Part 2

1.5K 51 8
                                    

"LOLA! LOLA....!"

Malayo pa lang si Christy ay panay na ang tawag niya sa kanyang lola Annie. Dala ang malaking basket ay nagtungo ang dalaga sa likod ng bahay.

Nakita niyang naka-upo sa silyang duyan yari sa kawayan si Lola Annie habang nag-gagansilyo ng damit.

"Lola-"

"Oh! Christy. Bakit ba ang layu-layo mo pa ay panay na ang sigaw mo? Bakit humahangos ka?"

Kumuha siya ng maliit na upuan. Umupo si Christy sa tabi ng kanyang lola bago inilapag sa kandungan ang dalang basket.

"Kasi po lola, galing ako sa roon sa tiyuhin ni Emilie. Tumulong ho ako sa pamimitas at paghihiwalay ng mga mangga sa malaking basket. Bukod po sa binabayaran na kaming dalawa ni Emilie ng pera noong tiyuhin niya ay binigyan pa ho kami ng mangga"

Magiliw sabi ni Christy sa kanyang Lola.

"Ganoon ba?"

"Oho, lola. Magaganda po ang mga manggang ibinigay sa akin maski reject. Iyong iba kasi ay mahihinog na sa puno kaya may dilaw na sa pupungan at iyong iba naman ay maliit kesa karaniwang hugis na binibili noong pinag-deliberan nila" Mahabang sabi ni Christy.

"Sila ba iyon nakabili ng fruit farm ni Ma'am Lucing, doon malapit sa bundok?"

"Opo, iyon nga ho lola"

"Ang mga tsimis sa kabaryo natin at usap-usapan nila ay masusungit daw ang mag-asawang nakabili ng fruit farm ni Ma'am Lucing. Hindi nga raw makatao kung magtrato ng trabahador nila"

"Hindi naman po siguro lola. Eh! kamag-anak ho iyon nila Emilie eh"

"Kunsabagay" tumatangong sabi ni Lola Annie

"Kilala ko ang pamilya ng kaibigan mong si Emilie. Mabait ang ama niya at ina. Pati na ang mga magulang nila Jay at Lemuel. Nakasama ko pa angmga iyon noong panahon ng Hapon eh"

Ngumiti si Christy sa kanyang lola bago nagpaalam na papasok na ng bahay. Inayos niya ang mga manggang dala sa ibabaw ng mesa. Hilaw pa ang mga iyon dahil kapipitas lamang sa puno.

Pero ang iba ay dilaw na ang pupong. Ibig sabihin ay nahinog na iyon sa puno kaya kahit berde pa ang halos kalahati ng balat ay matamis na iyon. Kaya pwede na nilang panghimagas ng lola niya mamayang gabi.

Agad na nagsaing si Christy at nagsimulang magluto ng kanilang ulam.

Dalawa na lang sila ng lola Annie niya. Ang lolo niya ay namatay noong limang taong gulang pa lamang siya. Bale ang lolo at lola niya ang nagpalaki sa kanya dahil ang kanyang ina na kaisa-isang anak ng mga ito ay namatay sa panganganak sa kanya.

Ang ama naman niya ay hindi nakilala ni Christy maski na kalian. Kahit ang lolo at lola niya ay hindi rin ito nakita at nakilala. Nag-iisang anak lamang ng mga ito ang ina niya kaya mahal na mahal ng mag-asawang Juve at Annie. Inaalagaan at iningatan ng husto.

Pero walang magawa angmga ito ng gustuhin ni Elena na pumunta sa Manila sa udyok ng tagarito rin sa Baryo Initao. Labing limang taong gulang pa lang noon ang ina ni Christy.

Tatlong beses sa isang taon ay umuuwi rito sa Baryo Initao si Elena upang magbakasyon ng ilang lingo. Tuwing Bakasyon, Mahal na Araw at Pasko. Kahit nakakapagod na umuwi dahil nga ,malayo ang kanilang Baryo sumasakay pa siya ng barko. Sa Mindanao kasi ang Bayan nila.

Sa mga pagkakataong iyon ay laging sinasabihan ito ng mga magulang na huwag ng bumalik sa Manila. Na dito na lang sa Baryo. Ngunit laging tumatanggi si Elena. Nasanay na ito at nasarapan sa buhay sa lungsod. Tulad ng maraming tao rito sa Baryo Initao ay iyon na nag pangarap ng ina ni Christy.

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon