Chapter One-First Day of School
Someone's Pov:
"Nagawa na ba niya? ",wika ko sabay patong ng basong may alak sa mesa.
"Opo, master. Nakapasok na po siya, umpisa na po ang plano.. ",sabay yuko naman ng tauhan ko.
"Good.. ",agad akong napatayo.
"Ano po ba ang susunod na plano master? "
Napangiti lang ko at ininum ulit ang alak na nasa baso.
"Hayaan muna nating, pag aralan ang kalaban.. Mwahahaha.. "
Humalakhak ako nang mapansin ang reaksyon ng mukha nito.
"Ngunit master.. Di pa po niya kilala.. "Anna's Pov:
First day of school but not as a student. From today onward, I'm a teacher. Wow!
Never in my wildest dream na maglilingkod ako sa isang lugar na aking kinamumuhian. At ang maging isang nilalang na ayokong maging kailanman.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago lumayas ng apartment. Nakasuot ako ng corpo attire and skirt. Teacher na teacher talaga ang dating.
Nagpunta na ako sa sasakyan at tinungo ang school na aking tuturuan. Pagdating doon, ilang estudyante ang binabati ako ng "Good morning ma'am.. "
Nakakatuwa naman dahil feel na feel ko na ang pagiging teacher.Nagtungo na ako sa Principal's office, text kasi ni chong dito raw ako dumeretso pagdating. Hindi nako kumatok at pumasok na lang. Pagpasok ko, may kausap sa phone ang tiyuhin kong panot.
"Okay, Okay sir.. Everything's okay and we did great.. Thank you sir.. ",tapos ay binaba na nito ang phone niya.Naupo ako sa couch at ipinatong ang dalawa kong paa sa coffee table.
"Hey, Sabi mo dimeretso ako dito? Anong kailangan? ",tanong ko na parang walang gana.
"Ganyan ang suot mo pero parang wala lang sayo. Hindi ka pa rin nagbabago.. Huwag kang kumilos ng ganyan sa harapan nila Anna.. ",nginitian ko lang siya."Don't worry, I'm gonna be a professional in front of the students.. ",tumango lang siya na parang di satisfied sa winika ko.
"Well, kailangan kong ibigay sayo ang schedule at section na ihahandle mo.. Mabuti naman at hindi ka na late.. ",wika niya.
"Siyempre, importante sa akin ang mga oras.. "Naglabas ng folder si tanda at ipinatong sa table niya. Tumayo ako para kunin ito tapos bumalik sa couch para tignan ang sched ko.
Ang subject na ituturo ko ay Math para sa mga 4th year students. Buti naman at sakto sa kursong kinuha ko. Ang section na tuturuan ko ay ang sinasabi nila na worst section raw, ang 4-A.Pagkatapos nun ay ipinasama na ako ni Chong papunta sa faculty room para ipakilala niya raw ako sa ibang teachers. Syempre, excited na rin naman akong makita ulit ang mga sinusumpa kong teachers. Siguradong magugulat sila kapag nakita nila uli ako.
Pagdating ko sa faculty room, hindi nga ako nagkamali. Hindi raw nila inakala na ang isang tulad ko ay magiging teacher. Well, ako rin. Pero dahil maldita ako,,
"Bakit? Paki niyo ba?! ",pagmamaldita ko sa winika nila.
Agad naman silang natahimik.
Sinuway naman ako ng tiyuhin kong panot.Pagkatapos nun, ipinakita na rin ni Chong ang aking pwesto.. Meron pa itong computer, big deal makaka LOL ako dito.
Nag ring na yung bell, nagtatakda ng first subject. Oras na para magturo ako.Pero bago pa ako makapasok sa room ng 4-A ay may biglang parang malanding boses ang narinig ko sa likuran.
"Room 416 Section 4-A, iyan ang ihahandle mo? ",tanong ng malanding bakla.
Pairap naman akong humarap sa kanya.
"Oh? Bakit? Pake mo? "
Ngumiti lang siya.
"Naku! Magugulo mga bata diyan.. Hindi tumatagal mga teachers dyan.. "
Nagsmirk lang ako."Well, pinapangako ko na sa iyo na hinding hindi tatalab ang mga sungay nila sa isang gaya ko.. Mas matindi pa kaya ako sa kanila.. ",pagmamayabang ko naman.
"Haha.. Sige,ingat k-"
Nagsasalita pa lang siya nang bigla ko nang sinarhan ang pintuan. Well, sipsip siya!! Maldita ako!!
