Chapter Eleven-The date
"Anna,ang hirap kumain nang may nanonood.. Hindi ako sanay..",mahinang bulong sakin ni Mark.
"Pabayaan mo lang,maya maya baka mabuking pa tayo eh..",sabat ko naman sabay subo ng Carbonara.
By the way,andito kami sa Shakey's ,dito ako pinakain ni Mark. At hindi nga kami nagkakamali. Hanggang dito'y sinundan pa rin kami ng tatlong ugok.
"Tignan mo yung mukha ni Max,parang sasabog nang bulkan. Nanggagalaiti na siguro sa galit sa tingin niya'y hindi lang ang daddy niya ang lalaki mo..",nakangiting wika ni Mark.
Napa smirk naman ako.
"Pabayaan mo na..",balewala ko.
"Ano bang pumasok sa kukute mo't napag isipan mo ang katarantaduhang ito?",mahinang tanong ni Mark.
"Hindi ko Alam.. Ewan..",ayaw kong mag isip nang mag isip. Malamang nasa harap ako ng pagkain.
"Oo nga pala Anna,yung bilin sa akin ni Master..",putol nito sabay subo ng pizza.
Sasagot na sana ako nang may bigla lang kaming narinig na parang pinggang nahulog. At doon namin natanaw ang kawawang Adam. Whahahaha.. Makita niyo lang yung sitwasyon. Si Adam,parang guilting guilty ,maihahalintulad mo sa isang kriminal na natalo sa isang kaso. Si Kelin naman ay biglang pinektusan si Adam at si Max naman ay parang negosyanteng nalugi. Hinihilud pa yung pagitan ng kanyang mga mata.
Natatawa na talaga ako kaso kinokontrol ko lang..
"Ganyan ba talaga yang Ikalawang anak ni Lenard? Parang lampa eh..",komento ni Mark.Nakatingin na kami mismo sa kanila. I mean,lahat mismong costumer pati cashier at waiters at body guards.
Nagulat na lang kami nang biglang tumayo si Adam sa mesa nito.
"Hi mga kababayan ko! I'm Adam Garcia ang poging nilalang na gwapo..",pagmaMAyabang ni Adam.
Pero di niya na kuha yung mga tao sa loob.
Ganito lang yung mga reaksyon hu:😶😐😑😒😳😞😕😨😟"Sino bang feeler na yan? Bagong labas sa mental? Parang di pa ata na gamot ng maayos..",bulong ng katabi namin sa kaibigan niya.
Natawa ako bigla.Lalo na nung nakita ko pang tinulak niya mismo ang kanyang dalawang kapatid pa tayo sa mesa.
"At sila ang dalawa kong gwapong mga Kapatid.. Meet my older brother.. Max Garcia at ang bunso naming mabantot,Kelin Garcia..",nakangising pagpapakilala niya.
Wtf! Kung nakita niyo lang kung pano ulit tumilapon ang ulo ni adam sa pektus ni Kelin."Sabayan niyo ako ha..",bulong nito. Nakatingin pa rin yung mga costumers.
"I have a pen,I have an Apple. Ugh,Apple pen.. I have a pen,I have pineapple,. Ugh,Pineapple pen.."Nung una si Adam pa lang. Pero nung pinilit niyang pinasayaw ang dalawa ay bumigay na rin at nakisabay.
"Pen,Pineapple.. Apple Pen..",sabay nilang wika.
Wtf!!?? 😂😂😂😂😂
Myghad !! Nakakahiya..
Hindi po bagay.. Whahaha. Pero ang nilang tignan. Pagkamatay nung music ay nabigla kmi sa sumunod na nangyari.
*Applause*
Standing Ovassion mismo ang mga costumers at parang kung sino namang mayabang na nagbabow pa si Adam.. Whahahaha..
So ilang minuto na rin ang nakalipas ay natapos na kami sa pagkain. Kaya binalak na naming lumabas. Pero saktong paglapit namin sa pinto ay sabay ring tumayo ang tatlong ngayo'y marami ng fans. Malamang,ano pa ba? Edi sundan kami. So kinareer na talaga namin hanggang pagkarating namin dun sa apartment ko .Pagkababa ko'y may inabot sa akin si Mark na parang isang maliit na box.
"Ito ang habilin sa akin ni Master..",wika nito."Salamat Mark,pati na rin sa dinner .",nakangiti kong usal.
Pero nagulat na lang ako nang hatakin ako ng binata at hinalikan sa labi .
Nanatili kami sa posisyon na iyon habang ako ay nanlalaki ang mata.
Parang nabato ako sa gulat.Nang kumalas siya sa akin ,doon lumabas ang mapang asar niyang ngiti .
"Good night Miss Anna..",pagkatapos nun ay pumasok na siya sa kotse ng masyang masaya..Putakteng Mark na yun,sisiguraduhin ko talagang hindi niya na makikita ang araw once na makita ko pa siya.
Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at tinanggal ang sapatos ko nang may biglang kumatok. Naramdaman kong biglang kumulo ang dugo ko sa buong katawan.
Hinanda ko na agad ang kamao ko para once na mabuksan ko ang pinto eh sure,taob si Mark.
Pero yun ang akala ko,hindi pala si Mark ang kumatok.
"Aurggh..",one heat knock out si Kelin. Ang tatlong ugok pala ang kumatok.
"Sabi ko na eh,kaya nga nag iba na lang ako ng puwesto. Kitams.. Yan ,Karma yan Kelin..",pagmamagaling naman ni Adam sabay buhat ng nakataob na kapatid.
"Bakit mo siya sinuntok?",nag aalalang tanong ni Max.
Tinaas ko yung kilay ko resulta ng pagkakunot ng kilay niya .
"Anong oras na? Anong ginagawa niyong tatlo dito?",pagsusungit ko."Pina uwi mo kami ng maaga para lang maki pag date? Malandi ka talaga..",bato sa akin ni Max.
Napangiwi naman ako.
"Ano naman ang pake mo?! Buhay ko to,kaya huwag mong paki alaman..",bukyaw ko din."Pwede niyo po ba kaming papasukin Miss Anna? Ang bigat kasi nitong si Kelin..",pabebeng paki usap ni Adam.
Well,no choice. Pinapasok ko sila. Alangan namang pabayaan ko lang sila na maglakad palabas ng compound buhat buhat ang Mabigat nilang kapatid. Baka naman iwan na lang nila iyun sa tabi o ako lang yung gumagawa?
"So may napala ba kayo?",nakangisi kong tanong nang nakapasok na sila.
"Anong ibig mong sabihin?",nakasimangot na tanong ni Max.
"Alam mo na sinusundan ka namin?!",gulat na wika ni Adam.
Natawa ako bigla..
"Wow! Hindi ba halata? Palpak nga kayo dahil sa kalampahan mo eh..",pang aasar ko na nagpapout sa gago.
"Buhusan niyo ng tubig yan at pwede na kayong umalis. Pagod ako. ",patayo kong wika."Wow? Pagod ka? Eh ,nakikipagdate ka lang naman eh..",matapang na wika ni Max.
Hinarap ko siya.
"Wow! Talaga? Matapos kong turuan ng buong araw ang lahat ng mga tarantadong students,tapos ganun lang sa tingin mo ang ginawa ko?",pagkatapos nun,aalis na ako sana nang bigla niya akong hawakan sa braso.
Tumahimik lang si Adam at dinala nito si Kelin sa isang room."Who's better? Dad or him?",direktang tanong ni Max.
"Ano ba?! Walang kwentang tanong naman yan! Bitiwan mo ako?!",wika ko sabay kalas pero hindi ko makuha yung braso ko sa mahigpit niyang pagkakahawak.
"You dare cheat in my dad right on my face!",sigaw nito sakin.Ewan ko kung natatanga na ba siya sa mga kagaguhan ko.
"I'm not cheating..",walang emosyon kong wika.
"YOU'RE NOT CHEATING PERO BAKITA KO KAYONG NAGHAHALIKAN KANINA?!",Mas humigpit pa ang hawak nito sa akin."So what?!",pipipiglas na sana ako ulit nang bigla niya akong Halikan sa labi.
"Anong ginagawa mo?!"
Gulat na sabi ko."I'll make you mine..."
Comment with a #MTIMG