Chapter 27: Dont deny it!

11.1K 405 17
                                    

Shawn POV

Naglalakad ako sa Open Ground nang mahagip nang mata ko si Aireen na nakaupo sa isang Bench, lalapitan ko na sana siya
Nang may tumawag nang pangalan ko.

"Shawn!!" Napalingon ako sa tumatawag

"Bakit, Selena?" Tanong ko,
Pinsan ko si Selena, kaya katulad ni Acey ay espesyal na siya sa akin..

"Thank you nga pala!" Nakangiti niyang saad

"For what?" Tanong ko

"Natauhan kasi si Miguel nung sinuntok mo siya kaya ayun nakipag ayos sa akin, suntok mo lang pala katapat niya" natatawa niyang sagot

Napangiti naman ako nang maalala ko yun, "buti nag kaayos na kayo, haha! Sa susunod pag nag away pa kayo sabihin mo lang sa akin" sabi ko

Natawa nalang kaming dalawa
Nagpaalam narin siya dahil baka hinahanap naraw siya ni Miguel,
Maglalakad na sana ako nang nakita kong tumayo si Aireen at parang ang lungkot nang aura niya ngayon, dahil nga ‘Curiosity kills the cat’ ay sinundan ko siya,

Nakarating kami sa isang burol malapit sa academy, nagtago ako sa gilid nang isang halaman,
Narinig ko naman ang mahina niyang pag hikbi, Bakit siya umiiyak?

Sinilip ko siya mula sa pinagtataguan kong halaman ay nakikita ko ang itsura niyang nasasaktan.. Gusto ko Sana siyang yakapin para may kadamay siya kaya nga lang parang wala ako sa lugar na gawin yun..

"Bakit ba ang manhid mo!!?!?"
Rinig kong sigaw niya,hindi ko alam pero parang ako yung natatamaan sa sinigaw niya

"Ang tanga tanga ko!!?!"
Sigaw niya pa,

Hindi ka tanga Aireen, mas tanga ang nanakit sayo

Sabi ko sa isip ko, umalis na ako ruon at pumunta nang Dorm,
Naupo lang ako sa isang tabi
At ilang oras pa ang lumipas ay dumating si Ezekiella kasama si Aireen na halatang kagagaling lang sa pag iyak..

Tinitigan ko lang siya napadako naman ang tingin niya sa akin pero agad din siyang nag iwas..

"Guys,guys! Spin the bottle tayo!" Suhestiyon ni Wayne

"Bawal K.J dito, sali dapat ang lahat" dugtong ni Indigo

Umupo nalang ako sa lapag at kaharap ko siya, nagsimula na nilang ipaikot ang bote at tumapat naman iyon kay Acey tinanong ni Wayne si Acey na kung manligaw si Jake sa kanya may pag-asa ba, ang sagot naman niya ay 'OO'..

Kaya ayun sigawan sila,sunod naman ay tumapat kay Wayne dare ang sagot niya kay di-nare siya ni Jake na halikan sa pisngi si Ghelene at sabihan nang 'I love you' ..

Nang pinaikot ni Ghelene ang bote tumapat naman iyon kay Aireen, tila ba kinakabahan siya sa maaaring gawin ni Ghelene

"Truth or Dare?" Tanong niya

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon