Ezekiella POV"Are you sure about this, Princess?" Tanong ni Headmaster Rence
Nandito ako ngayon sa office niya at Bihis na bihis dahil aalis ako, kinuha ko ang misyon sa Forbidden Terrah dahil ito qng binabanggit nila Aquarius na lugar na.kailangan kong tulungan
"Of course headmaster im absolutely sure about this" i said
Napabuntong hininga siya "be careful, Princess" tumango ako sa kanya
"By The Way, headmaster wag mo sasabihin kahit kanino kung nasan ako, is that clear?"
"Kahit sa kanya?"
"Yes"
Lumabas ako nang office niya at Nagteleport sa kwarto ko para kunin ang gamit ko, naka Black Fitted jeans ako at Long sleeves white shirt, nilagay ko sa ilalim nang damit ko ang kwintas ko..sinuot ko rin ang Robe na binigay ni Headmaster bilang palatandaan na isa akong estudyante nang Academy nilagay ko ang hood sa ulo ko at pati ang infinite backpack ko, nilagyan ko yung nang mga potions at healing medicine kung sakaling mapalaban ako.. At mga pagkain at inumin..
Kaya ganun nalang maka react si Headmaster dahil lubhang delikado ang mission na ito.
Kung sa iba suicide ito sa akin pagtulong kailangan nang makalaya nang mga tao ruon sa pagkakasakop nang mga Dark Magic Users.Nilapag ko sa mesa ang sulat na ginawa ko para sakanya, at ipinatong ang isang pulang Rosas. Bago ako gumawa nang portal..
"Accio Portalès" pagkabanggit ko nang spell ay may lumabas na portal sa harapan ko, "portal of light, bring me in Forbidden Terrah" bago ako pumasok sa portal ay sumulyap muna ako sa kuwartong ito sa huling pagkakataon, sana naman sa gagawin kong ito ay makalimutan ko na ang lahat nang sakit na nararamdaman ko..
*****
Pagkalabas ko nang portal ay sumalubong sa akin ang madilim na bayan nang Forbidden Terrah, nagtago ako sa isang puno at siyaka pinagmasdan ang paligid
Kita ko ang paghihirap na dinadanas nang mga nandito bata, matanda ay inaalipin nila halata ang pagod sa mga mukha nila sa mura nilang edad ay nararansan na nila ang ganitong klaseng paghihirap..Kailangan ko nang wakasan ito,
Maglalakad palang sana ako nang may naramdaman akong malamig na bagay sa leeg ko..
Oh no!"Itali ang bihag na ito!" Sigaw nang isang Dark User
Bigla akong hinablot nang isang Dark user at dinala sa kuta nila
Napatigil ang ilan sa ginagawa nila at siyaka tumingin sa akinNapaupo ako sa lupa nang marahas nila akong bitawan, at siyaka tinutukan nang espada sa leeg..
"Hmm..galing ka sa Academy, sadyang magaganda ang mga estudyante ni Rence" kinilabutan ako sa mga sinasabi nang Manyak na Ito..
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...