Lust Thirteen

3.5K 70 8
                                    

Thanks refsraL22 for reading my story. :)
※ ※ ※ ※

I was once invisible. I lived a normal life out from my family's shadow. I get to do what I want, free from criticism and insults from haters.

Now, everything is a chaos. My life started to get messy. Just because I fell inlove.

Nakauwi ako ng condo na wala sa sarili. I can't even remember how I got here. Lumilipad ang aking isipan.

What if I give him  benefit of the doubt?

Pero kasi..
Proofs are all over. I even witnessed it myself. Pero bakit ganun? I have been stalking him since I got a crush on him and yet, ni hindi ko man lang naisip alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Halos lahat ng estudyante sa university ay alam ang tungkol dito. And I remained clueless.

And my friends.. my cousin.. knew it all along.

Dumapa ako sa aking kama at dinamdam ang sakit ng katotohanan.

I stopped crying. Wala rin namang maitutulong ang mga iyak ko. Mamaga lang aking mga mata. Ikaka-pangit ko pa.

My phone rang and saw Brit's number.

I declined it. Gusto kong mag-moment alone. Ayoko ng istorbo.

I looked at my own freedom board. Puno ng pictures ni Race at latest pictures na magkasama kaming dalawa. Tumayo ako at tinitigan ito.

Kung titignan, parang may storya ang bawat kuha ni Race dito. Yung mga stolen shots.. mga panahong tinatanaw ko lang siya mula sa malayo.. yung existence ko sa buhay niya eh unknown pa.. hanggang sa nagkakilala kami, naging magkaibigan.. at humigit pa.

Tatlong taon mahigit na paghanga and finally napansin..

Nagmahal.
Umasa.
Nasaktan.

Dali-dali kong pinahid ang isang takas na luha at binaliktad ang board.

I should stop this madness.

~^~
I woke up the next day feeling lighter.
Bumangon ako at agad na nagtungo sa kitchen dahil kumakalam na ang sikmura ko.

Di kasi ako nakapag dinner kagabi. So much of sulking.. feeling hiniwalayan ng jowa ang peg ko kagabi. Kaloka.

Naabutan ko si Brit na naghahanda ng tuna sandwich at kale for breakfast.

"Hi cous! Ang aga mo ata ah?" Bati ko sa kanya.

"Ay kabayo! Bakit ka ba nanggugulat?!" Nabigla siguro siya sa pagsulpot ko sa kanyang tabi at muntik na niyang mabitawan ang tasang hawak.

"Gulat ka diyan. I just greeted you! Wag ka na nga magkape. Nagiging kabado ka na oh." I teased.

Tinitigan niya ako na parang sinusuri niya ang aking muka. I raised my brows at her.

"What?"

Umiling siya. "Nothing. I forgot. Ikaw nga pala si Hiraya Guevarra. Ang mas logical at matinong mag isip sa ating dalawa. So I won't ask if you're okay na. Parang wala nga lang nangyari kahapon eh." Litanya nito na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib.

I pouted. "What's the use of sulking pa eh di naman nito mababago ang situation. Duh? Di ko naman yan ikakaganda. And besides, kasalanan ko rin naman. Masyado akong na-carried away sa feelings ko para kay Race. At saka hoy, alam mo naman pala yung about sa contract thingy eh, di mo ko sinabihan!" Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.

Yes, yes. Ako na ang magaling magpretend. Eh sa ayoko magmukhang talunan eh.

She sighed. "Lately ko lang nalaman. Kaya nga umuwi na ako agad when I learned na close na kayo ni dela Cena. Ilalayo na dapat kita sa kanya pero..

Slave For LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon