Hyun Joong’s POV
Nasa loob ako ng building ng DSPE. Tinawagan ko si Sou Jin. Maybe its time for her to know the truth. Sana maintindihan niya, sana mapatawad niya ako. Ilang beses ko siyang tinawagan. Finally sinagot niya ang tawag ko.
Ako: Sou Jin...
Sou Jin: Anong kailangan mo...
Matamlay ang pagsagot niya. Bakit kaya? Bakit parang nawala ang amor niya sakin? Hindi naman na siya ganito. Isang tawag ko pa lang, sinasagot niya na. Parang bumalik na siya sa dati ah. Sana naman hindi pa niya alam. Ayokong mabigla, gusto ko ako mismo ang magsabi.
Ako: Uhm. Pumunta ka dito sa agency. May sasabihin ako sa’yo.
Sou Jin: Ok. Balak ko din sanang pumunta dyan.
Ako: Alright. I’ll wait for you.
Pinatay na niya ang phone, ni hindi siya nagsabi ng “bye.” Hay. Akala ko sasabihin niya ang problema niya. Hindi din pala. It’s ok, tatanungin ko na lang sa kanya mamaya.
Sou Jin’s POV
Pumunta ako sa agency’s main building para kausapin siya. Para sabihin na alam ko na ang totoo. Hindi ko siya kayang patawarin. Yes, I still love him, but I can’t forgive him now. Hindi ko kayang gawin yun, ako ang biktima dito, pinaglaruan lang nila ako. I feel sorry for myself, na dapat hindi ko maramdaman ngayon. Dapat masaya pa rin ako. Pagkadating sa floor kung nasan daw si siya, tinanong ko agad sa janitress kung nakita niya si Hyun Joong.
Ako: Uhm. Nakita niyo po ba si Kim Hyun Joong?
Janitress: Sino ho kayo?
Ako: I’m Sou Jin. Uhm. Kaibigan niya ako.
Janitress: ah... Ayun po siya. *turo sa kwarto na katapat namin*
Hindi ako makapaniwala. Magkayakap sila ni Hyun Jae! Bistong-bisto na nga siya sa mga kalokohan niya. Totoo nga, niloloko niya lang ako! At ako naman, parang tangang nagpaloko sa kanya. Gusto ko pa sanang siya mismo ang magpaliwanag nun, but he already showed his answer on his actions. Wala na siyang dapat sabihin sakin. Wala na. Nakita ako ni Hyun Jae, at tuwang-tuwa sa na makita akong nagkakaganito. Hyun Joong pulled back, at agad na humarap sa pinto. Nakita niya din ako, pero tumakbo ako papunta sa elevator.
Hyun Joong’s POV
Nakita ko ang ekpresyon sa mukha niya. Nanglumo ako, hindi ko sinasadyang mahuli niya kami ni Hyun Jae. Siya ang yumakap sakin. Gusto ko sanang ipagtabuyan siya palabas ng kwarto, and explain that I have a girl friend. Pero niyakap niya agad ako. Alam niya din naman na GF ko si Sou Jin, matigas lang talaga ang ulo niya. Siya pa nga ang unang nakaalam, dahil pala sa madaldal na maid ko. Hay, bakit ayaw pa niya akong tigilan kung ganon? Sinundan ko si Sou Jin, pero tinanong ko muna sa janitress na nakatayo doon kung saan siya banda nagpunta.
Ako: nakita niyo po ba kung saan nagpunta yung babae dito?
Janitress: ah yung kaibigan niyo sir, ayun tumakbo papunta sa elevator.
Bakit niya kailangang sabihin na kaibigan niya lang ako? Hindi niya sinabi ang totoo, ano kayang problema sa kanya? Kanina ko pa napapansin na wala siya sa sarili niya, hindi niya agad sinagot ang phone niya. Aaminin ko, may kasalanan din naman ako, hindi na kasi pinaalis si Hyun Jae. Pero, hindi naman yun excuse, I can explain. Walang kahit isang elevator na free. Ginamit ko na lang ang hagdan para maabutan siya. Binilisan ko ang pagbaba, ayokong umalis siya ng hindi ko nasasabi ang lahat ng gusto ko. Pagtingin ko sa exit, nakita ko siyang paalis ng building. Tumakbo ako palapit sa kanya, at hinarang ko para hindi makadaan. Itinaas ko ang mga kamay ko, para kahit saan wala siyang malusutan. Hindi ko siya pwedeng paalisin, kailangan ko pang sabihin lahat.
Ako: don’t go.
Sou Jin: why not? Bumalik ka na dun, baka hinihintay ka na ni Hyun Jae.
Ako: It’s not like that. Si Hyun Jae yung yumakap sakin.
Sou Jin: talaga? Bakit parang gustong-gusto rin?
Sou Jin’s POV
Nasaktan ako sa nakita ko. Kaya bakit pa niya ako gustong pabalikin? Hindi ko na siya kailangan, that’s what my mind says, but how about my heart? Hindi ko na ba ito papakinggan? Ayoko sa kanya, oo, pero mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Hyun Joong: ano ba? Hindi mo ba maintindihan na hindi ko na siya kayang pakisamahan? Niyakap niya ako. Hindi ko gustong gawin yun. Please Sou Jin, let’s stop this nonsense. Pinagtitinginan na tayo.
Ako: bakit kinakahiya ma ba ako? Huh?
Hyun Joong: pano mo naman nasabi yan? Sou Jin naman!
Ako: *fake smile* umalis ka na sa dadaanan ko.
Umalis ka, please. Ayokong makita mo akong umiiyak dito. ayokong magmukhang kawa-awa sa harap mo. Kaya please, padaanin mo na ako Hyun Joong.
Hyun Joong: ok! If I’ll kiss you infront of them, hindi ka na aalis? At hindi mo sasabihing kinakahiya kita?
Hindi ako makasagot. Ngayon pa? Maniniwala ako sa kanya? Ayoko na, pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan niya. I can see sencerity on that face. But I don’t want to trust him anymore.
Hyun Joong: *nod slightly* osige.
Hinila niya ako papunta sa kanya. Wala akong magawa, as if I don’t have a force to resist him. Hindi ko na siya napigilan. He gently put his hand on my neck, at pagkatapos nun pumikit siya, at inilapat ang mga labi niya sa akin. Pumikit na lang ako. Ayokong ipahalata na ayaw ko... After all he’s still my boyfriend, galit lang naman ako sa kanya at gusto ng makipag-break. Pero nung ginawa niya yun, parang nawala sa isip ko lahat ng sakit. Ang lambot ng mga labi niya. At parang sinasabing mahal na mahal niya ako. Halatang tumigil din ang mga tao sa hallway. Wait. Is he trying to fool me again? Hindi, hindi na ulit ako magpapaloko. Inalis na niya ang mga labi niya, maybe he remembered that this place is public. Tsaka siya nagsalita.
Hyun Joong: now, alam nilang lahat na girlfriend kita. I’m sorry kung itinago ko pa rin ‘to. But I’m now ready to say it. *hinawakan ang kamay ko* tara na, ipapakilala kita sa members ko.
Sinundan ko na lang siya. Wala akong magawa, hindi ko siya mapigilan. Naniniwala pa rin ang puso ko, na lahat sa kanya totoo. Pero ginugulo ako ng utak ko, na sinasabing wala na siya sakin, at kahit kelan hindi na babalik pa.