Sou Jin’s POV
Isang maulan na tanghali ang sumalubong sa akin. Papunta na sana ako sa boutique para sa isang importanteng customer, dala lahat ng mga design na pinagpuyatan ko for a month or two. Sana lang, may magustuhan siya kahit isa. Dala ang isang cute na payong, naglakad na ako papunta sa boutique, tutal walking distance lang naman ang mula sa bahay hanggang dito. Maaliwalas pa din ang daan. Walang traffic, pero basa ang sahig. Tumawid na ako habang tinitignan kung kumpleto ang dala ko. Nasa gitna na ako ng may isang mabilis na sasakyan ang nakita ko. Halos hindi ako makatakbo – ni makagalaw. Mamatay na ata ako...
Hyun Joong’s POV
Pinauwi na kami ng director. Hindi daw kasi akma ang panahon para sa shoot. Umuulan kasi. Pero mas maayos na yun, makakapagpahinga nanaman ako. Hindi din pala birong mag-artista. Nakakapagod din pala. Pero kahit paano, sanay na din ang mga mata ko. I’m driving with my black Jaguar XJ car, at nasa kahabaan na ako ng isang road sa Seoul. Kinuha ko ang phone para tawagan ang kuya ko, ang sabi kasi may sakit daw si mama. Pagkatingin ko sa harap, isang babae ang nakatayo sa may pedestrian. Bakit hindi siya gumagalaw? Hindi! Kailangan ko tong maliko agad. Baka makulong pa ako pag namatay yan. Inikot ko ang manibela. Sana lang lumiko ang gulong~ ayoko ko pang mamatay no.. hindi ako makakahinga ng maluwang hangga’t hindi ko nagagawang iliko.
Hyun Joong’s POV
Prineno ko ang sasakyan. Huuu!! buti na lang. Wala akong nasagasaan. Kahit ang boutique na akala kong masasalpukan ko pag lumiko ako buo pa din. Napasandal ako sa upuan. Nakahinga na din ng maluwag. Lumabas ako para tignan ang lagay ng paborito kong sasakyan. Nakita ko ang bumper. Sira!~ Sinipa ko ang gulong tsaka tinignan ang babae. Hindi ko pwedeng palampasin ang katangahang ginawa niya kaya lumapit ako sa kanya.
Sou Jin’s POV
Grabe. Akala ko mamamatay na ako. Hindi pa rin ako makagalaw. Pagkaalis ko ng kamay ko sa mga mata ko, nakita ko ang sasakyan sa tabi ng boutique ko. Nakahinga na ako, halatang malalalim ang mag ito. Nakita ko ang driver. Lagot... mukang papalapit pa sa akin ang mokong.
Sou Jin’s POV
Siya: *lumapit* Oi ikaw ang tanga-tanga mo bakit ka humarang sa daan??
Ako: sorry. *90° bow*Kasi..
Siya: anong kasi? Tignan mo nga yung nangyari sa kotse ko!
Ako: *tinignan ko mula sa malayo* wala namang gasgas ah..
Siya: anong wala? *hinawakan ang kamay tasaka ako hinla* halika dito~
Nagpumiglas ako. Pero sige pa din siya sa paghila. Hindi niya napansin ang truck na padating sa amin. Muli akong kinabahan. Kaya hinila ko siya paalis sa pwesto niya.
Ako: ui teka may sasakyan! *sabay hila*
Hyun Joong’s POV
Nagulat ako sa nangyari. Wala na akong lakas, kaya siguro sinunod ko na lang ang paghila niya sa akin. Napahinto ako sa harap niya. Sa sobrang lapit namin, wala na siyang nagawa kundi titiginan na lang ako. Lumayo ako agad sa kanya. Ngayon malapit pa akong mamatay ng dahil sa kanya? Sobra na siya ah.
Ako: *nagsalita ako agad pagdating sa kotse.* tignan mo nga yung ginawa mo? Mamatay pa ako dahil sayo~
Siya: ano? Buti nga sinagip ka pa dyan eh!
Ako: eto, tignan mo! *tinuro yung bumper* May pambayad ka ba dito ha?
Siya: ang yabang mo! Babayaran ko yan pag nagkapera ako noh!
Ako: *asar na ngumiti* magkikita pa tayo. *tinaas yung 2 kong kilay* hmm?
Tsaka ko padabog na sinara ang pinto ng kotse.