Matapos mahatid ni Bryan ang magulang sa labas, tinawag niya ang katulong sa na si manang Nena para samahan si Christy sa kanyang tutulugan. Pagkatapos umalis na ito. Kinakabahan na i-excite ang nararamdaman ni Christy dahil bukas ang umpisa ng trabaho niya, pinapanalangin niya na sana maging maganda ang unang trabaho niya bukas.Pero hindi sumang-ayon ang kapalaran.
"Hindi ka marunong gumamit ng Fax machine?!" singhal ng lalaki kay Christy
Bigla tuloy ninerbiyos ang dalaga. Sa itsura ng boss niya ay parang gusto na siya nitong lunukin ng buhay.
Kaya lang ay hindi naman siya ang tipo ng tao na madaling magpadala sa takot niya. Malakas ang loob niya. Kaya nga siya nakarating dito sa Manila ay dahil sa tapang niya.
"Hindi nga ho, Sir. Kung marunong ba ako magpapaturo pa ako sa inyo kung paano iyang gamitin?" papilosopo niyang sabi
"Nag-apply kang personal assistant ko nang hindi ka marunong man lang gumamit ng fax machine? Baka hindi ka rin marunong gumamit ng computer?"
"Hindi nga ho. Kasi'y wala naman fax machine at computer sa Baryo Initao. Masyado nang liblib ang baryong pinanggagalingan ko. Sa bayan meron pero sa amin, kalabaw at mais ang marami. I'm sure dito ay wala no'n"
Inis na tinabig ni Bryan ang flower vase at nahulog iyon sa sahig. Mabuti na lang at carpeted ang kabuuan ng sahig kaya hindi ito nabasag. Ang cute pa naman ng vase.
Agad na pinulot iyon ni Christy.
"Umalis ka na"
"Ho?"
"Sabi ko umalis ka na. Bumalik ka na kung saan mang lupalop ka nanggaling. Hindi ko kailangan ng sekretaryang BOBA!"
Aray ko! Ang sakit no'n ah!
Tumayo agad si Christy.
"Ang sakit n'yo namang magsalita, sir Bryan. Para sabihin ko sa inyo walang taong BOBO. Dahil ang lahat naman ay natutunan. Wala lang fax machine at computer sa amin kaya hindi ako marunong gumamit niyan" tiningnan niya ang bagay na tinutukoy....nagpatuloy ulit siya
"Pero kung meron at nakahawak na ako ng mga iyan, tinitiyak ko sa inyong mas magaling pa ako'ng gumamit niyan kesa sa inyo!" inis na saad ni Christy
Nagngingitngit talaga siya ng mga sandaling iyon.
"Ang akala mo'y ang tali-talino niya, hindi ka nga makalakad ng diretso diyan" bubulong-bulong na sabi ni Christy
"Ano'ng sinasabi mo?" naniningkit ang mga matang tanong ni Bryan sa dalaga
"Wala ho, Sir. Ang sabi ko turuan n'yo muna ako ngayong araw kung paano gumamit ng fax machine at ng computer. Madali ho akong matuto"
"Kapag bukas ay hindi pa ako marunong mag-operate ng dalawang iyan, saka n'yo na ho ako paalisin"
Napabuntong-hininga si Bryan.
"Okay, you win. Tuturuan kita ngayon. Pero bukas kapag nakatunganga ka pa rin diyan ay kakaladkarin kita palabas ng bahay" pagbabanta niya ito
"Deal" mabilis na pasang-ayon ni Christy sa lalaki
Bahagyang kumunot ang noo ni Bryan. Sa wari'y nagtataka ito sa dalaga. Si Christy lang kasi ang namumukod-tanging hindi nangingilag sa kasungitan niya.
Napansin din niyang hindi siya nito tinitingnan na parang naaawa sa kanya. Sa palagay pa nga niya sa tuwing titingnan sa kanya ang dalaga ay parang may crush ito sa kanya.
Gustong matawa ni Bryan sa sarili.
Sa kalagayan niya ngayon, maski ilan pa ang babaeng magkagusto sa kanya ay wala ring epekto sa kanya. Mawawalan lang ng gana ang babae at iiwan siya kapag nalamang impotent siya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Masungit
RomanceAng akala ni Christy ay hindi na siya makakatakas mula sa BARYO INITAO. Noon niya pa gustong-gustong makarating sa Manila, makapagtrabaho rito at umasenso. Kaya naman talagang nag pursige siyang makarating sa Manila. Pero pagdating niya sa lungsod a...