Chapter Thirteen-KidnappedNakarating na ako sa isang high class na restaurant . Pagpasok ko ,nakita ko agad ang itsura ng Isang matandang lalaking nakangiti sa akin. Nginitian ko rin naman siya,ang pekeng ngiti. Siya ang target ni Dad. Ang taong ito ay humahawak ng bilyon bilyong kayamanan. At yan ang gusto naming maagaw sa kanya.
"You're so gorgeous My Dear..",nakangiting wika nito. Umupo muna ako tsaka sumagot.
"Thank you my dear.. Kanina ka pa ba dito?",bungad ko.
"Hahahaha.. Not really.. and I'm ready to wait for a girl like you.. It's worth it..",bola nito.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa paligid at tumingin sa palda ko. Agad akong kinabahan ,may balak ba itong babuyin ako? Well,subukan niya lang dahil baka mapaagang matapos ang misyon na ito.Pero nagulat ako sa ginawa niya,hinubad niya yung coat niya at binigay sa akin.
"Here,cover it with my coat.. Perverts staring at you..",wika nito.
Agad ko namang ikinover ito sa lap ko. Well,subrang aga pero nakasuot po ako ng party dress yung fitted talaga. Hahaha. Gaga lang.Pero hindi rin naman pala siya manyak. Natouch ako tuloy. Pwe.
"So Lenard,bakit mo pala ako ininvite para dito? Another Date?",malaswang wika ko.
Ngumiti siya muna bago nagsalita.
"Anna..",sabay hawak nito sa kamay ko.
"You're so gorgeous,charming,sweet and an Ideal girl..."
"But I still love my wife...",masinsinang wika nito.
Nagulat ako.
Sa kaloob looban ko,gusto kong magpasalamat pero kailangan ko pa ring umakto .
"What?! But I already fell in love with you!",akto ko sabay luha.
"I'm so sorry Anna.."
Wala na talaga akong pwede pang gawin,kundi ito na lang.Hinawakan ko ang balikat niya tsaka siya hinalikan..
"YAAAAAAAKKKKKL!!!!",nadidiriang saad ko.
Ano na namang imagination yan?! Hindi ko makaya! Gago pala tong isipan ko eh. Di ko kayang halikan ang matandang yun noh! Eeeww..
Pero napaisip ako tuloy,bakit kaya tinext niya yun sa akin?
'Anna,I like you but I still love my wife..'*Bbbbbbbbbbeeeeeeeeeeppppp=!!!!!*
Napapreno ako bigla. Gago to,lakas ng loob na harangin ang daan.
Binabaan ko agad at tsaka hinampas ang pintuan ng kotse nito.
"Hoy! Lumabas Ka diyang gago ka! Suntukan na lang ho! Para matapos nato!",sigaw ko sabay hampas sa sasakyan nila.
Ilang minuto pa,may lumabas na Apat na lalaking naka Mask at dali daling lumapit sa akin.
Pero buti at umatras ako.
Saktong dadakpin na ako ng dalawa nang masuntok ko ang mga ito.Kidnappers? Well,minalas ata sila sa pagpili sa akin.
Natumba na yung dalawa kaya agad na lumapit sa akin ang isa.
Susuntukin niya sana ako pero nailagan ko ito,sisipain niya sana ako pero nakuha ko ang kanyang paa tsaka siniko ito.
"Aray!",pamimilipit niya sa sakit.
Susunggaban ko pa sana siya nang may biglang kumeryente sa tagiliran ko resulta nang pagkawala ng malay ko.
Papikit na ako nang marinig ang isang pangalan.
"Master Edward..",tawag nung isang lalaki.
Tsaka dun ko nakita ang parang isang pamilyar na mukha.
"Edward?"Comment with a #MTIMG