Ezekiella POVPagkatapos namin nang misyon ay binigyan kami nang isang linggong pahinga, ang Prinsesa na si Eloisa ay hindi puwedeng gumala gala sa academy dahil delikado daw ang buhay niya lalo na at hinahanap din siya nang mga Dark Magic users, kaya sa dorm ang bagsak niya...tsk.tsk kawawang bata.
Hindi parin kasi pinaaalam sa hari at reyna nang Encantadia na nahanap na ang Prinsesa 'kuno'.
Pag kalock ko nang pinto ay tumambad sa harapan ko ang guwapong mukha nang lalakeng pinaka mamahal ko, tss nagiging corny na ako.
*tsup*
He gave me a smack on may lips
Tinignan ko siya at ang loko nakangisi"Stop looking, its so hard for me you know?"nakangisi niyang wika, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at nakipag eye to eye sa kanya "what?" I ask
Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko na nakapag papula sa buong mukha ko "I said stop looking ,youre seducing me"
"Che!" At nag walkout para itago
Ang pamumula nang mukha ko,
Ghaad! Huhuhu mas gusto ko pa yung Cold at masungit na Jeush kaysa ngayon Ang Pervert!Naabutan ko silang lahat sa labas nang dorm mukang kami nalang dalawa ang hinihintay.
Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Jeush sa akin kaya napairap nalang ako
"Tara na!" Sigaw ni Mhacy
Nagpunta muna kami sa Pegasus park para humiram nang pegasus Pagkatapos ay sumakay na sil sa kanya kanya nilang Pegasus, as usual partners nanaman..
Hinila ako ni Jeush papunta sa Pegasus na pula, inalalayan niya ako para makasaksay at siya naman sa likod ko..
Habang nasa himpapawid ay hindi ko parin maiwasan ang hindi mamangha sa tanawin sa baba...
"Beautiful isn't it?"
"Oo"i answer
Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko kaya napapikit ako,
Pagkalapag nang Pegasus ay pinagmasdan ko muna ang Kaharian nila, sadyang maganda ito Kulay kahel ang kalangitan at may mga puno na may dahong nag aapoy pero hindi naman ito nakakapaso, may mga bulaklak rin na bago sa paningin ko..
Pumunta na kami nang palasyo at sumalubong sa amin qng Hari at Reyna nang nakangiti.
"Nandito na ang baby ko!!" Sabay yakap kay Jeush halos hindi naman na maipinta ang mukha niya
"Mom im not a baby anymore" inis niyang wika
"Kahit na baby parin kita"
Ang saya nila panuorin grabe!,
Happy family.."Mind introduce this lady beside you,Son" the king formally said
I cleared my throat"im Ezekiella Saunder--"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumingit si Jeush ,bastos na bata =_=
"My Girlfriend" he said in bored tone.
Ngumiti naman nang pagkatamis tamis ang reyna sa akin at niyakap ako
"Ang ganda ganda mo manang mana ka sa akin,hihihi" parang bata na sabi nang reyna.
Bahagya naman akong napatawa habang yakap ako nang reyna may humila sa braso ko kaya napahiwalay ako sa reyna.
"Ma stop being childish, tss."
Nagpout ang Reyna at bumaling ang tingin sa akin at siyaka naman ngumiti "call me Tita Jesse and that ugly man" while pointing in her husband "call him Tito Ricky" she said, just wow!? He called her husband ugly? Ang guwapo nga eh,old version ni Jeush but hindi siya cold tumingin ahmm..normal lang, ya know!?
I smiled before answering her "yes ,T-tita" i said shyly, maybe dahil hindi parin ako sanay
"You look so pretty!" And the next thing i knew is hila hila na ako ni tita habang sumisigaw si Jeush, haay!
Tita is so bubbly and childish while Tito is just normal in emotion but there son! Holy cow!
Why jeush is so moody? Tss..Bipolar at the same time pervert! =_=Acelinne POV
Halos hindi na maipinta ang pagmumuka ni leader dahil sa inis, pano ba naman kasi bigla nalang hinili ni Tita si Ezekiella at sumunod narin si Tito..
Inis na naglakad si Leader papasok nang palasyo
Hay! Buhay parang life! Kaistress nila sa bangs buti pa sila nahanap na nila forever nila, eh ako? Nganga forever alone! -_-
Napatingin ako sa mga kasama ko na nasa pintuan na nang palasyo abat! Hindi manlang ako hinintay ang bad nila! Huhuhu
╥﹏╥Okay! Tama na ang drama!
Tiyaka nalang ako mag eemote sa ngayon enjoy muna ako sa fire kingdom ^__^King Ricky POV (Jeush father)
May kakaiba sa batang Ito ramdam ko ang napakalakas niyang kapangyarihan ngunit pilit na itinatago, alam kong wala siyang masamang intensyon pero hindi ko maiwasan ang mapaisip.
Sino ka ba talaga Ezekiella Saunder?
Third Person POV
Sa isang silid sa palasyo nang Haven palace ay nag pupulong ang mga diyos at diyosa,
"Nakakahalata na sila" wika ni Aquarius sakanila
"Hindi natin mapipigilan ang pagbunyag nang katotohanan sa ngayon kailangan nalang nating bantayan ang Prinsesa"
Iisa lang ang nasa isip nang mga diyos ang maging matatag at mapagtagumpayan sana ni Ezekiella lahat nang hamon na dadating sa kanyang buhay...
(A/N: Joshfer at the multimedia)
BINABASA MO ANG
Elemental Princess
FantasySi Ezekiella, isang simpleng babae na may maayos at normal na buhay na sa isang iglap ay nabago ang lahat. Ang akala niyang MAGIC na kathang isip lamang at nasa libro at sa mga movies niya lang nakita ay biglang nangyari sa kanya, hindi niya akalain...