Lust Twelve

3.2K 62 3
                                    

Thanks for adding this in your reading list. :)

~^~
Natapos ang exam week ng matiwasay. Hindi rin ako masyadong kinukulit ni Race nitong mga nagdaang araw. Pero araw-araw naman siyang nagte-text at tawag para mangamusta at alamin ang ginawa ko for the whole day. After that day, masyado na siyang naging sweet sa akin. Alam kong nasa next level na kami. Lumagpas na kami sa friendship line pero wala pang label. Mutual Understanding? Siguro? Di rin naman ata siya nanliligaw. Di pa siya humihingi ng permiso eh. Sigh.

Busy na sila sa practice dahil malapit na ang district basketball game. Habang kami naman ay inuumpisahan na ang decors para sa aming Fashion Week.

"Grabe! Stressful pa rin pala kahit pinaghandaan na natin to!" Bulalas ni Ellie, sabay pahid ng namumuong pawis sa kanyang noo.

"Yeah, pero atleast organized tayo dahil alam na natin ang mga dapat gawin." Komento ni Rhea.

"Guys, sorry.. may problema ata.." nagkakamot ang ulong bungad ni Bryan. Hinihingal ito at halatang tumakbo mula sa kung saan man siya galing pabalik dito.

Kumunot ang aking noo. Problema? Oh no please.

"Anong problema?" Tanong ko.

"K-kasi.. kasi ano.."

"Anong kasi ano? Sabihin mo na nga!" Iritableng tanong ni Brit.

"Nagback out ang dalawang models natin. May offer daw sila out of town." Dire-diretsong sabi ni Bryan.

"What!?" Sabay naming sigaw.

"Those btches! How could they do that? May commitment sila sa atin!" Galit na sambit ni Brit.

"Those are just words, Brit. Wala silang pinirmahang kontrata." Bigong sabi ni Ellie. I sighed. Yun ang na-overlook namin. Akala ko kasi hindi na kailangan dahil mga kapwa students lang din naman namin sila. They'll be given incentives pero di naman kalakihan dahil galing lang naman to sa fund ng department.

And they are part time models. Trabaho nila yun at may malaking offer kaya sinunggaban na siguro nila.

"Let's not panic, okay? Maghanap na lang tayo ng replacement. I'm sure marami pa namang iba dyan." I calmly said.

"Pero Miss Pres, two days na lang at Fashion Week na. Di rin tayo pwedeng kumuha ng outsiders dahil labag sa rules." Sagot ni Rhea.

"Pero we should try to look pa rin. At ikaw Bryan, dahil sayo nakatoka yan, ikaw ang maghanap!" Utos ni Brit kay Bryan. I mentally rolled my eyes. Kahit kelan talaga, napakabossy ng babaeng to.

Tumango si Bryan at agad na umalis.
"We're almost done here. Mamaya ise-set up na ang stage extension para sa rampa pero di pa natin to made-designan dahil may rehearsal pa tomorrow." Pagche-check ni Ellie sa to do list namin.

"Mamaya na yan Ellie. Lunch muna tayo. Gutom na ako eh. Okay lang ba Miss Pres?"paalam ni Rhea sa akin.

"Tara, sabay na tayo. Gutom na rin ako." Reklamo ko sabay kuha sa bag ko at ganun din ginawa nila.

Lumabas na kami ng Auditorium at naglakad papuntang cafeteria. Dito na namin napagpasyahang kumain dahil gutom na talaga kami.

Nabigla ako ng may biglang umakbay sa akin.

Napatingin ako dito at napasimangot ng nakilala kung sino to.

"Steve.. what are you doing?" Tanong ko rito.

Classmate namin siya sa isang minor subject namin. And we hate him dahil masyadong mayabang. Yes he's gwapo and mayaman pero annoying pa rin siya.

"Aww, namiss mo na ako niyan, Hira?" See? Yabang ampota.

Slave For LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon