Chapter Three

35 1 0
                                    

Chapter Three-The Past

Papikit na sana ang aking mga mata namg biglang tumunog ang aking nakakarinding ringtone. Agad kong minulat ang aking mga mata at may bigat na dinamput ang aking cellphone sa mesa.
"Hello?.",papikit kong wika.
"Oh, Anna? Kamusta ang ating pagiging buhay teacher? ",masiglang wika ng isang malaking boses. Step dad?
"Dad? Okay naman po, pinaalam na sakin ni Marko kung sino ang pakay ko dito.. ",may saya ngunit may halo kong wika.
"Mabuti naman.. Anak, may sasabihin sana ako sayo.. ",wika nito.
Sa bigat pa lang ng salita nya, kinabahan na ako.
"Dad? ",pagsisiyasat ko.
"Malapit mo na lang malalaman kung sino ang pumatay sa mga magulang mo.. "
Pagkarinig ko, parang may biglang may kung anong sumabog na bomba sa kaloob looban ko.
Biglang humigpit ang aking paghinga at nakakuyom na ang aking mga kamao.
Hindi ko na rin namalayang may tumutulo na palang mga luha sa aking mga mata.
"S-sino po siya dad?? ",madiin kong tanong.
"Malalaman mo rin yan balang araw.. ",pagkatapos nun ay pinatay na niya ang tawag.

Dino's Pov(Anna's Step dad)
"Sinabi niyo na po ba na si Lenard Garcia ang pumaslang sa mga magulang niya? ",tanong ng tauhan kong si Mark.
Ngumiti ako.
"Hindi pa, gusto kong magulat siya.. ",sabay inom ng alak sa baso.

Anna's Pov
*Flashback*
"Dali! Itago mo na ang anak natin!! ",natatarantang boses ng aking ina ang gumimbal sa katahimikan sa kusina.
Nakita kong aking ina at ama na naglabas ng mga baril. Syempre, 4 na taong gulang lang ako kaya nagulat ako at napaiyak.
"Ma? Pa? Anong nangyayari? ",wika ko habang tumatangis.
Binuhat ako ng aking ama ,binuksan ang isang cabinet at pinasok ako dun.
"Anak, ano man ang mangyari sa amin, dito ka lang ha? Huwag na huwag kang lalabas at huwag na huwag kang gumawa ng ingay.. ",pinapawisang wika ng aking amang si Roberto.
Ramdam ko ang panlalamig ng kanyang balat na animo'y may panganib na magaganap.
"Pa, bakit po? ",pinahiran niya ang aking mga luha.
"Basta, mangako ka sa akin ana.. ",habang sinasabi nya yun ay pinasuot niya sakin ang kanyang kwentas na sa
pag kaalam ko'y kanyang anting anting.
"Pa, di ba kailangan mo to? ",tanong ko.
"Anak, mas kailangan mo yan. Ayaw kong mapahamak ka.. ",wika nito ulit.
"Roberto! Andyan na sila..! ",wika ni mama habang may tinatanaw sa bintana.. Niyakap ako ng mahigpit ng aking ama..
"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin.. ",ngumiti ito pero tanaw ang kanyang mga luha sa pisngi
Gusto kong lumabas ngunit sinarhan na ni Papa ang pintuan ng cabinet.

Tanaw ko kung ano ang nangyari sa aking mga magulang. Pinaslang sila, binaril. Kita ko kung paano nila pinahirapan ang aking pinakamamahal na ina, paano nila binaboy hanggang sa mawalan na ng buhay. Nakita ko rin kung paano nila pugutan ng ulo ang aking ama. Nakatalikod ang pumugot dito at doon ko nakita ang isang palatandaan sa kanyang balikat, tattoo.. Star na may nasa loob ng bilog.
Hindi ko nakaya ang aking imusyon at parang unti unti na ring kumikirot ang aking dibdib resulta ng paghihirap ko sa paghinga. Hanggang sa nawalan na lang ako ng malay.
Namulat akong katabi ang nag iisang kumpare ng aking ama. Si Tito Dino. Kinupkop niya ako kabayaran na raw sa lahat ng mga tulong ng aking ama. Ngunit hindi pa rin nawala sa aking alalala ang mga pangyayaring yun.
Ilang araw akong hindi kumakain at hindi tumitigil sa pag iyak hawak hawak lang ang nag iisang kwentas ng aking ama. Tinago ko ito at hindi pinakita sa kung sino man.
"Anna, kumain ka naman.. Magagalit yang papa mo kapag yan ang ginagawa mo sa sarili mo.. ",nag aalalang wika ni Daddy Dino.
"Dad,..",nakatulala kong wika.
"Ano yun Anna? ",sabay hawak sa nanlalamig kong kamay.
"I wanna be a killer.. "

Kawawa naman c Baby Anna natin.. 😭😭😭
Comment with a #MTIMG

My Girlfriend Is My Teacher?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon