Part 4

1K 48 3
                                    


Noong nagdaang gabi ay muntik na siyang napag-samantalahan tapos ay sinaktan pa ni Mrs. Gonzales, kinabukasan ay may swerteng dumating kay Christy.

Binayaran na siya ng gustong bumili ng bahay at lupa niya. Kaya naman kinabukasan ay agad ng kumuha ng ticket para sa pagtungo ng Manila si Christy. Inihatid pa siya nina Emilie at Alden sa may bus terminal sa kanilang Baryo.

Almost thirty thousand pesos ang dala niyang pera. Inilagay niya ang twenty five thousand pesos sa pinakagitna ng dala niyang malaking maleta. Ang five thousand pesos ay sa bulsa ng pantalon niyang suot.

"Mag-iingat ka doon Christy" Emilie said

"Oo naman, mag-iingat ako Emilie"

"Kung magbago man ang isipan mo Christy, tawagan mo lang ako sa telephono. Alam mo naman ang number ko" Alden said

"Salamat sa pag-alala Alden, tawagan kita kung kailangan ko ng tulong. Sana ay ingatan mo rin ang kaibigan kong si Emilie" makahulugang sabi ni Christy

"Ako na ang bahala ni Emilie" tumingin si Alden kay Emilie, ngunit umiwas ng tingin nito kay Alden.

Pagkaraan ay umalis na ang bus, masakit mawalay sa mga kaibigan nito ngunit alam niyang para sa kinabukasan ang gagawin niya sa kanyang buhay. Halos isa't kalahating oras nakarating si Christy sa Cagayan De Oro, kung saan sasakay naman ng jeep papuntang pier para Manila.

Nine in the evening when she settled inside the ship, inilapag ni Christy ang kanyang maleta sa tabi ng higaan nito. Kina-umagahan ay nagpasya siyang ikutin ang loob ng barko. Habang abala siya sa pagtitingin sa paligid, bigla may bumungga sa kanya kaya't napa-upo si Christy.

"Sorry. Sorry Miss hindi ko sinasadya na mabangga ka" sabi ng isang baritonong boses

Masakit ang pagka-upo ni Christy kaya dahan dahan siyang tumayo, tinulungan naman siya ng nakabangga nito.

"Sorry talaga, Miss" sabi-ulit ng lalaki

"Ok lang, hindi naman ako nakatingin eh" pinagpag ni Christy ang dumi sa puwet, tapos tumingin siya sa lalaki.

"Hmm, infairness may angking kaguwapohan" Tsk, ano ba yang inisip niya.

Sa pagkakataon iyon ay ngumiti ang lalaki.

"Bakit?" pinagtatawanan ba niya ang nangyari.

"Huh!" nagtaka ito

"Bakit ka nakangiti, pinagtatawanan mo ako dahil sa napaupo ako?"

"Hindi miss. Napangiti lamang ako dahil napakaganda ng nakabangga ko"

SuS! Bolero nito, purket guwapo ganoon na ang sinasabi. Hindi na niya ito pinansin, nilagpasan lamang ito. Buti nalang at hindi sumunod sa kanya. Maganda sana ang mood niya sa pagsisilip at pagtatanaw sa ng barko ngunit hayon nga ang nangyari kung kaya't bumalik na lamang siya sa higaan.

Alas-deise na ng umaga makarating si Christy sa Manila. Dalawang araw ang layag ng barko para makarating sa Manila. Ang ganda pala ng Manila, wala siyang nakikitang lupa ang dinadaanan sa halip ay pulos sementado. Ang daming buildings at ang daming sasakyan. Ang daming taong naglalakad at ang daming nagtitinda sa kalsada.

Gutom na gutom at uhaw na uhaw na si Christy dahil simula nang naglalakad siya sa kabuuan ng Manila hindi pa siya kumakaain. Naghahanap siya ng makakainan. Iyong mumurahing kainan lang, nakakita naman siya malapit sa bus terminal na doon siya napadpad.

Agad siyang lumapit sa counter at kumuha ng baso.

"Pahingi hong tubig"

"Kakain ka ba? Kung hindi ka kakain ay may bayad ang tubig, piso isang baso. Mineral water iyan,eh"

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon