Ezekiella POV
Binabaybay namin ang daan patungong Earth kingdom pero bago yun kailangan muna naming dumaan sa Dark Forrest, dark forest ang tawag kasi masyadong madilim sa loob kahit na umaga palang at maraming mababngis na nilalang sa loob isama mo na ang mga dark creatures including the Lost Spirits humihigop sila nang kaluluwa kaya napaka delikado nila.
Nasa bukana na kami nang Dark Forest at ang masasabi ko lang, ang creepy nang lugar simula dito sa bukana nang gubat ay ramdam ko na ang bigat nang atmosphere na dinadala nang Kagubatang ito.
"E-ezekiella,talaga bang
p-papasok tayo sa g-gubat na yan" nakita ko pa ang ilang beses na paglunok ni YuanMagsasalita palang sana ako nang sumabat si Artemis "oo papasok tayo diyan, pero kung natatakot ka pwede ka namang magpa iwan" may halong pang aasar ang mga sinabi niya
"Hi-hindi naman ako na-natatakot ah!" Tanggi pa niya eh halata naman tss –_–
"Hindi daw pero nanginginig na siya sa takot" pang aasar ko
"Hindi n-nga sa-sabi! Tara n-na nga!" Nauna pa siyang maglakad papuntang bukana pero...
*awoooooo*
Kumaripas siya nang takbo pabalik sa akin at nagtago sa likod ko nang marinig niya ang ingay na yan "ang tapang ah" asar ni Artemis
"Tumigil ka diyang pusa ka!" Sigaw ni Yuan bago ibaling ang tingin sa akin "s-sure ka Ezekiella? Ba-baka nga hindi na ta-tayo makalabas p-pa nang b-buhay diyan" paninigurado niya tanging tango lang ang sinagot ko sakanya bago siya hilahin papasok nang gubat
Hinawakan ko ang kamay na niya at pinisil iyon para pagaanin ang loob niya ,tumingin siya sa akin at siyaka ngumiti.
Pagkapasok namin sa gubat ay ramdam ko na ang mabigat na atmosphere dito at sadyang napakadilim dahik sa malalaki at malalagong mga puno, naglabas ako nang apoy sa aking kamay at pinalutang sa ere para magkaroon nang liwanag.,
Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang ito namang si Yuan todo kapit sa akin "ano Yuan? Tapang mo ah" humagikgik pa si Artemis Pagkatapos niyang asarin si Yuan
"Bwiset kang pusa ka!" Sigaw ni Earl, napailing nalang ako sa dalawang ito, tsk tsk tsk
Ilang sandali pa ay nakaramdam kami nang pagod kaya umakyat kami sa isang puno para makapagpahinga "Yuan, wag kana ulit bababang mag isa ah" paalala ko
Lumingon siya sa akin na Nakakunot ang noo "bakit naman?" Tss.tanga
"Baka kasi maulit yung nangyari dati ,sige ka pag nangyari ulit yun hahayaan na kitang maipakasal sa orangutan" sinabayan ko payan nang tawa kaya yung mukha niya lukot na lukot na, napansin ko namang tumahimik bigla si Artemis yun pala tulog na ang pusa niyo, haha!
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...