Chapter 35: Make her What!?

11K 454 10
                                    

Diba sabi ko babawi ako kaya ito na yung pambawi ko 😊😊😉😉

Bwahahaha😂😂😂 wag umasa na kikiligin kayo ✌✌✌👊👊

P.S: wag umasa Dahil MASASAKTAN ka lang 💔💔😭😭

***************************************************************************************************

Ezekiella POV

Maliwanag na sikat nang araw ang gumising sa akin, pagmulat nang mga mata ko ay wala ako sa kuwarto ko , tumayo ako sa pagkakahiga ko at tinignan ang paligid siyaka ko lang napagtanto na nandito ako sa Haven Palace.

"Magandang Umaga!" Nakangiting bati sa akin ni Cancer

"Morning" balik kong sagot

"Sumunod ka" sabi pa niya bago siya lumabas nang silid kaya sumunod ako

Tumigil kami sa isang malaki at ginintuang pinto, pumasok kami duon at nakita ko silang lahat na nakaupo at tila hinihintay ang pagdating ko.

"Maupo ka" - Scorpio

Umupo na ako at matamang tinignan silang lahat

"Tungkol saan ang pulong na ito?" Takang tanong ko sa kanila
Hindi naman kasi sila magpupulong kung hindi ito importante

Nagtinginan naman sila at marahang tumango "may nais lamang kaming ipabatid sa iyo, Prinsesa" wika ni Aquarius

"Ano naman iyon?"

"Malapit na" sabi ni Libra

Tila kinabahan naman ako sa sinabi niya "ang alin?"

"Mag handa ka ,Prinsesa
Wag mong hayaan na magpalamon ka sa iyong emosyon"-Virgo

"Dahil ito ang makakatalo sa iyo"-Picses

"Sa oras ma mangyari ang bagay na kinatatakutan mo,
Ay intindihin mo na lamang sila"-Leo

"Sa nalalapit na Limang buwan ay magbabago ang lahat, ihanda ang sarili sa mga mapanlinlang na nilalang." -Gemini

Kahit kinakabahan ay tumango na lamang ako

"Magbalik ka na Prinsesa at nag aalala na ang iyong mga kaibigan lalo na siya" pambubuska ni Taurus

Inirapan ko lang naman  siya na ikinatawa niya tss.

Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa naramdaman kong nagbalik na ako sa sarili kong wisyo.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon