Sou Jin’s POV
Two months have passed. Sa mga panahon na yun, wala akong ginawa kundi isubsob ang sarili ko sa trabaho. Lalo akong naging successful ng wala siya. Pero hindi ako naging masaya. Parang may kulang pa rin. Parang may gusto pa akong makuha, the thing is, I can’t, I may not. Hindi ko siya pwedeng pakisamahan ulit. Hindi na ako pwedeng magpaloko. It’s a lesson for me. Pero paano ako magiging masaya ng hindi siya kasama? I can’t find happiness without him. That’s why.. I don’t want to loose him. Pero siya ang gumawa ng paraan para layuan ko siya. Bakit ba ako ganito?? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung babalik pa ulit ako, o magsisimula na lang ulit, dahil kahit pa saang daan ako tumingin, parang may pumupigil pa rin sakin para maglakad papunta doon.
Hyun Joong’s POV
May pupuntahan daw kaming boutique sabi ng manager ko. Hindi ko alam kung anong name ng boutique, wala na kasing time para magtanong. Ngayon din aalis na kami para pumirma sa contract for modeling na inilabas ng boutique na yun. Siguro nga, super successful na ng may-ari nun, kaya naman nakayanan na niya makipagtulungan sakin. I wish hindi siya si Sou Jin. Masyado pang konti ang 2 months para makalimutan niya ako. Kaya sigurado ako, hindi pa niya ako napapatawad hanggang ngayon. Nagulat ako ng huminto ang van sa may boutique ni Sou Jin. So... is destiny really wants to trick us? Hindi na umandar pa ang sasakyan. Akala ko pa naman nawalan lang ng gas or something. Hay nako. Anong mukang ihaharap ko sa kanya ngayon?
Sou Jin’s POV
May nagpark na kotse sa harap ng boutique. Hindi pa man nakakalabas ang mga tao doon, nagmadali na agad akong bumaba, para naman ako na mag-asikaso sa mga customers. Pagbukas ng guard sa glass door, nakita ko agad siya, nangunguna papunta sa loob ng boutique. Tinignan ko siya. My eyes are asking why is he here. Ayoko siyang kausapin. Sana lang magets niya yung gusto kong sabihin, sana lang sumagot siya. Unang nagsalita ang lalaking kasama niya, mukhang manager niya yun.
Manager: Hello, I’m Mr. Yang, manager ni Hyun Joong. We’re here to sign the papers for the modeling event kasama si Hyun Joong.
Ako: modeling event? I haven’t hear of that. By the way I’m...
Manager: Ms. Sou Jin right? Ibig mong sabihin hindi ikaw yung tumatawag sa amin??
Ako: wala akong tinatawagan na kahit anong management.
Biglang dumating si mama at sumali sa usapan.
Mama: I called them.
Ako: mama, bakit naman po??
Mama: oh dear, maybe its time para naman sumikat ka internationally. I think makakatulong sila. It’s your dream right?
Ako: but... Ma...
Mama: *tinigin kela Hyun Joong* ok, let’s proceed to the signing.
Hindi yan pwedeng mangyari. Hindi ako makakapayag na makasama ko siya. Ibang artista na lang please. Ayoko siyang makita araw-araw dito, sinusukatan ng mga damit na babagay sa kanya hanggang sa oras ng event. Ayoko na siyang maalala. Kinakalimutan ko na nga siya, tapos papahirapan ngayon? No Hyun Joong. You cannot sign those papers. Hinagip niya ako ng tingin, sabay punta papalapit kay mama. Sinundan ko siya ng tingin, pero hindi niya na ako tinignan ulit. Kinausap niya si mama at pagkatapos sumunod ito sa may office.
Hyun Joong’s POV
Sinundan ko ang mama ni Sou Jin. Habang naglalakad papunta sa office, pinipilit niya akong pirmahan ang contract. Her words are convicing, kaya napapirma niya ako. Isa pa, gusto din ng manager ko na pumirma ako dito. Iniisip ko din na pumirma ako para sa trabaho, at para na rin matulungan siyang lalo pang makilala, yun na lang ang paraan para maipakita kong nag-aalala pa rin ako sa future niya.