###
Ezekiella POV
Nagising ako ng may malambot ngunit malamig na kamay ang humahaplos sa mukha ko, pagmulat ko ay bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Aquarius.
“mabuti at nagising kana” sabi niya ngunit hindi ko ito pinansin, pinasadahan ko nang tingin ang paligid at napagtanto ko na nandito pala ako sa Haven Palace, nandito rin ang ibang God's and Goddesses na ngayon ay malungkot rin ang aura at mukha nila.
“Anong meron?” tanong ko
Lumapit sa akin si Aeries at hinaplos ang pisngi ko “Ezekiella, wag kang mbibigla sa pagbabalik mo sa inyong kaharian”
“Maging matatag ka, pakiusap” dugtong ni Virgo
Magtatanong pa sana ako ng nagpaalam na sila at biglang naglaho ng lahat.
Minulat ko ulit ang mata ko at bumungad naman sa akin ang mga nag aalalang mukha ng mga kaibigan ko at ang Hari at Reyna, may mga benda pa ang ilan kila Shawn at nakacast pa ang kamay ni Jake.
“Ezekiella, salamat naman at gising kana!” sabi ni Anna
Bumangon ako sa pagkakahiga, inalalayan pa nga nila ako, hinawakan ko ang ulo ko bago tumingin sa kanila “nasaan si Mhacy?” tanong ko sa kanila
“nasa kabilang silid at nagpapagaling, kasama niya si Levi doon” si Yuan na ang sumagot
Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig ngunit may naalala pa ako “Si Jeush?! Nasaan siya?” tanong ko sa kanila ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot
“Heck! Nasaan siya? Answer me!” sigaw ko, lumapit sa akin si Queen Sapphire at siyaka niyakap ako, hindi ko din alam kung bakit siya umiiyak
Lumapit ang Hari sa akin, hindi na siya yung Hari na kilala ko na kung makatingin ay mas malamig pa sa yelo “Huwag ka sanang mabibigla sa makikita mo, Royals. Dalhin siya sa kwarto ng Prinsepe ng Apoy” utos nang Hari
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at hindi na nag-abala pang magpatulong sa kanila, sinakay nila ako sa wheelchair dahil medyo nanghihina pa ako nagsimula ng itulak ni Yuan ang wheelchair patungo sa kwarto ni Jeush,habang palapit kami sa kwarto niya ay samot saring emosyon ang nararamdaman ko, tinignan ko ang mga kasama ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang paglandas nang mga luha sa mata nila kahit si Yuan ay tahimik ring umiiyak, nanginginig rin ang balikat ni Shawn habang pinapahid ang luha niya, ngayon ko lang sila nakitang ganyan, they're look wasted and exhausted.
Dahil sa inasal nila ay nagsimula ng salakayin ng kaba ang dibdib ko, huminto kami sa tapat ng isang kwarto at mula sa labas ay may narinig akong pag iyak galing sa loob, at doon nagsimula naring mag tubig ang mata ko.
Pinihit ni Yuan ang doorknob at binuksan ang pinto, tinulak niya ang wheelchair ko papasok roon kasunod ang iba, hininto niya iyon sa isang kama kung nasaan nakahimlay ang katawan niya, nang makita ko siya ay mas lalo pa akong naiyak, tumingon ako kay Tita Jessie na ngayon ay inaalo ni Tito Ricky.
Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko at pinilit na tumayo at siyaka lumapit kay Tita Jessie, agad naman niya akong niyakap at sa balikat ko siya humagulgol.
“My s-son is gone, his g-gone..” basag ang boses biya habang sinasabi iyon, hindi na aiya ang Queen Jessie na nakilala ko, hindi na siya yung masayahin at makulit na Reyna ng Apoy, nasasaktan siya ngayon dahil sa pagkawala ng nag iisa niyang anak, kaya mas lalo akong nahabag sa kanya ngayon
“Im sorry Tita, t-this is all m-my fault” sabi ko sa gitna ng pag hikbi, hinimas niya naman ang likod ko at nagsalita “No Ezekiella, its n-not your fault parehas lang kayong naging biktima”
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...