Napabuntong hininga na lang ako nang matamaan ako ng isang bola ng papel sa ulo.May naglalaro ng football, nagmamake up, nagkwekwentuhan, nagseselfie, nagmamagic, mayroon ding mga nagbabasa ng comics at nagdadrawing ng mga anime. Lahat sila tumigil at tinuon ang pansin sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan pero parang wala lang sa kanila na bumalik sa mga ginagawa.
Wow! Ito ang 4-A. Kung sa tingin niyo's pang role model sila? Well sa paaralang ito, ang highest sections ang pinaka magulo sa lahat sapagkat dito ipinapasok ang lahat ng mga panlaban ng paaralan sa lahat ng events.
So hindi ko na pinansin ang mga ginagawa nila at agad na pumunta sa harapan. Tignan natin kung makokontrol natin sila."Guys, go back to your seats now.. ",utos ko habang inaayos ang mga gamit sa mesa.
Hindi sila tumigil at parang mas lalo pang umingay ang classroom na ito.
Kumuha na lang ako ng pentel pen at isinulat ang pangalan ko sa board. Nilingon ko sila at ganun pa rin ang mga nangyayari."GO BACK TO YOUR SEATS AND SHUT UP,NOW!",sigaw ko na umalingawngaw sa buong room.
Well, inuubus nila pasensya ko eh. Madali lang akong magalit. Kaya umayos silang lahat."Sino ka ba?! Ba't ka sumisigaw?! ",tanong ng babaeng humahawak ng make up. Tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa at parang kung sino makatingin sa suot kong damit. Well, agad ko naman siyang tinaasan ng kilay.
"Nakasulat sa board kung sino at ano ako.. Why don't you read it? Baka hindi ka marunong, gusto mo babasahin ko pa para sayo? "
Napakagat sa labi si It girl at padabog na umupo sa upuan nito gayon din ang iba pang mga estudyanteng nakatayo kanina. Narinig ko pang nagtawanan ang ibang estudyante ngunit nagsitahimik na lang ulit nang tinignan ko ng masakit.Nilibot ko ang mga mata ko at doon ko nakita na may 4 na bakanteng upuan, may absent.
"I'm Anna Violetta as written on the board. I'm your new adviser at teacher niyo sa Math. Any questions or something? ",pagpapakilala ko pa lang ay bigla silang nagulat. Siguro ay kilala nila ang pangalang yun.Nagtaas kamay ang kaninang itgirl. Iginiya ko siya para tumayo.
"So ikaw pala si Anna Violetta, ang bully dito noon.. Well, why are you still here? We hate you so leave! We don't want you, di ba guys? ",nagsi tanguan naman ang ibang students.
*sigh*
"What is your name kid? "
"I'm Wendy Aoyama, I'm a blogger yet a fashion critic maraming artista ang pomafollow sa kin sa tumblr... At marami na akong ach-"
"I'm just asking your name, Ms. Aoyama.. ",pagsusungit ko.
NaPairap na lang siya.
"Okay, so wag kayo mag alala... Hindi ko rin kayo gusto.. In fact, I feel the same way.. But this is my job, hindi ako pwedeng umalis. So let's be mature and its time to grow up.. Di na kayo bata. . "
Akala siguro nila ay iiyak ako, well nagkamali sila ng kinalaban.
"So anybody else? ",tanong ko ulit.
Walang sumagot o nagtaas ng kamay. Mabuti naman.. Dahil wala na rin akong gana pang sagutin sila."Okay, so this Time, I want you all to introduce thy names.. Simula first row. Pangalan, edad or anything that you want me to know.. Start! "
Sinunod nam an nila. Kunwari, nakikinig ako pero hindi. Actually, kilala ko na silang lahat matapos akong bigyang ng lists of students kanina ni chong. Talagang ginawa ko lang to ngayon kasi yun naman palaging pinapagawa kapag first day diba? At tsaka, wala pa akong ganang magturo.Nang nasa kalagitnaan na'y bigla na lang marahas na bumukas ang pinto. At tsaka pumasok ang tatlong siga na lalaki na may kinakaladkad na sugatang sultero. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang isang bulong..
"Andito na ang Reckless Brothers! "
Hehe. To be continued po.
Reckless Brothers?! Sino sino kaya sila?
Ano kaya sila? Boy group? 😂 Bullies?😬 o Gangsters? 😱
Ano po masasabi niyo?