Lust Thirty Four

2.6K 60 43
                                    

Nanggagalaiti akong umuwi ng penthouse.

"Arrrgh! What the fvck is he thinking?! " pertaining to Hideo. Agad akong pumunta sa bar counter at kumuha ng isang bote ng red wine. Agad ko itong isinalin sa baso at inisang lagok lamang ito. Plano kong magpakalasing buong magdamag sa sobrang frustration! I never thought na makikita ko pa siya. At kung oo man, eh hindi agad-agad! Ang excited naman ni tadhana oh!

But a CEO of an Aviation Company? A well known pilot? Hmm. That's weird. Sa pagkakaalam ko, aside sa drug syndicate ng papa niya, eh nasa finance ang line of business nila. Kaya nga business ad ang course niya diba? O baka dahil yun ang business ng napangasawa niya? Teka, bakit ko pa ba iniisip yun? Wala na akong pakealam sa kanya! Grrrr!

Naggigigil na nilaklak ko na naman ang isang baso ng wine.

Pero paanong nangyaring nagkasundo sila ni Juan Hideo? The last time I checked, ayaw sa kanya ng pamilya ko. Anong nangyari?

Isang lagok na naman ng alak.

At diba, kaya lang siya lumapit sa akin dati ay dahil kailangan niya ako para makapasok sila sa Monteritz Empire? At alam ng pamilya ko yun. Pero bakit hinayaan nilang maging bahagi siya ng kompanya?

Sa sobrang dami ng iniisip ko, di ko na namalayan na halos maubos ko na pala ang isang bote. Nakaramdam na ako ng konting hilo at padabog na nahiga sa aking couch.

Dahan-dahan kong inalala ang muli naming pagkikita.

His face.. Though quite matured, ay ganun pa rin. Walang pinagbago. He still got those tantalizing eyes na para kang natutunaw kapag tinititigan ka. Those pointed nose, those pinkish kissable lips. Ganung-ganun pa rin.

"Tsss. Pangit pa rin siya. Pangit! Pangit! Pangit! " And even with the grogginess, I can still remember the pain I felt three yeara ago. Tears escaped from my eyes. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

~¤~
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napadilat ako at napatingin sa paligid. Bigla akong bumangon ng na-realize na nasa sahig na ako. At sa biglang pagbangon ko, sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at muling naupo. Nahulog aiguro ako sa couch dahil parang masakit ang aking balakang. I slowly rose up to make myself a cup of black coffee. Pampawala ng hangover. Pagkatapos ay uminom na ako ng gamot.

Bumalik ako sa sala at napansin ang cellphone kong umiilaw.

+639990000000 calling...

"Who the hell is this? "

Agad kong ni-reject dahil di ko ugaling sumagot o magreply sa mga unknown number.

35 messages. Nanlaki ang mata ko sa dami ng messages. Agad ko itong binasa and mostly ay sa mga pinsan ko at kay Juan Hideo.

Juan Hideo:
I'm sorry, princess. Let's talk. Pls.

Juan Hideo:
Kumain ka na ba? Pls text back. I'm worried.

Juan Hideo:
I can explain everything. Hear me out first..

Dinedma ko na ang iba pang text niya. I even blocked his number! Serves him right! Hmp!

Pero may texts pa na galing sa unregistered number ang nakakuha ng atensyon ko.

+639990000000:
Guevarra..

Agad nanlaki ang aking mga mata. Somehow, I already have a hint kung sino ang kumag na to!

+639990000000:
Your brother is worried sick.

+639990000000:
It's been three years, Guevarra. You still hold that grudge huh?

The fvck?! At anong gusto niyang iparating? Na masyado akong bitter?!

Slave For LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon