Consequence. . .

18 0 0
                                    

Sou Jin’s POV

Naglalakad ako papunta ng botique ng makita ko si Hyun Joong. As usual, dala pa din niya nag mamahalin niyang sasakyan. Ayoko sanang makita niya ako, pero huli na para umiwas. Sinundan ng sasakyan niya ang paglakad ko. Huminto ako at tumingin sa kanya. Ngumiti siya sakin. Hindi ko alam kung anong magiging expression ko. Nadadala ako sa pagngiti niya. Masaya ako pag ganyan siya, pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nila.

Hyun Joong: sakay ka na.

Binuksan niya ang pinto ng front seat, tsaka ako hinilia para umupo doon. I smiled at him, kahit pa alam kong mahahalata niyang fake smile yun.

Hyun Joong’s POV

Sinara ko ang pinto. This past few days mukhang problemado talaga siya, ayaw niya namang sabihin. I respect that, pero sana naman malaman niyang nandito lang ako para makinig sa mga problema niya. Nagdrive ako hanggang sa fave café namin, gusto kong sabihin sa kanya ang good news. I thank my parents, pumayag sila na makilala si Sou Jin.

Sou Jin: bakit dito mo ako hinatid?

Hyun Joong: Parang may problema ka kasi eh. Kaya gusto kitang libangin ngayon.

Sou Jin: I don’t have any problem. Ikaw lang nag-iisip nyan. Bakit naman ako magkakaproblema? Eh, nandyan ka.

Hyun Joong: may sasabihin ako sa’yo.

Sou Jin: what’s that?

Ngumiti ako sa kanya, yes I’m very happy, but I know she’s not. Ni hindi siya ngumiti pabalik. She can’t fool me. Bakit kaya ayaw niyang sabihin? Kahit ano pa yan, iintindihin ko naman eh.

Sou Jin’s POV

Sabi na nga ba, nakakahalata na siya. Hindi ko gustong magsinungaling sa harap niya, hindi lang ako makakuha ng magandang time para sabihin yon. Pero hindi ako naaawa sa kanya sa ganitong status namin. Para sakin hindi na kami. Kung sa bagay, never naman niyang inisip na may girlfriend siya. Dahil para sa kanya, laruan lang ako. May iniabot siya sakin. Tinignan ko, invitation pala.

Hyun Joong: malapit na birthday ko, I know you know it... Gusto ko sanang doon ka ipakilala ng pormal sa parents ko. Kaya gusto kong pumunta ka, it will happen on Monday.

Baliw na ba talaga siya? I know he’s not serious with me, tapos ipapakilala niya ako sa parents niya? No. Hindi pwedeng mangyari ang kalokohang iniisip niya.

Ako: I’ll be there. Wag kang mag-alala.

Yun na siguro ang hinihintay ko. Ayoko nang magpaloko pa, lalo na sa harap ng parents niya. Ito sana yung hinihintay ko, na maipakilala ako sa parents niya, pero binago yun ng panloloko niya.

Ako: I have to go. Madami pa akong gagawin sa boutique.

Hyun Joong: ganun ba? Osige ihahatid na kita.

Hyun Joong’s POV

Nagkakasayahan na kami. Kahit hindi makakaattend ang parents ko sa party, sinabi naman nila na sa bahay na kami magkikita-kita. Masaya silang lahat, kwentuhan dito, kwentuhan doon. Pero nag-aalala pa rin ako kay Sou Jin, bakit wala pa siya? Tinignan ko ang watch ko, she’s almost an hour late. Tinatawagan ko siya, pero hindi siya sumasagot. Pumunta ako sa labas ng bar na pinareserve para sa party. Doon ko siya hinintay sa labas. Panay ang tingin ko sa orasan. After like, 15 minutes, nakita ko siyang papasok ng bar. Tumakbo ako papunta sa kanya, sabay tawag ng panagalan niya. Buti naman, sinipot niya ako. Even though she’s late, she’s still here. Napalitan ng saya ang kaninang pag-aalala ko. Huminto siya, tsaka humarap sakin.

Ako: nag-alala ako sa’yo..

Sou Jin: may I have to talk to you.

Ako: sa loob na lang tayo mag-usap. *smile*

Sou Jin: wag na, dito na lang.

She’s so cold. Parang hindi ko na siya kilala. Hindi man lang siya bumati. Bakit ganun siya ngayon? Ayokong isipin na baka wala na siyang feelings para sakin, pero yun ang nararamdaman ko. Hindi niya pwedeng gawin to sakin. She keeps me wondering of what she feels.

Ako: bakit ba... ngayon ka lang?

Sou Jin: Hyun Joong.. Mahal mo ba ako?

Ako: ano bang kalseng tanong yan?

Sou Jin: just answer me ok? Do you love me?!

Ako: Of course I love you, more than anything else.

She gave me a “that’s-not-true” glare. Parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. I’m really serious now. Kaya nga gusto ko siyang ipakilala sa parents ko. Pero bakit ayaw pa rin niyang maniwala?

Sou Jin: liar. At magkano naman ang binayad nila sa’yo para sbihin yan? Huh?

Ako: *umiling* a-anong...

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala akong maisip, walang pumapasok sa isip ko. I am blankly thinking of her. I know what will happen next. Alam ko ding wala na akong magagawa. Pero ayokong umalis siya. Ngayon pa, that I’m sure on my feelings? Nahihirapan ako, baka hindi na siya bumalik sakin.

Sou Jin’s POV

How rude. Bakit ganito siya? Bakit pinaniniwala niya parin ako? Samantalang ayaw ko na siyang paniwalaan. I know I can’t trust him anymore, but I can tell he’s sincere enough. Ano ba talaga? Naguguluhan ako, but I’m sorry Hyun Joong. I want to believe on what my mind says now. Even if it hurts me a lot.

Ako: *fake smile* kung hindi ko pa nalaman, baka hanggang ngayon niloloko mo pa din ako.

Hyun Joong: Sou Jin, please let me explain.

Ako: I don’t need your explanation. Baka kung ano pang kasinungalingan ang sabihin mo. I don’t wanna hear your lies anymore.

Ibinigay ko ang singsing sa kanya. Umalis ako ng nakangiti, pero pagtalikod ko tsaka umagos ang luha sa mukha ko. I thought everything is fine – perfect. Then it will suddenly turn into nightmare. Akala ko hindi niya talaga ako papaiyakin ng ganito. Akala ko hinding hindi niya ako lolokohin. Yun pala ako lang ang nag-iisip ng ganun. Wala na siyang inisip kundi sarili niya. He is being mean to me from the start, and I’m really an indiot not knowing it. Wala akong magawa, kundi maawa sa sarili kong naloko ako, at malungkot dahil simula ngayon magiging independent na ako mula ngayon, dahil wala na siya sakin.

Hyun Joong’s POV

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, hindi lang yun, gusto na din akong patayin ng konsensiya ko, it’s hunting me now. I’m just watching her as she leaves me out of nowhere. Wala akong magawa, I can’t move even a little inch. I took a deep breath many times, but after that, still I can’t breath. Parang nauubusan na ako ng hangin. Hindi ko siya mapigilan sa pag-alis. It is as if someone or something is preventing to walk. Alam ko din namang wala akong magagawa para pigilan siya. 

HYUN JIN SERIES book 1: LOVE FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon