Tuwang-tuwa si Mr. Santillan nang muling dumalaw si Christy sa parents ni Bryan at ibalita rito na magaling na si Bryan.
"Ibig mong sabihin ay magaling na ang anak ko?"
"Oho, Mr. Santillan"
"Nakita mong nag-erect?"
Nag-init ang mga pisngi ni Christy sa tanong na iyon ng lalaki at si Mrs. Santillan na pinamulahan din ng mukha ay hinampas sa braso ang kabiyak.
"Pasensya ka na, Christy pero hindi na ako mahihiya sa iyo dahil alam naman nating tatlo na talagang maselan 'tong pinag-uusapan natin, maging ang suhestiyon ko na akitin mo ay napakaselan din."
"Puwedeng isipin ni Bryan na hindi ka matinong babae at puwede ka ring mapahamak pero gusto kong malaman ang totoo. Nakita mo bang nag-erect?"
"H-hindi ko ho nakita pero naramdaman ko" pagsisinungaling niya
Pero ang totoo'y nakita niya, nakita niya, kitang-kita niya noong may mangyari sa kanilang dalawa ni Bryan.
"Ganoon ba? Natutuwa ako. Gusto mo na bang kunin ang tseke mo?"
Umiling siya
"Huwag na muna ho. Gusto ko hong malaman 'yung tungkol sa tunay kong ama"
Ngumiti si Mr.Santillan at may kinuha ito sa drawer. Isang puting sobre iyon. Iniabot ito sa kanya ni Mr. Santillan.
"Galing ito sa iyong tunay mong ama"
"Natagpuan n'yo na ho siya?
Puno ng pagkasabik na tanong ni Christy kay Mr. Santillan.
Marahan at nakangiting tumango sa kanya ang may edad na lalaki.
"Oo,Iha. James Tan ang pangalan. Nagamit ng detective ang mga ibinigay mong impormasyon. Hindi pa rin umaalis sa Murphy si Mrs. Joyce Tan pero patay na ang asawa nitong si Mario. Anak nila ang tunay mong ama"
Naluha si Christy sa sobrang kaligayahan.
"Maraming salamat ho , Mr. Santillan. Tatanawin ko hong isang napakalaking utang na loo bang ginawa ninyong ito para sa akin"
"Malaki rin ang utang na loob naming sa iyo dahil sa ginawa mo para kay Bryan, Christy. Kung kailangan mo na ang pera mo, tawagan mo lang ako at ibibigay ko agad sa iyo"
Nakangiting tumango si Christy kay Mr. Santillan bagaman may luha pa rin sa mga mata niya.
Ang balak sana ni Christy ay mamasyal dahil day-off niya no'n pero dahil sa sobreng galing sa kanyang ama ay agad na siyang bumalik sa bahay ni Bryan.
Nagkulong siya sa kuwarto niya at doon niya binuksan ang sobre.
Tatlong litrato ang naroroon sa loob ng sobre. Ang isa'y solo ng kanyang ina at ang isa'y solo ng isang singkit na lalaki. May edad na ito. Nasa early 40's marahil ang edad. Ito ang kanyang ama niya. Bata pa ang lalaki sa litratong iyon.
Bukod sa litrato ay may sulat na nasa loob ng sobre.
Mahal kong anak,
Patawarin mo ako kung ngayon mo lang ako makikilala. Naging malupit sa amin ng iyong ina ang kapalaran. Pinaglayo kami ng aking ama at ipinakasal niya ako sa babaeng hindi ko mahal.
Hindi ko alam na buntis ang iyong ina nang magkahiwalay kami. Inilihim niya ito sa akin. Ang tanging nakaalam lang ay aking Mama pero hindi niya sinabi sa akin dahil baka magulo pa raw ang isipan ko.
Noong isang buwan ay naaksidente ang Mama ko at ang aking asawa.
Habang naghihingalo sa hospital ay ipinagtapat niya sa akin na buntis si Elena noong magkahiwalay kami. Nagsisisi siya ng labis sa paglilihim niya sa akin dahil batid niyang kailanman ay hindi ako naging maligaya sa buhay na pinili ng aking ama para sa akin.
Ipinahahanap ko kayong mag-ina pero nakakahiya na nauna ka pang matagpuan ako. Nalulungkot lang ako ng labis dahil nalaman kong matagal na palang yumao ang kaisa-isang babaeng minahal ko.
Sana'y mapatawad mo ako sa hindi kp sinasadyang pagkukulang sa iyo at sa iyong ina. At maraming-maraming salamat dahil hinanap mo ako, anak.
Gustong-gusto kitang Makita.
Nagmamahal,
Ang iyong ama
Luhaan si Christy nang marinig niyang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang itinabi ang sobre at tinungo ang pinto.
May kabang bumundol sa dibdib niya nang si Bryan ang mapagbuksan niya ng pinto.
"B-bakit?"
"Are you crying?" tanong sa kanya nito.
Titig na titig sa kanya si Bryan at parang ibig matunaw ni Christy no'n.
"H-hindi"
Kahit hindi naman niya pinapapasok ay marahang itinulak ni Bryan ang pinto at pumasok ito sa loob ng kuwarto niya
"B-bakit? May ipapagawa ka ba?"
"Oo"
Sagot ni Bryan bago isinara ang pinto.
Pero nagulat si Christy nang hapitin siya ni Bryan sa may beywang.
"Bryan!"
Isang masuyong halik ang iginawad ni Bryan sa mga labi ni Christy. Pero nang lumaon ay naging mapusok na ang halik na iyon, tulad ng kamay ng lalaki na nagsimula nang maglakbay sa malambot na katawan ng dalaga.
Pinangko siya ni Bryan at namalayan na lamang ni Christy na hindi na siya tumututol sa anumang nais ng lalaki. Buong ingat siyang inilapag ng lalaki sa malambot na kama at pagkaraa'y sumampa na ito.
Binigyang laya ni Bryan ang matagal-tagal ding naipon niyang pananabik sa dalaga. Si Christy naman ay buong pusong nagpaubaya dala ng labis na pagmamahal sa lalaki.
ABANGAN......
A/N; Naka-private po ang next last chapter na ito. Dapat po naka-follow kayo sa'kin para mabasa nyo GUYS...
👉 Need to follow po.
👉 Refresh nyo po ang Story.
👉 Pwedeng Tanggalin nyo po sa Reading List o sa Library tapos balik nyo ulit.
👉 Refresh nyo ulit po ang Story.Kung may iba pa kayong tanong. Huwag kayong mahiya mag-comment o message me ' I Don't Bite' ika nga 😉 Enjoy!!!
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Masungit
RomanceAng akala ni Christy ay hindi na siya makakatakas mula sa BARYO INITAO. Noon niya pa gustong-gustong makarating sa Manila, makapagtrabaho rito at umasenso. Kaya naman talagang nag pursige siyang makarating sa Manila. Pero pagdating niya sa lungsod a...