Maydaughlet note's: wooh! Late update na naman pano ba iyan? Ang dami ko nang atraso sa inyo 😂😂
Lab yah guys!
Sѳɱɛѳɳɛ'ร POV
[Enemies lair]
“Ano na naman ang ipag-uutos niyo?” Naiirita kong tanong sa demonyong nasa harapan ko, oo! Demonyo siya! Ginagamit niya lang kami para maisakatuparan ang mga balak niya! Ayaw ko namang gawin ito eh! Kung hindi niya lang hawak ang buhay ng kapatid at mga magulang ko, hindi ko ito gagawin..
“Hahaha...” Umalingawngaw dito sa silid ang kanyang nakakakilabot na tawa “ganyan nalang ba ang pagkasuklam mo sa akin? At kahit sa isip mo ay nilalait mo ako? Hahaha..” Sabi niya
Inaamin ko na malakas talaga siya, na makapangyarihan siya, kaya niyang mabasa ang isipan ko, kaya niyang kontrolin ang takbo ng buhay ko, hawak niya ako sa leeg hawak niya kami sa leeg.
“Sabihin mo nalang ang gusto mong iutos” walang buhay kong sabi, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa trono niya at unti unting lumapit sa akin, samantalang ako nama ay paatras ng paatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran, sa totoo lang ayaw kong madampi ang makasalanan niyang katawan sa akin, ni kahit sandali lang... Natatakot ako sa kanya, kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman ko hindi parin mawala..dahil yun ang totoo takot na takot ako sa kanya.. samantalang siya ay malapit parin sa akin, niyuko ko ang ulo ko dahil ayaw kong makita ang pagmumuka niya, gusto ko siyang itulak at ipakain sa mga leon pero hindi ko magawa bukod sa mas malakas siya sa akin ay mas makapangyarihan sa siya sa akin..
“Lumayo ka nga sakin....” Kinakabahan kong utos sa lanya ngunit hindi parin siya nagpatinag nanatili lang siyang nakatingin sa akin hanggang sa ilapit niya ang kanyang mukha sa kin, mas lalo kong niyuko ang ulo ko at nagbigkas sa isip ko ng mga panalangin..
“Get her, grab the chance at the festival birthday party of the queen” after he said that he left.
Nakahinga ako ng maluwag, ngunit nanatili parin akong nakayuko, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi umiyak...
Dadagdagan ko na naman ba ang kasalanan ko sa kanila? Sa kanila na tinuring akong pamilya? Sa kanila na walang ginawa kundi ang mahalin ako? Na iparamdam sa akin na hindi ako naiiba? Bakit ganito ang tadhana? Bakit lagi nalang niya akong pinahihirapan? Wala na ba akong pag asang sumaya?
Napansin kong nag iiba na naman ang kulay ko, mula sa maputi kong balat ay naging maputla na ito, at nararamdaman kong nagiging pula na ang mga mata ko,nababalutan narin ako ng black aura.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, at mabuti naman ay nagbalik na ako sa normal kong ayos, hanggat maaari ayokong ipakita ang isa ko pang katauhan, ayokong dumating ang araw na malaman nila iyon, itatago ko ito hanggat kaya ko lalo na sa Hari ng kadiliman.
Jɛuรɦ POV
“Meow” Napalingon ako sa nag meow at nakita ko ang pusa ni Ezekiella ni Artemis.
Dumukwang ako para mapantayan siya at siyaka nagsalita “did you see her? Did you see Ezekiella?” I ask
“No i didn't...” Nawalan na ako ng pag asa ng marinig ko ang sagot niya “...but i know where she is” she added, my eyes big widened and looked at her
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...