Part 8

1K 46 2
                                    

Hindi napigilan ni Mr. Santillan na matawa ng malakas. Pagkaraan ay may naisip ang lalaki.

"Papayag ka kaya, iha, kung uutusin kitang akitin mo si Bryan?"

"Ho?" nagulat talaga si Christy sa sinabi ni Mr. Santillan pero nang Makita niyang nakangiti ito ay batid niyang nagbibiro lang ang lalaki.

"Richard, ano ba iyang pinagsasabi mo?" saway ni Mrs. Santillan sa asawa.

Pumormal si Mr. Santillan.

"I'm serious, Lorraine. Gusto kong bumalik ang pagiging normal ni Bryan. Gusto kong mawala ang bitterness niya, magkaroon na siya ng asawa, ng anak"

"Pero por Dios, bakit naman si Christy? Maawa ka rito sa bata. Kung anu-ano iyang iniisip mo"

"Dahil si Christy lang ang nakakalapit kay Bryan maliban kay Nena at Ivy"

Natitilihan si Christy sa mga naririnig niya.

Nalilito siya.

"Papayag ka ba, Christy na tulungang bumalik sa normal ang buhay ng aking anak?"

"P-papaano, ho?"

"Akitin mo siya. Baka babae lang ang kailangan niya para manumbalik ang lahat. Nakapagtataka kasi na hindi pa gumagaling si Bryan kahit na may gamut na ibinigay sa kanya ang doktor." Napaisip si Mr. Santillan

"Hindi ka naman magiging agrabyado, Christy. Kapag nagawa mong pagalingin ang pagiging impotent niya ay bibigyan kita ng malaking halaga. Kalahating milyon"

Napaawang mga labi ni Christy sa narinig.

Kalahating milyon?

"B-bakit ho napakali naman yata?"

"Dahil nakasalalay dito ang kaligayahan ng aking anak, ang buhay niya. kulang pa nga ang kalahating milyong kung tutuusin. Pero hindi mo naman kailangan ipagkaloob ang iyong sarili kay Bryan. Buhayin mo lang ang kanyang pagkalalaki, sapat na iyon"

"Richard, ako ang kinikilabutan sa pinagsasabi mong iyan"

"Ginagawa koi to para kay Bryan, Lorraine"

"P-paano ho kung may nangyari? Paano naman ho ako"

"Saka na natin problemahin ang tungkol do'n"

"Payag ho ako" napalunok pang sabi ni Christy kay Mr. Santillan

"Talaga, iha?"

"Oho. Pero pwede ho bang dagdagan n'yo ang magiging kapalit nito kung sakaling magawa ko ang ipinagagawa n'yo?"

"Magkano ang gusto mong idagdag ko, iha?"

"Hindi ho pera, Mr. Santillan. Ang isa pa hong ipinunta ko rito sa Manila ay upang makilala ko ang tunay kong ama. Gusto ko ho siyang makilala"

"Gusto mong ipahanap ko siya?"

Tumango si Christy.

"oho"

"Ano ang pangalan niya?"

"Ang totoo ho'y hindi ko alam ang pangalan niya. Namasukan ho ang nanay ko rito sa Metro Manila. Sa may Murphy ho. Isa hong Filipina na nakapag-asawa ng Intsik ang naging amo niya. Joyce ho ang pangalan ng babae at Mario Tan naman ho iyong lalaki. Taga-Samar ho iyong Joyce at Arazo ho ang apelyido nito noong dalaga pa"

"Nabuntis ho ang nanay ko at umuwi sa amin pero hanggang sa mamatay siya sa panganganak sa akin ay wala siyang binanggit kung sino ang nakabuntis sa kanya"

"Ano ang pangalan ng iyong ina, Christy?"

"Elena Sanchez ho"

Tumango-tango si Mr. Santillan

"Sa impormasyong mga sinabi mo'y baka madali nating matunton ang tunay mong ama. Sige, magha-hire ako ng isang magaling na detective para makilala mo kung sino ang iyong ama"

"Salamat ho, Mr. Santillan"

==========

"Sabi ko nga ba't may gusto ka sa akin kaya ang sungit-sungit mo kunwari" nakalabing sabi ni Christy sa kanya.

Ngumiti si Bryan saka niya kinabig ang dalaga kaya napunta ito sa ibabaw niya. Saka niya hinalikan ito sa labi.

Ang akala niya'y inosente pa si Christy sa gaanong bagay pero nagulat siya nang tugunin nito ang halik niya.

Lalo pa siyang nagulat nang pagapangin ni Christy ang isang kamay nito mula sa braso niya patungo sa kanyang dibdib, sa tiyan at doon sa sugpungan ng kanyang dalawang hita.

Umangat ang katawan ni Christy at dinampi-dampian siya nito ng masusuyong halik sa baba. Sa ilong, sa labi na para siyang tinatakaw. Parang sadyang nanunukso ang mga halik nito.

Nang hindi na nakatiis si Bryan ay bumalikwas siya ng higa at napasailalim niya ang dalaga. Pinaliguan niya ito ng halik sa mukha. Dinama niya ang dibdib nito at masuyong hinaplos-haplos.

Pero bago pa niya naisakatuparan ang nais ay bigla na siyang nagising.

Gigil na gigil si Bryan at pawisan nang pabiglang bumangon sa kama.

Panaginip lang pala.........

Pero bakit ganoon? Parang totoo niyang naramdaman kanina ang paninindig ng balahibo?

Napabuntong-hininga si Bryan bago lumabas ng silid.

Pumanaog siya sa kitchen pata uminom ng tubig.

Nagkagulatan pa sila ni Christy na noo'y kadarating lang at sa pinto sa kusina dumaan.

"Ngayon ka lang dumating?" tanong ni Bryan

"Oo sir" sagot ni Christy bago tiningnan ang oras sa suot na relos. Alas diyes na no'n ng gabi.

"Saan ka galing?"

"Day-off ko naman, di ba sir?"

"Oo pero dapat ay umuwi ka ng mas maaga"

"Sinamahan ko pa kasi ang Mama n'yo sa panonood ng sine tapos nag-grocery siya. Eh, kumakain pa kami kaya ginabi na akong masyado"

"Galing ka sa bahay naming?"

Tumango siya.

"Kinuha ko iyong suweldo ko"

"Umuwi kang mag-isa?"

"Hindi ho, sir" umiiling niyang sagot.

"Ipinahatid ako ng Mama n'yo sa driver niya"

Tumango-tango si Bryan.

"Sige matulog ka na"

Papanhik n asana si Christy pero bigla niyang naalala ang usapan nila ni Mr. Santillan kaya muli siyang humarap sa lalaki.

Operation: Akit

"Hindi kayo makatulog, sir?"

"Oo, bakit?"

"Gusto ninyong ipagtimpla ko kayo ng gatas? O, juice?"

"Huwag na. Tubig na lang ang iinumin ko"

"Baka masakit ang ulo n'yo, sir"

"Bakit?"

"Marunong ho akong manghilot para mawala ang sakit ng ulo n'yo. Saka marunong din ho akong magmasahe kung gusto ninyong mag-relax. Kung kailangan nyo ang hilot ko at masahe, tawagin n'yo lang ako"

Hindi kumibo si Bryan pero nang lumabas ng kitchen si Christy ay hinabol niya ng tingin ang dalaga saka may pilyong ngiting gumuhit sa mga labi niya.









ABANGAN.....

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon