Yuan POV"Are you sure okay kana?"
"Oo nga, okay na okay na ako"
"Sige, sabihin mo nalang kung may kailangan kapa"
Haay! Simula pagkagising ko tanong na nang tanong si Ezekiella, sobrang nag alala daw siya sa akin kanina kala daw niya mamamatay na daw ako tsk.
Epal kasi yung mga goblin nayun papatayin ba naman daw ang gwapong si ako, edi mababawasan na ang mga gwapo sa mundo tignan mong endangered species na nga kami tsk. Pag nakita ko ulit sila nako! Humanda handa na sila sa akin."Take a rest Yuan, malapit lapit nadin rito ying earth kingdom kaya bukas nalang tayo pumunta run" tanging tango nalang ang sinagot ko sakanya at humiga na , gumawa kasi si Ezekiella nang tent at binalutan niya nang protective spell ang buong lugar nang safe daw kami.
"Sleep well ,good night" she kissed my forehead after that she left, she's being so sweet this fast few months and i dont want to admit but i kinda like it, shhh..
I close my eyes and everything went black..
*•.•°*•.•*°•.•*°•.•°*•.
Kinaumagahan ay nagsimula na kaming maglakad at ilang sandali pa ay nakita na namin ang bayan nang Earania sa Earth Kingdom.
Excited ko namang hinila si Ezekiella, papasok nang bayan at bumungad sa amin ang masasayang mukha nang mga mamamayan dito, may nagtitinda ,may bumibili at marami pa silang ginagawa.
Sadyang masayahin ang mga taga Earth kingdom, sagana rin sila sa produksyon nang mga gulay at iba pang halaman, malamang kaya nga earth hindi ba? –_–
"Yuan!! Tara dun dali~!!" Excited na sabi ni Ezekiella habang nakaturo sa isang stall na puro pagkain, tsk katakawan 101
Pagkatapos namin bumili nang pagkain dun ay pumunta kami sa isang park dito ,maraming mga bata ang naglalaro at namamasyal dito kasama narin nila ang mga magulang nila umupo kami sa isang bench at ipinatong ni Ezekiella si Artemis sa lap niya, tumingin siya sa mga batang masayang nakikipagkwentuhan kasama ang pamilya nila, kita ko ang pag ngiti niya pero malungkot naman ang kanyang mga mata.
"Ikaw Yuan?" Biglang sabi ni Ezekiella kaya napakunot ang noo ko, anong ako? "Ano?" Tanong ko sakanya
Humarap siya sa akin at tipid na ngumiti "naranasan mo na bang magkaroon nang masayang pamilya?" Tanong niya pero sa malungkot na tono "ako, hmm...hindi ko naman kasi nakasama ang mga magulang ko dahil bata palamang ako ay napaslang na sila nang mga dark users" naramdaman ko ang pag hawak niya sa balikat ko kaya bahagya akong napangiti "pero kahit ganun ay naramdaman ko parin ang saya kasam ang mga kababayan ko,pinadama nila sa akin na kahit wala na sila mama at papa ay nandiyan parin sila para sa akin, at ikaw" nakangiti kong pahayag sa kanya, napangiti rin naman siya sa sinabi ko at niyakap ako , niyakap ko rin naman siya pabalik hanggang sa magsalita ang bwiset na pusa na ito "ehem,ehem tama na ang matamisan ,humanap nalang kaya kayo nang matutulugan natin at nang makatulog na tayong lahat nang maayos ha" kunti nalang magiging siopao na ito,!
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...