Chapter 52: Air Kingdom

10.7K 310 5
                                    

Ezekiella POV

Hay! Sa wakas! Nandito na kami sa bukana nang Air Kingdom, ang bayan nang Airenia.

Naglakad kami papasok nang bayan at ang masasabi ko lang ay maganda ang kaharian na ito halos lahat naman ata nang kaharian ay magaganda

Habang naglalakad kami ay tumitingin tingin naman ako sa mga tindahan nakahanap kami nang pwede naming upahan para may matulugan kami habang nandito

"10 Gems lang ineng" sambit nang matanda, inabot ko sakanya ang 10 gems at kinuha ang susi nang kwarto

Hinila ko si Yuan pataas at siyaka binuksan ang kwarto, may dalawa itong kama, binaba ko agad ang backpack ko at hinubad ang robe ko, sinabit ko ito sa sabitan na nasa likod nang pinto ganun rin naman yung ginawa bi Yuan.

"Magpahinga na muna tayo Ezekiella nang may lakas tayo bukas at nang makapaggala naman tayo bukas" nakangiting pahayag ni Yuan

Tumango ako at ngumiti "Okay, goodnight and sweet nightmare" natatawang sabi ko

Kinurot niya naman yung magkabila kong pisngi "hahaha! Loko loko ka talaga!"

Hinawakan ko yung kamay niya na nakakurot sa pisngi ko at siyaka hinampas "mashakit ha!" Reklamo ko habang nakahawak sa magkabila kong pisngi na ngayoy namumula na.

"Sorry, sige goodnight and sweet dreams" at siyaka niya ako hinalikan sa noo

Tumango nalang ako sakanya at siyaka humiga sa kama, pinikit ko na ang mata ko at nilamon nang dilim..

*•.•°*•.•*°•.•*°•.•°*•.

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Yuan dito sa bayan, masyado kaming naaliw sa aming nakikita.. May mga batang masayang naglalaro sa park at ginagamit ang kanilang Air Element may mga nagsasanay rin nang kanilang kapangyarihan.

"Nakakatuwa sila noh?" Nakangiting tanong ni Yuan

"Oo, nakakatuwa silang pagmasdan" sagot ko

Naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa may nakita kaming tindahan nang mga Weapon, masyado na itong luma kaya wala nang pumapansin

"Yuan, tara dun" sabay hila ko sakanya

"May magagawa pa ba eh hila hila muna eh, tsk" nakabusangot niyang sabi kaya napatawa ako,bago pumasok sa shop

Nang pumasok kami ay halos walang tao, marami ring ibat ibang klase ng weapon.

Tumingin tingin ako nang weapon habang si Yuan ay nagmamasid masid lang

"Ezekiella, muka namang walang tao dito, labas na tayo" reklamo niya

Tumingin ako sa paligid at wala ngang tao "sige na nga" hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papuntang pinto, lalabas na sana kami nang may nagsalita sa likuran namin

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon