Chapter Five-Stay Away from my Dad!
Nandito ako ngayon sa isang Pizza Rastau na ubod ng layo sa akademya. Mukhang bagong tayo lang ito kasi di pa ako dito nakapunta. Tahimik na ninanamnam ko lang ang aking Cheese Pizza na punong puno ng Mozarella. I'll make sure to come back here soon,they got my taste.
Sino mahilig sa Pizza?? Taas kamay? Lalo na kung may pepperroni at mozarella!!😍😍 Kapag nakabili ako ng oven,sisiguraduhin ko talagang pang araw araw ang pizza.. 😊😊
Anyway,maganda na sana ang moment. Ang peaceful ng view,ang sariwa ng hangin ang subrang tahimik. Panirang moment lang ang kaharap ko,kanina pa akong pinapatay sa tingin. Syempre ,sino pa nga ba? Edi itong ugok na Max!But I don't mind it anyway,siya ang nambayad ng 4 boxes of pizza na inorder ko. Take note,4 boxes. Naiwan ko kasi yung wallet ko,kasalanan niya naman . Sinulit ko na,syempre enjoy ako noh! Huy! Lahat kaya ng libre masarap!! Hahaha..
Well,gusto niyo bang malaman kung paano kami napadpad dito?
Well,after ng pangyayaring yun ay bigla niya lang akong hinablut at isinakay sa kotse niya. Sinubukan pa kaming tinawagan ni Lenard pero kinuha niya yung phone ko at pinatay. Halos makuha na nga yung balat ko sa bilis ng takbo ng kotse nya.
Ilang minuto na rin siyang nakatitig sa akin habang kumakain ako. Hindi ko naman siya pinapansin. Nakatingin lang siya. Bahala siya sa life niya! Ayaw kong magsalita noh,ang sarap kaya ng kinakain ko.
Since naubus ko na yung pantatlong box,ay binuksan ko na ulit yung panghuli at kinuha ang isang slice. Aakmang kagatin ko na sana nang biglang inagaw ng ugok at idineretso sa bunganga nito.
"What the fuck! Ba't nan aagaw ka??!",usal ko.
Parang nagulat naman siya sa inusal ko.
Aheemm,walang malesya ha?
Pero... ANG CUTTTEE NIYA!!
Punong puno pa yung bunganga niya ng pagkain with a shock expression. Ahemm! Ahemm! Tumahimik kayo!
"Dizd yzou jzust czussed?(Did you just cussed?)",gulat na tanong niya.Kumuha ako ulit ng isang slice at kinagat ito.
"Ano naman ngayon kung nagmura ako? "Bigla siyang natawa.
"You're a teacher ,in cased you don't know.. Bruh",sarkastikong sabi nito.Feel ko na ang moment nung tumahimik pa siya eh. Boysit!
"Eh ano naman kung teacher ako? Anyone can do that. Even you. Hindi ako santo noh!",wika ko.
"But you're not supposed to do that especially in front of your student..",taas noo niyang sabi.
Lalaki ba talaga toh? Nakakainis ang bunganga niya eh!
"Alam mo Max,kung pari nga nagmumura,ako pa kaya? We are just the same.. We also have fun,cuss,drink beers,night outs and even sex.."
Nung isinalita ko yung dulo ay bigla siyang namula. Well,ewan..
He cleared his throat at huminga ng malalim bago tumingin sa akin ng diretso.
"Paano ka ba naging teacher di ba isa kang huwarang pasaway nung highschool?",tanong niya."Simple lang,Tinakot ko yung professor namin..",sarkastiko kong sabi.
Bigla syang natawa..
"Seriously?",
Me=😑
"Isusumbong talaga kita kay Lenard.."
Nang sinabi ko yung pangalan ng erpat niya ay bumalik na naman ang pagbusangot ng mukHa nito. May deperensya talaga sa utak to.
"Lenard?",pag uulit niya
Ay mali pala,di lang pala utak ang may deperensya pati pandinig.
Naku,kawawa naman. Di bale,mayaman naman sila eh.
"Oo,Lenard. Bakit? Di mo alam pangalan ng tatay mo??"
"Alam ko!"
"Alam mo naman pala eh!",agad ininum ko yung kapeng nasa mesa.
"Kabit ka ni Dad noh??!",biglaang tanong nito.
HalOs nabulol ako sa pag inum at naibuga ko sa mesa ang likido buti na lang di siya natamaan.
Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla .
"So this is the reason kaya ayaw ka patalsikin ni Dad? Silence means yes? Magkano ba kailangan mo?",tanong niya."Huh?!",ano akala nito sakin? Gold digger?!
"Huwag ka ng mag maang maangan pa. Alam kong pera lang ang habul mo kay dad,babayaran kita just don't destroy their relationship with our step mom.."Nawala bigla ang inis ko sa batang ito. He cares for his mom and dad. Although,hindi ko talaga nagustuhan ang tingin niya sakin,gold digger?
"At sino nagsabi sayo na kabit ako ng dad mo?!"
"Nakita ko kayo,nagyayakapan.. You witch!"Nanginginig na talaga ako sa galit. Witch daw ako hoo!! Mapapatay ko talagang batang to .
Tatayuan ko na sana siya para suntukin nang biglang nagring yung phone ko sa mesa. I'm sure si Lenard yun.
Kukunin ko na sana pero naunahan niya ako.
"Give me back my phone!",sinabi ko.
Pipindutin na niya sana ang end call nang dinukot ko ito.
"Hello Lenard!"
'Anna, I was so worried about the two of you.. Saan ba kayo pumunta??'
"Okay lang kami Lenard,We're here in-"
*Splash*
0_0
Nakita ko pa kung pano nawalan ng ilaw ang phone ko habang nakatusmaw sa mainit na kape.
"GAGO KA!! BAT MO HINULOG SA KAPE YUNG PHONE KO!! BOYSIT KANG HINAYUPAK KA!! ALAM MO BANG MAY MGA IMPORTANTENG BAGAY AKONG NILAGAY DIYAN??!!!",pangigigil ko habang hawak hawak ko ang kwelyo ng uniform niya.
"S-sorry..",mahinang wika ni Max. Nanlilisik na tinignan ko ang ungas.
"SORRYY?? SA TINGIN MO MAY MAGAGAWA YANG SORRY MO?? HINDI NYAN MAIBABALIK ANG LAHAT NG MGA DOKUMENTONG NAKATAGO DUN!!!",bulyaw ko.
Gusto ko talagang bangasan ang mukha niya kaso di ko magawa kasi naaawa ako sa expresyon niya,parang iiyak. Nanginginig na ang kamao ko sa pangigigil. Sa tingin ko sa oras na masuntok ko ang pagmumukha niya,siguradong mawawalan siya ng malay.
Paano ko na ba macocontact si dad?
Hindi nakapagsalita si Max,nakokonsensya siguro. Dapat lang noh! Hayop siya!"Kailangan ko na talaga ngayon si Lenard..",wika ko sabay bitaw sa kanya.
Pagkasabi ko nun biglang nawala ang konsensya sa mukha niya.
"Bat kailangan mo pa siya?! Nandito na naman ako eh! Kaya kitang bilhan ng bago,a latest one. ""And Why Would I?",pantataray ko.
"Try me And I'll make it so you won't get enough..",wika niya sabay lapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.
I don't know kung bakit biglang lumabas sa mga bunganga ko ang mga sumusunod.
Iwinakli ko ang kamay niya at nakangising nagwikang,
"Sorry kid but I just can't get enough of Lenard,See you.."