Jeush P.O.V
Ng Marinig ko yung sinabi ni Ezekiella ay lumabas nalang ako ng dorm niya at padabog na sinara ang pintuan niya
Hindi ko alam pero nang marinig ko na sinabi niyang kasama niya si Steven No ay parang nainis ako
Tsk. Ano na bang nangyayari sa akin? Hindi ko alam kung bakit
Ko ito nararamdaman..Naglakad lakad muna ako dito sa Academy hanggang sa mag sawa ako , malalim narin ang gabi kaya umuwi narin ako sa dorm..
Pagkarating ko ay dumeretso na ako sa kuwarto at humiga sa kamaPagpikit nang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Ezekiella na nakangiti..
Napamulat ako nang mata
Bakit ko ba siya naiisip?
Damn, hindi ko alam kung bakitEzekiella ano ba ginawa mo sa akin?
Ezekiella P.O.V
Nakahilata ako ngayon dito sa may kama ko nag iisip nang kung ano anong bagay
Hanggang sa sumagi sa aking isipan ang mga gods and goddesses at ang Haven Palace
How i miss them, makadalaw nga
Umupo na ako sa kama at nag concentrate at ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong nag iba na ang paligid at ang mga matang nakatingin sa akin kaya minulat ko na ang aking mata
Tumambad sakin ang nakangiting muka nilang lahat maliban kay Taurus at Leo
Yung totoo? Kambal ba yang dalawang yan?"Maligayang pagbabalik , Ezekiella" nakangiting wika ni Pisces
Ngumiti nalang ako kay Pisces
At nagsimula na kaming maglakad papasok sa loobNang makapasok kami ay dumeretso kami sa isang silid namay parang malaking kawa na may lamang tubig na umuusok..
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko
"Kailangan kanaming balaan Ezekiella"
"Tungkol saan?"-ako
"Sa iyong kapalaran"-sila
nakaramdam ako ng kaunting kaba ng sabihin nila iyon
Alam kong hindi madali ang buhay ko dahil marami pang dadating na pagsubok pero
Ang hindi ko lang alam kong kakayanin ko ito.."Wag kang kabahan Ezekiella"-Aires
"Alam naming makakaya mo ang bawat pagsubok na dadating sa buhay mo dahil matatag ka Ezekiella at may mabuting puso"nakangiting turan ni Virgo
"Lagi mong tandaan Ezekiella na hindi sa lahat ng bagay ay paiiralin mo ito *turo sa Isip* dapat ginagamit mo rin ito *turo sa puso* gamitin mo yang pareho at malalagpasan mo ang bawat pagsubok sa puso mo" -Gemini
Tumango nalang ako sakanya at ngumiti, tama sila dapat malagpasan ko ang mga challenges na dadating sa buhay ko dahil sa akin nakasalalay ang kinabukasan nila at hindi sa lahat ng oras ay pairalin ang awa dahil baka ito rin ang dahilan ng pagkatalo mo dapat balance lang
Ginagamit ang puso at utakPumunta sila sa may kawa na may tubig na umuusok at itinapat nilang lahat ang kanilng kamay duon , umilaw ang mga palad nila at sabay sabay nilang binigkas ang salitang nakapagpatigil sa mundo ko..
"Ikaw Ezekiella ay Lalayuan ng iyong kaibigan , maliban sa isang tunay na naniniwala sa iyo..
Ang iyong pinaka mamahal na lalaki at ang iyong mga kaibigan ay malilinlang nang isang nilalang na hayok sa kapangyarihan
Aangkinin ang iyong pagkatao, at pagdudusahin ka sa labis na kalungkutan" sabay sabay nilang sabi
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko , nasa state of shock parin ako
"Ezekiella, maaari ngang magkatotoo ang mga sinabi namin ngunit lagi mong tandaan walang sekretong hindi nabubunyag, hindi magtatagal ay malalaman nila ang katotohan kong maging mapagmasid lang sila sa paligid nila ng hindi na sila malinlang pa" mahabang lintanya ni Scorpio
"Sa gitna ng iyong kalungkutan ay darating ang iyong kasiyahan, ang mahalaga sa ngayon ay wag kang magpatalo sa iyong emosyon sapagkat ito ang pinaka mahirap na kalaban ng isang nilalang"-Aquarius
Tumango nalang ako
"At sa tamang panahon malalaman din nila ang tunay mong pagkatao" sabi ni Leo
*sigh*
Tumango nalang ako sa kanila
At napagpasyahan kong bumalik na sa dorm nang makapagpahinga naman dahil bukas ay team battle na..Tsk. Ano kayang mangyayari bukas?
Sana maayos ang kalabasan nang team battle nayan
Humiga na ako sa kama
Ko at pinikit ang mga mataSa tamang panahon
Malalaman niyo na ang lahat⏳⌛⏳⌛⏳⌛⏳⌛⏳⌛⏳⌛⏳
~short update muna ✌✌
Busy si Author tambak ng assignments at projects 😭😭~Love,
Ms.Author😘😘
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...