Part 3

1.1K 45 8
                                    


Humahangos si Christy patungo sa hospital matapos niyang nabalitaan mula sa kapit-bahay na nasa hospital ang kanyang lola Annie.

Hindi siya pinapasok ng mga nurse sa loob ng Intensive Care Unit.

"Doctor! Ano po ang nangyari sa lola ko?" nag-alalang tanong ni Christy matapos niya itong lapitan

"She is in coma right now" nagulat ako sa sinabi ng doctor

"Ano po? Pero bakit po doctor?"

"Ang nangyari sa kanya ay heptic encephalopathy o iyong tinatawag na heptic coma. It is a degenerative disease of the brain associated with liver failure"

"Doc, gagaling pa po ba ang lola ko?"

"Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya" sabi ng doctor sa kanya bago siya marahang tinapik sa balikat

Mula sa salamin sa labas ng ICU ay pinagmasdan ni Christy ang kanyang lola. Maya maya ay idinikit niya ang isang palad sa salamin.

"Huwag niyo po akong iiwan, lola. Mag-isa na lang po ako. Huwag niyo akong iiwan. Natatakot akong mag-isa. Kayo na lang po ang natitira sa akin" umiiyak niyang sabi

"Ang laki naman ng kailangan mo, Christy" gulat na sabi ni Mrs. Gonzales

Nagkatinginan ang magkaibigang Christy at Emilie.

"Tita, babayaran naman po kayo ni Christy. Pahiramin nyo na po siya, ako po ang gumagarantiya sa inyo" sabi ni Emilie sa tita si Mrs. Anastasya Gonzales

"Ok, sige" napabuntung hininga sabi nito

"Pero para makabayad ka sa akin agad ay dito ka magtatrabaho sa fruit farm, ha Christy?"

"Sige po, Mrs. Gonzales. Kung iyon po ang gusto ninyo"

Kumuha si Mrs. Gonzales sa wallet ng twenty thousand at inabot iyon kay Christy

"Oh, ayan. Ipagamot mo agad ang lola mo"

"Salamat po, Mrs. Gonzales" kinuha niya ito agad.

Mabilis na nagtungo ang mag kaibigan sa hospital. Binayaran ni Christy ang bill ng kanyang lola Annie sa cashier.

"Sana naman ay gumaling na ang lola para hindi na ako nag-alala ng ganito, Emilie"

"Oo nga, eh. Sana ay gumaling na si lola Annie"

Matapos makuha ang resibo ay diritso nagtungo na sila papunta sa ICU.

"Na miss ko na siya Emilie. Siya lang kasi ang kasama ko sa bahay at ngayon nandito siya sa hospital" mangiyak na sabi

"Kung bakit kasi ayaw mo pang sagutin si Alden at mag-pakasal na kayo" biglang sabi ni Emilie kay Christy. Nagulat siya

"Sus, alam mo naman na mas bata ng isang taon sa akin si Alden"

"Eh, ano kung mas bata siya sa iyo? Ano na lang ba iyong isang taon?" katwiran naman ni Emilie

"Mas bata siya sa akin saka wala akong gusto sa kanya. Kayong dalawa ni Alden ang magkasing-edad kaya mas bagay kayo. Isa pa noong high school pa lang tayo noon ay may crush ka kay Alden, di ba?" pangbubuko ni Christy

Pinamulahan ng mukha si Emilie sa sinabing iyon ni Christy.

"High school pa tayo noon, ano ka ba?"

"Huwag mong sabihing wala ka nang gusto sa kanya ngayon?" makahulugang tanong ni Christy kay Emilie

"Kahit naman sabihin kung meron ay wala rin naman akong magagawa. Ikaw ang gusto ni Alden, eh" Emilie said

Christy noded, alam niya na pinipilit talaga siya ng kaibigan ngunit hindi ko talaga kayang mahalin. Ang turing ko lang kay Alden ay isang matalik na kaibigan. Sa ngayon hindi ko pa priorities ang mga pag-ibig na yan.

Seducing Mr. Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon