Marahil marami sa'tin
Umiibig nang patago
'Di masabi ang damdamin
Pasulyap-sulyap mula sa malayoHindi makapagsalita
Mistula natutulala
'Di maibuka ang bibig
Upang ipagtapat yaong pag-ibigPero hanggang dito na lamang ba
Damdaming patuloy na kinikimkim?
'Di mapakali, nababalisa
Palagi na lamang bang ililihim?Natatakot na iyong tanggihan
Baka bigla na lamang layuan
Masisira ba ang ating pagkakaibigan
Na pinili at pinilit kong pakaingatan?Naguguluhan sa sitwasyong ito
Binabagabag ng puso kong lito
Paano kung gusto mo rin ako
'Di lamang masabi katulad ko?Isusugal ba kung anong meron tayo sa ngayon
O sasarilihin na lamang hanggang sa maglaon?
Ipagtatapat na ba 'tong nadarama ng puso ko
O hindi na lalaban pa't bigla na lamang susuko?
BINABASA MO ANG
BAYBAYIN
Poetry[KOLEKSYON NG MGA PANULAANG TAGALOG] Kathang naglalaman ng mga bagay na hindi masambit ng bibig. Maaaring tungkol sa maraming bagay ngunit hindi mabubuo kung walang pag-ibig. Mga tulang ginawa upang isaad mga natatagong damdamin. Basahin, kilalanin...