Chapter Eight-The Punishment
Pagkadating ko sa School ay agad na pinapunta ako ni Panot sa office.
"Ano ang kailangan mo bro?!",bungad ko pagpasok sabay salampak sa sofa.
"Bro?",clueless naman na wika ng matanda.
"Ayaw mo nun,magmumukha kang bata?",wika ko sa kanya sabay bukas ng Pringles na nakalagay sa mesa.
"Anna,wala akong oras sa biruan.. Ipaliwanag mo nga tong nireport ng mga studyante mo sa akin..",seryusong wika ni Panot.
Well,napahinga na lang ako ng malalim.
"Tsong,hindi ko po makuha kuha ang disiplina nila kung-"
"Well,done Anna..",nakangiting wika ng matanda sabay bigay sa akin ng isang envelop.
Napakunot naman yung noo ko bigla.
"Ano to?",sabay angat ng envelop.
"Mag dedecember na,at tuwing december ang school na ito ay nagtatanghal ng teacher of the year.. At ikaw ang napili namin,congratulations..",masayang bati nito.
"Okayy..",sabay tapon ng envelop sa mesa.
Parang nagulat naman yung panot sa inusal ko.
"Hindi mo babasahin?",tanong niya.
Principal ba talaga toh?
"Kailangan pa ba yun? Eh sinabi mo na nga sakin lahat eh.. Nagsayang pa kayo ng puno..",sagot naman.
So ayun,nag usap lang kami. Well parang hindi naman talaga pag uusap yun.. Kasi dada siya ng dada habang ako naman "Ok" lang ng "Ok" habang naggegames sa cellphone at kumakain ng pringles.
Nung maubus na yung pringles tsaka lang ko umalis.
"Hoy!! Anna!! Wala ka talagang galang bata ka!!",narinig ko pang wika ni Panot sa labas ng pintuan. Sakto namang tumunog na yung bell.Hindi na ako sumilip sa bintana ng pintuan. Pagpasok ko,nasa gilid lahat ng pintuan at may nagsusuntukan.
Agad na kumislap ang mata ko sa eksena. Ang saya kaya manood ng suntukan.
Kaya agad agad akong umupo sa aking trono at binuksan ulit ang ninakaw kong Pringles sa office ni Panot.
Pero napansin kong wala yung tatlong ugok. Nasan kaya sila?Kinalabit ko tong katabi ko na kung makatili akala mo nasa concert. Sarap hampasin ng upuan eh.
"Hoy! Itigil mo nga yang kakatili mo. Hampasin kita eh.!",nagulat ito sa akin at sisigaw na sana para patigilin mga classmates niya pero agad na tinakpan kong bunganga nito.
"Wag kang sisigaw,maiistorbo mo ang pag aaway nila..",shock na shock siyang nakatingin sa akin.
"Hindi mo man lang po ba sila papagalitan,Miss Anna?",wika nito.
"Ano ka ba,kasama sa pagkakaibigan ang suntukan.. Nasan yung Tatlong ugok?",tanong ko.
"Hindi ko po alam Miss Anna pero nilapag lang po nila ang mga bag nila tsaka umalis.. Pero narinig ko pong pupunta raw sila sa isang bilyaran..",sagot nito sabay turo pa sa mga bag ng ugok.
"Ay ganun..",napaisip ako.
Pero naagaw pa rin yung atensyon ko sa labanan kaya napasigaw ako bigla.
"Ano ba! Patumbahin mo na!"
Parang mga gulat na gulat naman ang mga studyante at na freeze na nakatingin sa tinatayuan ko.
😐-sila
😕-ako
Parang naforward na video at agad na inayos nila ang mga upuan at umupo ng tahimik dito. Sa ngayon,kung makikita niyo,parang wala lang nangyari. Nawala rin yung mga kalat. Napanganga naman ako. Ganito na ba talaga ako katakot?
Pero nginitian ko lang ito at binalewala.
"Nerd!",tawag ko dun sa pinakahuli't dulong naka upo. Remember,siya ang valedictorian ng lahat pero sa kahuli hulian pa nakaupo.
"Ma'am..?",parang takot na takot naman itong tumayo.
"Kunin mo nga yung bag ng tatlo.?",tamad kong sabi sabay turo sa tatlong upuang nakaraya sa gilid kung saan nakalagay ang mga bag ng Reckless Brothers.
"B-Bakit po ma'am?",kinakabahan na wika nito.
"Itapon mo sa basurahan.."
"ANOOOO?!",gulat na wika ng mga estudyante.
Me-😑
Parang ayaw pa gumalaw ni Nerd.
"Pero Ma'am,baka po anong gawin nila sa akin..",pagmamakaawa nito.
"Pag di mo ginawa yan,baka ano din yung gagawin ko sa grades mo!!",galit na sambit ko.
Agad na kumilos naman ang nerd at pawisang tinapon ang mga bag nito sa basurahan.
"Sa oras na may magcutting pa dito sa inyo,hindi lang yan gagawin ko.. Palilinisin ko pa kayo ng stock room.. Kahit sino at ano pa kayo,maliwanag?!",sermon ko.
"Yes Ma'am..",sabay na wika naman nila.Comment with a #MTIMG