Sou Jin’s POV
Ako: ano bang —
Biglang lumapat ang labi niya sa mukha ko. Ang bilis. Sobra. Alam kong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Alam ko din na nanginig ang tuhod ko. Pati ang mukha ko naramdaman kong namula.
Ng matapos, isang malakas na sampal ang ang lumapat sa kanya. Buti nga. Pero ng makita ko ang mga taong nasa labas, nakita kong nag-iba ng expression ang barkada dun. Lalo akong nainis.
Ako: kung wala na kayong kailangan umalis na kayo.
*tinignan mula ulo hanggang paa* Tsaka ako umalis.
Hyun Joong’s POV
Huh. Tignan mo nga naman ang ginawa ng maangas na to sakin. Sales lady lang siya dito! (author’s note: hindi alam ni Hyun Joong na si Sou Jin ang may-ari ng branch na yun) Bakit ni walang ginawa ang manager?? Haaaay!!! Kainis na talaga siya~ Napahiya ako dun, pero kailangan kong makuha ang number niya in a nice way kaya umalis na ako. At sa oras na mabayaran na ako, parang nakaganti na din ako sa kanya.
Sou Jin’s POV
Habang nagpapahinga sa trabaho, tumawag yung importanteng customer ko. Dahil nga maarte at walang nagustuhan sa mga designs ko dahil simple lang daw, pinagawa ulit ako ng bago.
Customer: nasan na yung mga designs? 1 week na akong naghihintay dyan ah.
Ako: sir, actually, kalahati palang po yung nagagawa ko sa limang designs na gusto nyong ipagawa. Tsaka, nagbukas po kami ng bagong branch kaya hindi ko po naasikaso. Pwede pong next week na lang?
Customer: it’s a no no. Kung hindi mo kayang ibigay ngayon, then I’ll find a new fashion designer.
Ako: but sir—
Then he hunged up.
Hyun Joong’s POV
Lumabas na kami ng mall. Halos five hours din kaming nagpaikot-ikot dito. pagdating sa exit ng mall, nagsiuwian na ang barkada ni Jun Ho, pati siya. Naiwan ako dun sa tabi ng pinto. May nakita akong lalaking galit na nakikipag-usap sa phone, tapos galit niyang nihung ito.
Lalaki: ang gulo niyang kausap!
Bigla na lang itong lumapit sa akin at kinabog ang dibdib ko.
Siya: I don’t need it anymore.
Ng maalis ang kamay niya sa dibdib ko, lumipad ang isang piraso ng papel. Pagkapulot ko, nakita ko ang mga ito:
Kim Sou Jin
0948*******
Calling card pala. Bakit kaya walang occupation na nakalagay, o kahit picture man lang? Hay.