The Concert. . .

23 0 0
                                    

Hyun Joong’s POV

Jae Hwa: Malakas talaga tama mo sa friend ko noh?

Ako: huh?

Hindi ko inaasahang yun ang sasabihin sa akin ni Jae Hwa. After all, she’s Jun Ho’s girlfriend, kaya akala ko sinabi niya na. Pero oo nga pala, she’s also Sou Jin’s best friend. Tama. Hindi niya dapat malaman that I’m playing with Sou Jin.

Jae Hwa: my friend said so.

Hyun Joong: pero ano kasi eh...

Jae Hwa: and look. A week ago, you asked me to be with her on your concert. Tapos ngayon, gusto mong siya lang mag-isang pupunta dun. Kaya wag ka ng magkaila. May balak kang gawin sa kanya on stage noh?

Ako: wala ah. Ikaw lang nag-iisip niyan.

Jae Hwa: then, baki nga gusto mong magpunta lang siya mag-isa dun?

Ako: basta. Please. Tulungan mo na lang akong makapunta siya dun ng “mag-isa.” *pleasing look*

Jae Hwa: *deep inhale* ok fine. Pasalamat ka mabait ako ngayon Hyun Joong.

Ako: *big smile* well, thank you!

Nakahinga ako ng maluwang. At least, maitutuloy ko na ang plano ko. Tignan ko lang kung hindi pa siya ma-inlove sa “pa-humble” style ko sa concert.

Sou Jin’s POV

Ako: what? Kung hindi ka sasama, edi hindi na lang ako pupunta!

Hindi ako makapaniwala. Iiwan akong mag-isa ni Jae Hwa sa concert?! No way~ Hindi pwedeng ako lang ang pupunta dun, ayaw ko siyang makita.

Jae Hwa: I’m sorry. I will be busy for this month. Kaya hindi ako makakasama.

I think napipilitan lang siya, alam ko yun, kahit sa phone lang kami nag-uusap.

Ako: no. Ikaw nagyaya sa akin dun, kaya dapat mo akong samahan.

Jae Hwa: I’m sorry my friend. Pero, baka ako ang masisi pag pangit ang kinalabasan ang project na ‘to. Pero please pumunta ka. Inaasahan pa naman tayo dun ni Hyun Joong.

Ako: ewan ko kung pupunta pa ako..

I hunged up without a bye.

Hyun Joong’s POV

Concert day. Pumunta ako sa dressing room ng SS501 bago ang concert para magpaalam. Well, I have no choice but to do this. Nakasalubong ko si Young Saeng sa may pintuan, at sa kanya ako nagdahilan.

Ako: Young Saeng, hindi ako makakasama sa concert. Si mama, sinugod ulit sa ospital. Sabihin mo na lang sa iba. Please. I have to go.

Tumakbo ako agad palayo sa kanya pagkatapos nun. Ayokong mapigilan pa niya ako kaya ko yun ginawa. At least, narinig ko lang ang mga sigaw niya ng “Hyung!” pero wala na siyang magagawa kundi sabihin sa iba na hindi ako makakasama sa kanila. Pumunta ako sa tapat ng gate. Tour-like ang concert, kaya open arena ang venue. Inayos lang at nilagyan ng upuan. Tapos walang gate, pero may mga taong incharge sa pagtanggap ng tickets ng fans, nilagyan lang ng booth para sa tickets na yun. At siyempre by price pa din ang pwesto, hindi naman makakapayag ang agency na pare-pareho ang prices ng malapit at malayong upuan sa stage. Tumambay muna ako sa Mercedes Benz car ko at hinintay si Sou Jin. Sobrang nakakaboring palang maghintay. Ngayon lang ako naghintay ng ganito. Nagsimula na ang concert. Wala pa rin siya. I decided to move out of my car para naman makalanghap ng mas sariwang hangin. Bigla kong naalala yung fist time naming pagkikita. Sobrang galit ako sa kanya, hindi ko man lang napansin na maganda siya. Yung time na sinampal niya ako dahil hinalikan ko siya, hindi ko man lang napansin na sikat siya, kaya pala hindi nagalit yung manager sa kanya. Tapos kanina naman, si Jae Hwa. At ano naman kaya yung ibig niyang sabihin dun? That I’m absolutely in love with her friend? Kung alam niya lang, hindi niya masasabi yung mga nasabi niya kanina.Teka lang. Baka hindi na siya dumating. No. This can’t happen. Kailangan niyang dumating. Tumingin ako sa orasan. Past 10pm na pala. Wala pa siya. Ayoko na. Bakit ko pa kasi siya hinintay? This is crazy. Aalis na ko. Pupunta ako sa ibang lugar. Ayoko munang umuwi. Ayoko pa.

Sou Jin’s POV

Pumunta ako. Pumunta ako sa concert na yun. Ewan ko, pero parang makokonsensya ako pag hindi ko ginawa. Kaya nagpunta ako, kahit wala akong kasama. Tsaka, kailangan ko ding mag-aliw kahit minsan, para bawas stress. 10:35 pm, sabi ng wrist watch ko. Mukang kanina ko pa hindi tinitignan ang orasan. Nandito na ako sa labas. Nakita ko ang ticket booth, agad akong tumakbo papunta doon.

Hyun Joong’s POV

Binuksan ko ang pinto ng kotse, magdadrive na sana ng may nakita akong pahabol na fan. Lumabas ako ng kotse. Isinara ko ang pinto nito tsaka tumingin sa may booth. Nakita ko siya. Sabi na nga ba eh. Pupunta siya. Ng makapasok siya sa loob tsaka ako tumakbo at hinanap siya. Napakadaming tao, at halos kalahati ng muka ko ay dapat takpan para lang hindi makilala ng fans. Nakita ko siya sa may Lower Box part. Buti nalang medyo malayo sa mismong stage, kaya hindi ako makita ng members ko. Hay. In fairness, they’re doing good. Lahat ng fans napapasigaw nila, pati si Sou Jin na katabi ko na ngayon hindi man lang pinapansin ang mga katabi niya at sa harap lang ang tingin.

Sou Jin’s POV

Feel free lang ang pag-taas ng kamay at pagsigaw. Parang nawala bigla ang stress ko, as in wala akong iniisip ngayon kundi ang magsaya. Teka. Bakit wala si Hyun Joong? Akala ko ba member siya ng group. Ay hindi, leader “daw” pala. I wonder, bakit niya iniwan yung mga ka-grupo niya? May narinig akong sigaw... sigaw na mas malakas pa sa kahit kaninong fan dito sa kinauupuan ko ngayon. Tinignan ko kung sino yun, at nagulat ako kung sino ang katabi ko. Hindi ko naramdaman, pero bumaba ang kamay ko. Tumigil din ako sa pag-sigaw. Bakit wala siya sa stage? Bakit katabi ko siya ngayon?? Yun ang mga gusto kong itanong sa kanya ngayon pero masyadong maingay kaya hindi ko magawa.

Hyun Joong’s POV

Nakita niya din ako. *smile* Akala ko hindi na niya ako papansinin. Halatang ilang siya dahil katabi na niya ako, but who cares? Nagsmile ako sa kanya, na parang kakilala ko siya talaga, para mabawasan ang pagkailang niya. Pero no effect. Tuloy pa rin ang pagsusungit niya sakin. Hay. Ibang klase talaga ‘tong babaeng ‘to.

Sou Jin’s POV

At nakikitaas na din siya ng kamay ngayon? This is really foolish. He is acting as if he’s one of the fans? Eh siya pa nga ang naturingang leader. Lalo akong nailang, hindi lang yun, nainis pa ako sa mga ginagawa niyang smile sakin. Ayoko na. Gusto ko ng umalis. Hindi ko lang magawa, baka sabihin ng mga fans isa ako sa mga antis na gusto lang sirain ang concert. I dunno, pero hindi ko maiwasang tumingin sa kanya, at lalong hindi maiwasang magkasalubong ang mga mata namin. Pero lalo ko lang siyang sinusungitan sa twing napapatingin siya sakin.

Hyun Joong’s POV

Hindi ba niya ma-gets mga senyas ko?? I just want to say “please smile,” pero wala. Nakasimangot pa rin kapag tumitingin siya sakin. Hay ewan ko ba sa kanya, hindi ba siya makangiti ng natural pag kaharap niya ko? Kung hindi simangot, fake smile naman. Tumingin ulit siya sakin, at hindi ko napigilan ang kamay ko na humawak sa mukha niya. Alam kong nagulat siya, pero sa tingin ko mas lalo akong nagulat sa ginawa ko. This is... something involuntary. Ni hindi ko inisip na, “Hyun Joong hawakan mo mukha niya.” Ni walang pumasok sa isip ko na ganun. Bahagya kong ini-stretch ang cheeks niya, para mukang smiling face, tsaka ko sinabing, “smile,” kahit alam kong hindi niya maririnig. Kahit hindi niya gawin yun, ok lang, at least I did some effort para mapangiti siya sa gabing yun.

Sou Jin’s POV

Did he just say “smile?” Kasi yun ang nabasa ko sa mga labi niya. Bakit hindi ko na-feel ang mainis o magalit sa ginawa niyang yun? Parang... mas gusto ko pang ngumiti. Siguro kasi, hindi ako pwedeng magalit at mag-eskandalo dito. O kaya naman... nagawa niya lang talaga na pangitiin ako ngayong gabi. Siya pa lang ang kinaiinisan ko na nagawa akong pangitiin buong gabi. Mas lalo kong na-feel ang mga kanta nila, kahit wala siya sa stage, ramdam ko pa rin. Mas maganda siguro na nandun siya, pero ok na din at wala siya dun. At least, may pumalit sa BFF ko ngayon.

HYUN JIN SERIES book 1: LOVE FOR REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon