Chapter 61: I Won't Give Up

13.7K 366 68
                                    

A/N: Sorry sa late update hehehe ✌✌ ,nung sunday dapat ako mag u-UD pero may important matter's lang akong inasikaso, kaya sorry po talaga.

~maydaughlet :)

Ezekiella POV

Nandito kami ni Raven sa kuwarto ko at kasalukuyan ko siyang kinukuhanan nang dugo para dun sa polyjuice potion na gagawin namin ,at isa pa isa siyang dragon.

"Yan okay na!" Sabi ko bago ilagay sa isang maliit na bottle yung dugo.

"Tss" tignan mo to!

"Lika na nga nang makapag hanap na tayo nang ingredients" sabay hila sa kanya palabas, 1:00 Pm palang kaya may oras pa kami para maghanap Paniguradong naghahanap narin sila Sophia..

Nagpaalam muna kami kay Headmaster bago lumabas at pumunta sa isang gubat malapit sa academy "ang kulang nalang sa atin ay Flux weeds, leeches ,knot grass at worm guts" basa ko sa listahan nang nga kulang na sangkap

"Tara may alam akong hanapan" wika niya sabay hila sa akin, ano to? Change position?

Narating namin ang isang lake at may ibat ibang uri nang halaman ang makikita mo rito, at narito rin ang mga sangkap na hinahanap namin

"Yay! Meron nga! Ang galing mo talagang dragon! Hahaha" sabi ko at lumapit sa may mga halaman at maingat na kumuha nang mga sangkap.

Bumalik ako sa pwesto ni Raven at nakita ko siyang nakasandal sa puno habang nakapikit, ang tamad talaga!

Pinindot ko yung matangos niyang ilong dahilan upang mapabalikwas siya at magkauntugan ang mga noo namin,

"Ouch!" Sabay himas sa noo ko, sa totoo lang ang sakit grabe!

"Idiot! Pisilin ba naman yung ilong ko edi yan ang kinalabasan, ang bilis talaga nang karma" nakangisi niyang sabi habang hinihimas yung noo ko

"Ihh! Ang tamad tamad mo naman kasi, buti kapa! Ang tigas kasi nang bungo mo kaya hindi ka nasaktan eh!" Nakasimangot kong sabi

Tumigil siya sa ginagawa niya at siyaka tumingin sa akin nang nakangisi ,bakit ba hilig nang dragon na ito ang pag ngisi? Na aabnormal na ba siya? "Tanga ka nga, may bungo ba kasing malambot?"nakakaasar!

"Hmp! Ewan ko sayo!" Sabay lakad nang mabilis

Nakakainis talaga siya! Isa siyang bipolar na dragon at naiinis rin ako sa sarili ko dahil 'siya' ang pumapasok sa isip ko sa tuwing ganon ang ugali ni Raven sa lalim nang aking iniisip ay hindi sinasadyang may nakabungguan ako

"Sorry!" Hingi ko nang paumanhin bago pulutin ang mga dala kong nahulog

"That's okay" nanigas ako sa aking kinatatayuan at napatigil sa aking ginagawa dahil sa pamilyar na tinig na aking narinig, let me rephrase that, hindi pamilyar dahil kilalang kilala ko kung sino ang may ari nun..

Nang makabawi na ako ay binilisan ko na ang pagkuha pagkatapos ay tumayo at naglakad paalis.

Haay! Calm down Ezekiella, calm down

Nakarating na ako sa dorm at dagliang kinuha ang iba pang mga sangkap at siyaka dumeretso sa lab.

Naabutan ko silang lahat duon, pati sila Sophia na nasa kabilang room na gumagawa na nang potion

"Nandiyan na si Ezekiella" sabi ni mhacy para mapunta sa akin ang kanilang atensyon

Nilapag ko sa lamesa yung mga ingredients "kompleto na yung mga ingredients" sabi ko sa kanila,bago isuot yung lab coat at gloves.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon