Brit:
Hi dear cous! I won't be around til midterm. I need to go somewhere but don't worry. I already talked to the profs and they all agreed to give me special exams to cope up and syempre a little of suhol. Lol am gonna miss you cous. I love you!I sighed. She had been MIA for weeks at ito lang ang tanging text na natanggap ko galing sa kanya. Seriously?!
Marami na akong naiipong kwento para sa kanya.
Race and I became much close everyday. Walang palya kung ihatid sundo niya ako from condo to school. Minsan kumakain kami sa labas kapag late ang practice nila.
Halos araw-araw ay kinikilig ako. Panu ba naman? Super gentleman and caring niya! Gusto ko na ngang isipin na girlfriend niya na ako eh.
Kung di nga lang bestfriend ang pakilala niya sa akin sa lahat ng kakilala niya.
I sighed again.
Medyo confused na rin si brain at heart. I do not want to out meaning on his actions pero may kakaiba talaga.
Ayaw niyang may tumitinging guy sa akin.
Ayaw rin niyang tumingin ako sa ibang guy.
One time muntik niya pang masuntok yung kapwa varsity player niya kasi gustong hingin ang number ko.
Oh di ba? Kilig to the max na sana, kaso bawing bawi nung sinabi niyang possessive siya sa mga kaibigan niya.
But eventhough ang hirap niyang i-spell, it does not change the fact na crush ko pa rin siya. Alam niya pero di siya nagte-take advantage.
Kung pagbabasehan ang mga nagawa niya from the past na na-witness mismo ng aking magagandang mga mata, eh himala na talagang di niya ako tinatalo.Baka talagang hanggang bestfriend lang ako. I pouted.
"Hey, what's wrong?" Nakakunot ang kanyang noong nakatitig sa akin. Nandito kami ngayon sa canteen ng school at naghihintay ng next class namin.
I pouted. "Di ka ba nagagandahan sa akin?" I asked him curiously. Mabuti nang magkaliwanagan. Alam niyo na, baka feeling maganda lang ako.
"What kind of question is that, Guevarra?" May konting iritation na sabi niya.
"Wala. Nevermind. Nga pala, nagtext na ang bruha kong pinsan. She will be gone daw for a month. Hanggang midterm daw. Ewan ko saan yun pupunta or anong gagawin niya sa kung saan. Nakakatampo nga eh. Super close kami tapos wala man lang proper explanation. Tsk." Naghihinampong sumbong ko kay Race. He won't mind naman siguro if I whine. Bestfriend ko naman siya, diba?
Mataman siyang nakatitig sa akin as if may gusto rin siyang sabihin ngunit pinipigilan niya lang. I eyed him intently pero umiwas siya ng tingin. At alam ko ang ganyang kilos. Ganyang ganyan si Britannica pag umiiwas sa isang bagay!
"You know something,Race?" Arok ko sa kanya. He cleared his throat.
"N-nothing. Baka busy lang talaga pinsan mo." Iwas niya sabay tingin sa relo.
"Tara? It's almost time. Hatid na kita sa room mo."Nagdududa man ay nagpatianod na ako sa hila niya. Agad naman niya akong inakbayan pagkalabas ng canteen. Maraming nakatingin sa amin pagkatapos ay pasikretong magbubulungan ngunit pinagkibit balikat ko na lang. Bahala sila sa buhay nila. Mamatay sila sa inggit.
Si Race Malenkov dela Cena ba naman ang kasama mo. For sure everyday ikaw ang laman ng issue!
Mabilis kaming nakarating sa room. Hinatid niya ako sa loob dahil siya ang may bitbit ng aking bag. Pinatong niya to sa desk ng aking upuan. Ang mga kaklase ko ay nakamasid lahat sa amin.
BINABASA MO ANG
Slave For Lust
RomanceRace Malenkov dela Cena is a man of power and women. He's never into serious relationship. He date girls under a contract. After a 100 days, terminated na ang kontrata then he'll choose a new one. Ganyan ang cycle ng kanyang buhay until he met sinfu...