Part 7

994 50 7
                                    


"SIR—"

Biglang napaatras si Christy at nagtakip ng mga mata nang mapasukan niya si Bryan sa kuwarto na underwear lang ang suot.

"What the hell—"

"Naku, sir. Sorry ho" tarantang sabi ni Christy bago siya tumalikod. Pero hindi pa rin siya lumabas sa silid na iyon.

"Hindi k aba tinuruan sa inyo kung paano kumatok? Wala kang modo. Basta ka na lang pumasok sa kuwarto ng may kuwarto!"

"Sorry ho, sir. Excited lang ako kasi—"

"Get out"

"Sorry ho talaga, sir. Hindi na ho mauulit"

"I said. Get out!"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas ng silid na iyon si Christy. Pagkalabas ay narinig niya pang may ibinato si Bryan sa pinto.

Buti na lang nakalabas siya agad. Paano na lang kung tinamaan siya ng ibinato nito?

Nerbiyos na nerbiyos siya nang pumasok sa kabilang kuwarto, sa bedroom niya. Magkatabi lang ang kuwarto nila ni Bryan. Sa hilerang iyon sa left wing ay napapagitnaan siya ng bedroom ng lalaki at ng bathroom sa second floor.

Humiga sa kama niya si Christy, humihingal pa rin sa sobrang nerbiyos.

Ang laki pala ng katawan ni Bryan lalo na kapag naked.

Nang maalala niya ang pamumula ng mukha kanina ng lalaki ay lalo siyang napangiti.

Batid niyang hindi lang dahil sag alit iyon kundi dala na rin ng embarrassment dahil nakita niya na ang katawan nito. Sayang nga lang at hindi niya nakita iyong pinakaimportante. Sana'y wala nang maipagmamalaki sa kanya ang lalaking iyon.

Bandang huli'y pinagalitan ni Christy ang sarili.

------------

Day-off niya no'n kaya nagmamadaling pumasok sa banyo si Christy upang maligo. Bago siya maglamyerda ay dadaan muna siya sa bahay ni Mrs. Santillan at isusumbong niya ang kasungitan ng boss niya. Saka kukunin na rin niya ang unang sweldo. Nag-usap na sila ni Mrs. Santillan kahapon sa telepono. Ngayon na raw siya nito susuwelduhin maski na nga makalawa pa dapat ang araw ng sahod niya.

Buti na lang at mabait ang parents ni Bryan.

Bakit kaya hindi nakamana ang lokong iyon sa mga magulang maski na kaunti man lang kabaitan?

Sandali lang siyang nagbabad sa tub. Umahon na siya at nagpunas ng katawan. Mabilis siyang nagsuot ng pang-ibabang underwear. Pagkaraa'y tinuyo niya ng tuwalya ang basing buhok.

Sino ang magsasabi mahirap lang siya at galling sa baryo Initao? Eh, buhay-mayaman siya rito sa Manila. Kaya nga lang kailangan niyang pagtiisan ang kasungitan ng amo niya.

Aabutin na lang sana ni Christy ang kanyang bra matapos bitiwan ang tuwalya sa ibabaw ng lababo roon nang biglang bumukas ang pinto sa banyo at pumasok si Bryan.

Napatili siya.

Natigilan naman si Bryan pagkakita sa kahubaran niya. Hindi agad ito nakakilos sa kinatatayuan.

Ang tagal bago naisipan ni Christy na damputin ulit ang tuwalya na binitawan niya kanina at takpan ang dapat niyang takpan.

"B-bakit ka pumasok dito, Sir?" nanunuyo ang lalamunan na tanong niya sa lalaki.

"Sira ang shower sa bathroom sa kuwarto ko kaya dito sana ako magsi-shower..."

"Lumabas ka na, Sir"

"Ha?"

"Sabi ko lumabas ka na. O, gusto mong batuhin din kita gaya ng ginawa ko sa iyo?"

"It's your fault. Hindi ka nagla-lock ng pinto. Ano ba'ng malay ko kung may tao rito?"

Nang lumabas si Bryan ay nanlulumong napasandal sa dingding ng banyo ni Christy. Ang hudyong iyon, nakita na siya ng walang saplot maliban sa kanyang panty!

------------

Pumasok si Bryan sa kuwarto. Humihingal siya at ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya nang maupo sa kama. Sa wari'y may nag-uumalpas ng galit sa katauhan niya.

Pinakiramdaman niya ang sarili.

Napapikit siya.

Hindi niya akalaing ganoon kaseksi si Christy. Hindi niya inaakalang napakaganda ng hubog ng katawan nito at napakakinis ng kutis. Hindi na kailangan ng doktor para gumanda.

Natatandaan niya, regular na nagpupunta sa beauty expert si Patricia para mapanatili ang ganda ng katawan nito, ang ganda ng kutis.

Naiinis si Patricia kapag nagkakaroon ito ng pimples. Takbo na agad ito sa doktor. Ang dami-daming ipinahid na kung anu-ano sa mukha at buong katawan. Lagi niya pa nga ng binibiro si Patricia no'n na kahit hindi ito gumastos ng malaki sa pagpapaganda at maski kumulubot na ang balat nito'y mamahalin pa rin niya ang nobya.

Pero hindi iniintindi iyon ni Patricia. Mas gusto pa rin nitong maganda sa paningin niya, ng sarili nito at sa paningin ng lahat ng tao.

Pero si Christy ay walang pera para gawin iyon.

May kumislot sa kanyang kamalayan nang maalala ang nakita niya kanina.

Pakaraan ay bahagya siyang natawa nang maalala na tulad niya'y nasilipan na rin siya ng dalaga. Nagalit siya kay Christy no'n. Pero kanina'y mas hiya ang nakita niyang reaksyon ni Christy nang ito naman ang masilipan niya.

Araw ng Linggo iyon kaya hindi pumasok sa office si Mr. Santillan nang magtungo si Christy sa bahay ng parents ni Bryan.

Agad na iniabot sa kanya ni Mrs. Santillan ang sweldo niya. Limang libong piso iyon. Wala naman siya gaanong ginagawa at libre pa pagkain at tirahan.

"Kumusta naman ang trabaho mo, iha?" nakangiting tanong ni Mrs. Santillan matapos siya nitong abutan ng isang basong juice.

Nagtataka siya kung bakit sa study room na naman siya inientertain ng mag-asawang samantalang puwede namang sa sala na lang.

"Okay lang ho, Mrs. Santillan. Mahirap ho sa simula pero tinuruan ho ako ni sir Bryan. Madali naman ho akong matuto saka masungit ho iyong nagtuturo sa akin kaya kailangan ay initindihin ko agad ang itinuro niya kung hindi ay baka batukan ako"

Napangiti ng maluwang si Mrs. Santillan gayundin si Mr. Santillan.

"Noon nga hong isang lingo ay bigla akong pumasok sa kuwarto niya. Nakalimutan ko ho kasing kumatok matapos kayong tumawag sa akin. Eh, nagbibihis ho pala si sir Bryan kaya naka-brief lang nang mapasukan ko. Galit na galit ho sa akin dahil nasilipan ko siya. Pagkalabas ko'y narinig ko pang may ibinato siya sa pinto"

"Tapos hindi ko ho alam kung gumanti siya kanina dahil ako naman ang sinilipan niya. Naka-bold ho ako ng pumasok siya sa banyo" mahabang sumbong pa ni Christy sa mag-asawa 








ABANGAN.....

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon