Part 1

2K 63 13
                                    

"Sir Bryan?"

Mula sa pagbabasa ng diyaryo ay napa-angat ang mukha ni Bryan Santillan sa katulong na si Rita.

Nasa dining area ang lalaki.

Sa harap ng mesa nakahain ang breakfast pero nagkakape lang ito habang nagbabasa.

"Bakit?"

"Nanriyan ho kasi si aling Guada at iyong anak niyang si Liam. Gusto raw ho kayong makausap"

Bumukas ang poot sa mukha ni Bryan.

"Walang akong panahong makipag-usap sa kanila kaya paalisin mo na agad sila Rita"

"P-pero, Sir, ang sabi ho ni aling Guada hindi raw ho sila aalis hanggat hindi nyo sila hinaharap na mag-ina. May dala pa nga ho silang kakanin Sir"

"Paalisin mo na sila, Rita. At huwag kang papayag na iwan nila rito ang dala dala nilang basura, maliwanag ba?"

"o-oho Sir"

Papasok noon sa kusina si Mrs. Lorraine Santillan,

ang mabutihing ina ni Bryan kaya narinig nito ang mga sinabi ng anak.

"Bryan, anak, why don't you talk to them? Kaya sandali lang ay harapin mo sila"

"Why should I?"

"Iho, nagpunta sila rito na walang intensiyong masama. Gusto ka lang nilang maka-usap"

"Para ano pa, Mama? Ayoko silang maka-usap, ni ayaw kong Makita ang pagmumukha nila lalo ng batang iyon!" galit na wika ni Bryan

Napa-buntong hininga si Mrs. Santillan.

"Ok, ako na lang ang bahalang makipag-usap sa kanila"

Inis na ibinalibag ni Bryan ang diyaryong hawak. Natarantang pinulot iyon ni Rita.

Mula nang madisgrasya ang amo nilang si Bryan na bunsong anak ng mag-asawang Richard at Lorraine Santillan ay naging napakasungit na nito at parang galit sa mundo.

Nang lumabas mula sa kusina si Bryan habang may tungkod na dala ay nag-alalang sinundan ito ng tingin ng katulong na si Bryan.

"Si sir Bryan?" tanong ng kasamang katulong na si Lydia kay Rita.

"Pumunta na siguro sa kuwarto. Umalis na sa kusina, eh"

"Hindi kumain ng almusal"

Umiling si Rita.

"Hindi, eh. Galit na galit na naman. Dumating kasi kanina iyong mag-inang aling Guada at Liam. Gustong makausap si sir Bryan pero hindi nito pinagbigyan. Nakiusap na nga si Senyora Lorraine pero ayaw pa rin ni sir Bryan"

"Matindi talaga ang galit ni sir Bryan. Kahit naman sino ay magagalit sa nangyari, di ba? Muntik na siyang mamatay sa aksidenteng iyon"

"Pero hindi naman kasalanan iyon noong bata. Kaya nga tinawag na aksidente, di ba?" katwiran naman ni Rita.

"Kunsabagay" sambit ni Lydia

"Pero hindi pa rin naman dapat sisihin si sir Bryan kung maging bitter man siya"

"Paano kaya sila Manang Nena, iyong iba pang katulong at si Lito na kasama ni sir Bryan sa bahay nito, ano? Pihadong lagi silang nasusungitan ni sir Bryan. Tayo na nga lang na ay hindi nakakaligtas sa kanya kahit na minsan minsan lang siyang naririto sa bahay ng mga magulang niya, di ba? Iyon pa kayang kasama niya parati?" Litanya ni Rita

"At sigurong mamaya pag-uwi ni sir Bryan sa bahay niya ay makakagalitan niya ang mga iyon dahil itinuro nila sa mag-inang Guada at Liam na, naririto si sir Bryan"

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon