ginamit ko yung pagkakataon na tingnan siya muli. Napakaganda niya talaga pero sa totoo nung una ko syang nakilala para syang masungit dahil sa mukha nya pero pag nakilala mo talaga siya malalaman mo na mali pala ang una mong impression sa kanya dahil mabait naman siya may pagka masungit lang talaga hahahaha. Tinigilan ko muna ang pagtitig sa kanya dahil baka matunaw ang mga mata ko sa kakatitig hahahaha.

SekretoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon