Ilang araw akong inasar ni Race dahil sa lintek na halik na yun, that conclude my theory na hindi special para sa kanya ang halikan naming dalawa.
First kiss ko yun! Dapat under the mistletoe, or the moonlight or habang nasa ferris wheel yun nangyari.
That's how I dreamed of it!
Pero dahil likas na balahura si Race, ninakaw niya ang moment na yun!
And worst, imbes na that's wonderful.. or i love you ang maririnig ko after that kiss eh lasang burger pa ang nasabi niya. Urrgh!
"Galit ka na naman diyan, Guevarra. Smile na please?"
And yes,nandito na naman po ang asungot na to. Ginugulo na naman ako!
"Pwede ba, lubayan mo nga ako kahit ngayong araw lang!"
Kailangan ko ng kapayapaan dahil exam ko ngayon sa major subjects ko.
"Ang hard mo sa akin since that kiss.." he even pouted na ikinatirik naman ng mga mata ko.
"Kung wala kang magandang sasabihin, better back off. Beast mode on ang peg ko ngayon."
"Why? May monthly period ka ba?" Inosente nitong tanong.
At kating-kati na akong hampasin siya ng librong hawak ko.
I kept my mum and pretended na wala siya sa tabi ko. Nanahimik na lamang din siya at kinalikot ang cellphone niya.
Masyado akong naging abala sa pegre-review at sandaling nakalimutan na may kasama pala ako.
Humiwalay ako kila Brit dahil maiingay sila. Di ako makapagreview ng maayos.
Na medyo pinagsisihan ko dahil kung di ako humiwalay sa kanila, di rin sana makakalapit tong si Race.
Ewan ko ba, pero iniiwasan niya talaga si Britannica.
Biglang may nagpoke sa cheeks ko.
Magagalit na sana ako nang mapansing gahibla na lamang ay mahahalikan na naman niya ako.
Biglang bumilis na naman ang tibok ng libog ko.. este ng puso ko.
I was captivated by his expressive eyes. Na tila ba inaakit akong mas lumapit pa.And I really don't know what got into me pero mas inilapit ko pa ang aking mukha.
Later then that I realized, I kissed him.
I fvcking kissed Race dela Cena!
Smack lang pero napamulagat ako sa ginawa. Ramdam kong pulang-pula ako sa kahihiyan.
He looked shock too. Matagal ang katahimikang namayani bago ako nagsimulang magligpit ng mga gamit.
Tumikhim ako.
"Uhh.. una na ako. B-bye." Nabubulol pa ako. Shems Hiraya, compose yourself!
Pero bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang aking kamay. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.
"Let's go." At iginaya niya na akong magsimulang maglakad. Naguguluhan man sa inaakto niya, nagpatianod na lamang ako.
I don't wanna break the magical moment.
It felt surreal at kung panaginip man to, ayoko munang magising. At least not yet.
Dahil alam kong mapait na katotohanan ang bubulagta sa akin once I stop dreaming.
Race will never be mine. But I will always be his.
I sighed.
Pagdating sa room ay naroon na sila Brit. They looked at us, then on our intertwined hands. Brit raised her brow. Una akong bumitiw at humarap kay Race.
BINABASA MO ANG
Slave For Lust
RomanceRace Malenkov dela Cena is a man of power and women. He's never into serious relationship. He date girls under a contract. After a 100 days, terminated na ang kontrata then he'll choose a new one. Ganyan ang cycle ng kanyang buhay until he met sinfu...